HINDI ko alam kung paano ako nakarating sa kuwarto. Baka binuhat na ako nina Samuel dahil nga nakatulog ako sa loob ng kotse. Pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa kusina dahil naghahanap ako ng makakain ko. Nakita ko sina Vito at Samuel. Mabilis silang tumigil sa pag-uusap nila nang mamataan ako. “Good evening, Ma’am,” bati ng dalawa sa akin. Iniisip ko kung sinabi na ba ni Samuel kay Vito. Kapag tinitingnan ko naman si Vito, para siyang walang alam. Magtitiwala na lang muna ako kay Samuel na wala pa rin siyang pinagsasabihan. “Si Mattheus?” Kumuha na lang ako ng prutas at iyon na muna ang kinain ko. Hinintay ko na sumagot ang isa sa kanila. “Nasa may patio po, Ma’am. Kasama po ang mga kapatid ninyo.” Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi ko akalain na naririto ang mga kapatid k

