INULIT ko pa ang pag-take ng pregnancy test para lamang masigurado na hindi mali ang nauna. Pareho ang lumabas na resulta. I’m pregnant. I am f*****g pregnant! Nakaramdam ako ng tuwa ngunit agad ding naglaho ang aking nararamdaamang saya nang maalala ko na maaaring hindi magustuhaan ni Mattheus ang balitang dala ko. Lumabas ako ng banyo at sinalubong ako nina Samuel. Naisip ko na huwag ipaalam sa kanya dahil sasabihin niya kay Mattheus panigurado, subalit huli na ako. Nakita na ni Samuel ang resulta ng PT. “Buntis ka, Ma’am?” Nanlalaki ang kanyang mga mata at halatang hindi makapaniwala sa nakita. “Hala, buntis ka, Ma’am?!” Pag-uulit ng kasambahay na naririto pa rin sa kuwarto ko. Nang tumango ako sa kanila ay nakita ko ang pagtalon ng kasambahay sa saya habang si Samuel ay nanatilin

