“PARANG mas gusto ko na hindi na lang kami nagtanong sa doktor at hinayaan na lamang ang ideya ng pagbubuntis ko. Ngayon, ayaw na ni Mattheus.” Kasama ko ang mga pinsan ko sa Benavidez. Hindi man kami kompleto pero majority ay naririto. Nagkayayaan lamang na kumain sa labas. Hindi ko kasama si Mattheus dahil busy siya sa mga meetings…and well, may hinanakit ako sa kanya. Naandito sina Zeke, Tatiana, Yago, Briana, at Luciel. Nasabi ko sa kanila ang tungkol sa biglaang pag-ayaw ni Mattheus na magkaanak kami dahil sa nalaman niya sa doktor. Sinamaan ako ng tingin ni Tatiana at nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay inirapan niya ako. “And what? Risk your health?” sarkastiko niyang saad na akala mo ay mali ang sinabi ko kanina. “Actually, naiintindihan ko si Mattheus,” sabi ni

