NAKATITIG ako sa bagong singsing na suot ko na siyang ibinigay sa akin ni Mattheus noong proposal sa isla. Binili niya rin ang isla matapos iyon dahil ang sabi nito, nagho-hold ang lugar na iyon ng magandang alaalang gusto niyang balik-balikan. I didn’t know that man was romantic. I know my man is clingy pero hindi ko inisip na magpo-propose ulit siya ganoong kasal na naman kaming dalawa. He wants to restart our relationship dahil kung tutuusin, maraming nangyari sa unang kasal namin. Hindi naman sa gusto naming kalimutan ang lahat ng iyon. Our past made us what we are today. Kaya hindi naman basta pwedeng burahin iyon, pero gusto rin naming magsimula kasama si Creed at Angelo. Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang iniisip ko ang lahat ng iyon. May sarili na rin akong home o

