NANG puwede nang mag-travel si Angelo, nagdesisyon kami na magpunta sa isang isla na ibinebenta kay Mattheus. Ang sabi ni Mattheus, binigyan daw kami ng imbitasyon ng may-ari ng isla nang sa ganoon ay makita namin ito at kung magugustuhan namin ay baka maisipan naming bilhin. Creed was so excited when he heard about that. Ang sabi sa amin ni Creed ay first time raw niyang makakapunta sa isla kapag nagkataon. He has never been on a beach. Mabuting bata si Creed lalo na kay Angelo. Napag-usapan namin ni Mattheus ang mga sinabi ni Creed sa kanya noong nanganganak ako. Sabi ni Creed ay siya ang magiging guard ni Angelo, at wala pa man, binabatayan na niya ang anak namin. May mga pagkakataon na nakikita ko si Creed na natutulog sa nursery ni Angelo at binabatayan ito. Tinanong ko siya noon,

