bc

MARRY ME, UNCLE DMITRI

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
opposites attract
powerful
heir/heiress
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Akala ni Louella ay sa kasalan ang bagsak nila ng kanyang nobyo na si Magnus. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natuklasan niyang niloloko siya nito at ang masaklap pa'y kapatid mismo ni Louella ang karibal niya sa kasintahan. Nahuli niya pero mas pinili niyang manahimik. Sa labis na sakit na naramdaman ay paghihiganti na lang ang nasa puso ng dalaga. Lalo pa't walang kahit na kakarampot na pagsisisi ang mga taksil. Habang nasa bar at nagpapakalunod sa alak ay nagsanga ang landas nila ni Uncle Dmitry, uncle ito ng kanyang kasintahan. Nang nagkatitigan sila ay isang tanong ang namutawi sa bibig ng babae... Will you marry me, Uncle? Lasing siya pero alam niya kung ano ang namutawing salita sa bibig. Mapapayag kaya niya ang lalaki o mabibigo lang din siya katulad kung paano siya binigo ng kasintahan?

chap-preview
Free preview
1. Caught
Chapter One Parang gumuho ang mundo ko pagbukas ko ng pinto ng condo ng boyfriend ko. Hindi ko ito makontak. Walang reply sa mga text o tawag ko. Ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap dahil ang dahilan niya ay abala sa trabaho. Pero iba pala ang pinagkakaabalahan nito. Kitang-kita ko ang dalawang taong abalang-abala na gumagawa ng milagro sa sofa. Hindi pa nila napansin ang bukas na pinto dahil ang buong atensyon nila ay nasa isa't isa. Parehong walang saplot. Parehong tagaktak ang pawis. Hindi ako makagalaw. Para akong naestatwa. Nanlamig din ang buong katawan at hindi ko makuhang magsalita. "Ughh... Magnus, bilisan mo pa!" bulalas ng babae. Nang babaeng kilalang-kilala ko. Bumuhos ang masaganang luha ko. Hindi ako makapaniwala habang nakatitig lang sa kanila. Masakit. Masakit ang dibdib ko. Para kasing may pumipiga roon habang nasa harapan ko ang isang malaking katotoohan. Niloloko ako ng nobyo ko... at ang babaeng kasama niyang nagtataksil ngayon sa akin ay walang iba kung 'di ang kapatid ko. Nang napalingon sa side ko si Susane ay nanlaki ang mata nito. Gulat na gulat na naroon ako at pinanonood sila. Pero kahit nakita na ako nito ay hindi sila huminto. Hindi niya pinahinto si Magnus na mabilis siyang inaangkin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang manugod o umalis sa sitwasyon na iyon. Natapos sila sa ginagawa nila. Habang ako? Nasa tapat pa rin ng pinto. Luhaan. "May audience tayo, Magnus," nangingiting imporma ni Susane. Agad napalingon si Magnus sa pinto kung saan ako naroon. "L-ouella? " bulalas ng lalaki. Agad nitong naitulak ang babae na napasalampak sa sahig. Pero kahit mukhang nasaktan ito ay balewala rito. Dali-daling tumayo si Magnus. Naghanap ng pantakip sa katawan at binalak akong lapitan pero umatras ako. Sa wakas ay nahanap ko ang lakas ko na umatras. Tumakbo ako kahit pa nanghihina ang mga binti ko. Nakuha kong sumakay ng elevator. Nanginginig ang aking mga kamay. Nangangatal ang labi. Ang mga luha'y walang tigil sa pagbagsak. Pero inihanda ko ang sarili ko sa pagbukas ng elevator. Pinunasan ang pisngi na basang-basa na ng luha. Manloloko sila. Niloko nila ako. Naghuhumiyaw iyon sa utak ko habang naghihintay sa pagbukas ng elevator. Nang bumukas iyon ay dali-dali akong bumaba. Aksidente pang nakabangga ng lalaking papasok sana ng elevator. "S-orry," mahinang sabi ko saka mabilis na naglakad palayo... palabas ng gusali. Nagpunta ako sa gusaling ito para i-check ang kasintahan kong ilang araw ng hindi komokontak sa akin. Pero ganoong tagpo ang inabutan ko. Nang may humintong taxi ay agad akong lumalan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa magulang ko ang nasaksihan ko lalo't involve ang kapatid kong si Susane. "Louella, ingatan mo ang relationship ninyo ni Magnus. Sa laki ng connection ng nobyo mo ay malaking kawalan sa atin kung pakawalan mo pa." Palagi kong naririnig iyon sa aking ama. Palagi niyang sinasabi. Palaging pinaaalala. Ingatan? Paano ko iingatan ang isang relasyong ang nobyo ko mismo ang hindi nag-ingat? "Ma'am, saan po tayo?" tanong ng driver sa akin. "Saan? Saan ako nagkamali?" muling umagos ang luha ko. "Saan ako nagkulang? B-akit niloko nila ako?" iyak kong tanong sa pobreng taxi driver na napakamot sa ulo. "Ma'am, ang tinatanong ko po iyong lugar?" mahinahong ani nito. Mukhang ramdam nitong may pinagdaraanan ako. "Lugar? Saan ko ilulugar ang sarili ko sa sitwasyon na ito, manong? Ayaw ni dad na masira ang relationship ko sa boyfriend ko tapos iyong boyfriend ko nahuli ko namang nakikipag-s*x sa kapatid ko. Saan ako lulugar?" napahagulgol ako nang iyak. Sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. "Ang sakit! A-ng sakit-sakit ng puso ko ngayon, manong," mas lalong napakamot sa ulo si Manong driver. "Iyak ka lang po d'yan, ma'am. Ako na muna pong bahalang mag-drive. Basta bayaran mo ang metro po," umusad ang sasakyan. Hindi ko deserve ito. Alam ko sa sarili kong ginawa ko ang best ko sa 4 years na relationship namin ni Magnus. Loyal ako, mahal na mahal ko ito, sobrang ma-effort ako. Pero bakit nito nagawa sa akin iyon? "Ang sakit... ang sakit-sakit!" si Manong driver tuloy ay pasilip-silip na lang sa rearview mirror. Napapabuntonghininga. Ilang minuto rin ang tinakbo ng taxi. Huminto ito at iginilid na ang sasakyan. Nang sumilip ako sa labas ay bumungad sa akin ang karagatan. Maraming namamasyal sa parkeng ito kasi ang view ay ang kalmadong dagat. Hindi ako bumaba. Pero na appreciate ko naman kung saan ako dinala ni Manong driver. "Baba muna ako, ma'am. Yosi lang. Iyak ka lang po d'yan." Bumaba nga talaga ito habang ako'y nagpatuloy lang sa pag-iyak. Hindi ko agad napansin ang phone ko na sige sa pag-ring. Nang medyo kalmado na ay saka ko lang naisipang silipin iyon. Napakaraming missed calls and messages mula kay Magnus. Damn! Kaya naman pala niyang mag-text at tumawag pero inabot ng limang araw walang reply sa akin. Ngayon parang natataranta siya? Magnus: Let's talk. Magnus: Bumalik ka rito. Magnus: Pakinggan mo ang paliwanag ko, Louella. Magnus: Mali ka ng iniisip sa amin ng kapatid mo. "Tangina mo! Mukha ba akong bobo at bulag?" Hindi ko napigilan bulalas dahil sa mga text nito. Mali ako nang iniisip? Ano ba iyong ginagawa nila? Gago pala nitong lalaking ito. Gagawin pa akong tanga. Muling nag-ring ang phone ko. Tumatawag na naman si Magnus pero hindi ko iyon sinagot. Magnus: Louella, umiiyak ang kapatid mo rito. Hindi ko mapatahan. Baka atakihin ito ng asthma niya. Please. Bumalik ka. Love, let's talk. Ayusin natin ito. Magnus: Don't ignore my message and call. Balik dito. Mabilis kong in-off ang phone at muli akong napaiyak dahil sa labis na sama ng loob ko. "Ang kapal ng mukha ninyo! Ang kakapal ninyo!" napahiyaw ako sa labis na galit. Parang sirang plaka ring paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang napakababoy na tagpo na nasaksihan ko kanina. "Bakit ninyo nagawa sa akin ito? A-nong kasalanan ko sa inyo?" nahinto ako sa pag-e-emote ng may kumatok sa bintana. "Ma'am, tubig ka muna," ani ng driver. Inabot niya sa akin ang water bottle na silyado pa. Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat dito. Muli nitong isinara ang pinto pagkasabi niyang bente lang ang tubig at i-add na lang daw sa pamasahe mamaya. Ang cute ni manong. Nasasaktan na ako rito oh! Tapos may mga ganoon pa siyang hirit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook