Chapter 34 Mariposa's POV "KUMUSTA SI DUKE, KUYA?" Bakas sa boses ko ang panghihina. Para akong lantang gulay na walang kabuhay-buhay dahil sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin, sa amin. "He's fine. All you need is to take a rest for a while, maraming lakas ang nawala sa iyo. Saka, huwag mo siyang alalahanin masyado, maayos na ang kalagayan ni Duke." Napatungo ako sabay punas ng butil ng luha sa aking mgkabilang pisngi. Naramdaman ko nalang ang pagtapik ni kuya Vik sa aking balikat. Napaangat ang mukha ko sa kanya. Napakla akong ngumiti. "Kasalanan ko," nagsimula na naman maglandas ng mga luha ko sa pisngi. "Kasalanan ko kung bakit nabaril si Duke, ako dapat 'yon at hindi siya." Pagpatuloy ko at humikbi na nang tuluyan. Kuya Viktor hug me and pat my head.

