Chapter 33 Duke's POV IM NOT in a good condition because of what happened. Pero, kailangan ko pa rin magmadali at kausapin sina Viktor at ang ina ni Mars. Ako na magbabalita kung nasaan siya ngayon. Sa labas palang ng pagamutan ay may mga kapulisan ng nag babantay. Kakatwang bakit ngayon lang nagsidatingan ang mga ito kung saan wala na ang biktima at dinukot na ito ng isang kriminal. Pumasok kami sa loob at doon ko nakita ang iilang kapulisan sa labas ng wars ni Mars. "Viktor!" Tawag ko sa'king pinsan. Mabuti nalang at narinig niya ako kahit medyo maingay ang nasa paligid. Ang ina ni Mars at umiiyak sa isang tabi yakap ang dalawang anak na sina Poloy at Istoy. Pagkalapit ko sa kanila ay sinalubong agad ako ni Viktor. "Nawawala si Mars. Hinalughog na ang kabuuang gusali ay wala talaga

