CHAPTER 27 Third Person POV Ang araw ay nagsimula tulad ng dati sa Jadia Corporation—abala ang lahat sa kani-kanilang gawain. Ngunit sa kabila ng mga tawag, pagpupulong, at papel na kailangang pirmahan, ang isip ni Nosgel ay nasa isang babae lamang—si Erra Hidalgo. Nakatitig siya sa bintana ng kanyang opisina, nag-iisip kung paano muling ipapahayag ang nararamdaman sa babaeng iyon. Kahit ilang beses na niyang sinubukang ipakita ang pagmamahal kay Erra, tila ba may takot pa rin itong tanggapin ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. Pero ngayong araw, desidido siyang gawing espesyal ang lahat. Samantala, nasa presinto si Erra. Abala siya sa pag-file ng report tungkol sa isang bagong kaso. Ngunit kahit anong pilit niyang mag-focus, bumabalik ang isip niya kay Nosgel. Ang huling sina

