CHAPTER 29 Ris POV Isang umaga, habang papunta ako sa opisina ng Kuya Nosgel, hindi ko mapigilang ma-curious kung anong mood niya ngayon. Karaniwan na ang pagiging strict niya, pero kapag nasa "zone" siya, lahat ng tao sa paligid niya ay nag-aalangan lumapit. Alam kong busy siya sa mga proyekto ng Jadia Corporation, lalo na ngayong lumalawak ang reach ng kumpanya. Pero syempre, bilang bunso, hindi ko mapigilang biruin siya minsan. Kung tutuusin, kailangan niya ng konting pahinga sa pagiging masyadong seryoso. Pagpasok ko sa main lobby ng Jadia Corporation, agad kong naramdaman ang tensyon. Ang mga empleyado ay parang mga robot na mabilis ang kilos at halos hindi magkamali. Hindi ako makapaniwala kung paano niya napapanatili ang ganitong kaayusan araw-araw. Habang naglalakad ako sa hal

