Gwyneth's point of view
Lumipas ang madaming araw ngunit wala pa rin akong progreso at plano para makatakas dahil lagi na lang akong may nalilimutan na pangyayari sa buhay ko. Pilit ko naman na inaalala yung iba pero sadyang hindi ko talaga iyon matandaan. Basta ang lagi ko lang natatandaan ay kailangan kong tumakas dito.
Nakaupo ako ngayon sa gilid ako ng nakabukas na bintana dahil gustong gusto ko talaga ang makalanghap ng sariwang hangin. Habang nag-iisip ako ng plano para makatakas, nahagip ng mga mata ko ang isang bata na naglalakad sa baba. Mayroon siyang kasamang kaibigan at mukhang hindi sila dito dahil base sa mukha at ekspresyon niya, parang naninibago sila sa gusaling ito.
Lumuhod ako sa kama ko at pinatong ko ang kamay ko sa bintana. Tinignan ko sila ng mabuti para suriin kung kilala ko ba sila dahil mukhang nakita ko na ang babae. May harang sa bintana namin para hindi kami makatakas. Medyo humigpit na rin sila dahil sa mga nangyayari ngayon dito.
"Are we allowed to visit inside or not?" rinig kong tanong ng lalaking kasama niya.
"We need to be more careful since we don't know much about this school," sabi naman ng babae, "I saw Ate Gwyneth here a few weeks ago. She has bruises and some wounds."
Nang marinig ko ang pangalan ko, alam ko na agad na siya si Skye dahil siya lang naman ang may alam ng lugar na ito. Alam kong madami akong nalilimutan na pangyayari pero ang ibang nangyari na dati ay hindi ko na malilimutan.
Malimutan man ng utak ko ang mga mangyari ngunit hindi malilimutan ng puso ko ang tunay na pangarap ko sa buhay. Ang pangarap ko sa buhay ay ang makalaya na at mabago na ang sistema ng ekonomiya sa mundong ito para mabuhay ng payapa at masaya ang mga kabataan na tulad ko.
"Let's just explore this soon. We will be back," sagot ni Skye sa masama niya.
Mabuti naman na nag-iingat sila at pinag-iisipan muna nila ang kanilang mga gagawin bago sila kumilos. Tama lang siguro na hindi muna sila pumasok dito.
Pagtapos ng pangyayaring iyon, bumalik na sa dati ang lahat. Walang ibang nangyari kundi ang painumin kami ng napakaraming pormula lagi. Medyo nasanay na rin ako roon. Minsan, hindi ko iyon tinatanggap pero madalas, iniinom ko iyon. Sa tuwing tinatanggap ko iyon, may oras na nalilimutan ko ang nangyayari pero may oras din na hindi ko iyon malilimutan.
Ngayong araw, walang pinagawa sa amin kaya naiinip na ako sa bawat segundo na lumilipas. Nakatingin na naman ulit ako sa labas. Parang gusto ko na lumabas dahil nasasawa na ako rito. Pagtapos kong pagmasdan ang labas, naramdaman ko na tinatawag na ako ng kalikasan kaya pumunta na ako sa banyo.
Tumayo na ako para i-flush iyon pero napatingin ako sa may bandang taas. Nabuhayan ako ng loob dahil may maliit na bintana na walang harang doon. Siguro naman kasya ako roon pero medyo may kataasan ang aking bababaan.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Tumalon ako roon at mabilis na tumakbo dahil baka makita pa ako. Tumakbo lang ako nang tumakbo hangang sa may nakita akong malaking gusali na parang sa amin. Madami akong nalagpasan na puno at malalaking bato kaya nahihirapan akong tumakbo dahil lagi akong nahinto.
Nakita ko na nang maayos ang gusali nang makalabas ako sa makapal na lugar kung saan makikita ang napakaraming puno.
Habang patulog na tumatakbo, laking gulat ko nang makita ko sa Skye sa labas, "SKYE!"
"Ate Gwyneth?"
Hinihingal akong lumapit sa kaniya. Huminto muna ako sandali dahil kailangan kong habulin ang hininga ko.
"Listen... You have to leave this city and hide from them," sabi ko sa kaniya pagitan ng paghinga ko.
"I don't want to leave without all of you. I want to do something about that but I don't know how," she pointed out.
"I want you to leave, Skye. Please listen to me right now," huling sinabi ko bago ako umalis at mag-iba ng direksyon.
Hindi nila dapat malaman na pumunta ako rito dahil baka madamay din si Skye kaya mas mabuti pang umalis na muna ako.
Skye's point of view
Anong gagawin ko? May magagawa ba ako? Kailangan kong gumawa ng paraan pero saan at paano ako magsisimula kung wala akong kakampi?
Kakampi... Si Deux!
Mabilis na tumakbo ako papunta sa silid nila Deux. Wala na akong pakielam kung nandoon man si Dominic. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin si Deux.
Huminto ako sa tapat ng pinto ng B-14 at hinanda ko na ang sarili ko na kumatok sa pintong iyon. Kakatok na sana ako pero biglang nakuha ng isang bagay ang aking atensyon. Isang maliit na bilog sa gilid ng pinto. Pinindot ko iyon at biglang may narinig akong tumunog mula sa loob.
Akala ko si Dominic ang magbubukas ng pinto pero iba pala. Buti na lang si Deux ang nagbukas ng pinto. Hindi ko inaasahan na siya ang magbubukas niyon dahil alam ko naman na lagi siyang maraming ginagawa.
"Saan si-" naputol ang itatanong ko dahil sa kaniya.
"How did you know where my room is?" he snapped.
Based on my observation, I think he is Dominic because of his lazy eyes and the way he snapped me really defines who he is.
"I mean, I'm sorry for snapping you and for the tone of my voice. I am just stressed because of the homewor-" pagdadahilan nila.
"It's obvious. Hindi mo na kailangan na magpanggap na si Deux ka," tamad na sabi ko sa kaniya, "Pumunta ako rito para kausapin si Deux."
"I asked you earlier, how did you know where MY room is," he emphasised.
"To meet Deux becaus-" and he snapped me again.
"I told yo-"
"Yeah! I know that this is YOUR room. I just want to know where Deux is," I emphasised.
"I don't know," he simply replied.
"Okay, that's it. We don't need to argue about that simple question."
"Yeah but you didn't answer my question. How did you know where my room is?" he repeated his question.
"The time when Kendrick and I were going to our new room, we passed by here then I heard a familiar voice," I answered.
"What am I saying that time?" he asked again.
"Some random numbers?" mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya nagtaka ako kung anong meron sa mga numero na sinabi niya.
##########