Gwyneth's Point of view
Dahil sa malakas na pag-ulan kanina, basang basa ang aking sapatos at napalilibutan ito ng madaming putik. Tinanggal ko muna iyon bago ako pumasok sa tutuluyan ko.
Sabi nila na hintayin ko lang daw muna ang magbabantay sa akin. Sa tingin ko naman ay mukhang normal na paaralan lang ito dahil may mga silid na parang katulad sa amin kung saan kami nag-aaral.
Mula sa pagkakaupo, napatayo ako dahil may narinig akong may papunta sa silid ko. Nakita ko ang kaniyang anino sa tapat ng pinto. Siya ata ang magbabantay sa akin.
"Hi, I'm here again to tell you that your guardian will not be able to meet you," the monotone voiced girl said.
Sa tingin ko ay hindi naman namin kailangan ng magbabantay dahil sa huli, paglalaruan lang nila kami. Hindi ako mabubuhay ng matagal dito kaya gagawin ko na ang lahat para bumalik sa dati ang mundo. Kahit na hindi ko alam ang itsura ng normal na mundo noon, alam kong hindi ito normal dahil nababasa ko iyon sa mga libro.
"Please read this," may binigay siya sa akin na medyo makapal na libro.
Nabasa ko na rito nakasulat ang iskedyul at iba pang panuntunan. May nakasulat din sa likod na magkakaroon daw ng pagpupulong mamaya. Hindi ko alam ung pwede bang hindi sumama pero susubukan ko iyon mamaya.
Umidlip muna ako sandali dahil napagod ako sa biyahe. Pagtapos ng ilang minutong idlip, nagligpit na ako ng mga gamit ko. Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto.
"Oh pasensya na, akala ko walang tao. Sabi raw ng babae na nakausap ko kanina na dito daw ang aking tutuluyan. Mukhang pareho ata tayo ng silid dahil dalawa ang kama," masayang sambit niya sa akin, "Ako ng pala si Aviva."
Nilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon at nagpakilala rin ako sa kaniya.
Ang inosente niya at mukhang wala siyang alam sa kung ano ang magyayari sa amin dito sa paaralan na ito. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang tungkol doon?
Sa huli, napagdesisyonan ko na sabihin sa kaniya ang lahat ng mga nalalaman ko dahil malalaman niya rin naman iyon sa huli.
"Pero bakit kailangan pa nilang gawin iyon?" takot na tanong niya matapos kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa mangyayari sa amin.
"Dumarami na ang populasyon ng mundo," sabi ko, "Gagamitin lang nila tayo para pag-eksperimentuhan ang ating utak."
"Kung sa gayon, kailangan na natin umalis dito. Gumawa tayo ng paraan. Kailangan din natin tulungan ang ibang mga nandito," she grumbled.
"Hindi madali ang pagtakas. Sa ngayon, ang pwede lang natin gawin ay tumahimik. Huwag mo iyon ipagsasabi sa iba dahil baka kung anong mangyari sa iyo sa oras na malaman nila iyon."
Narinig namin na tumunog na ang kamapana sa labas. Napagdesisyonan ko na dumalo sa pagpupulong. Nakasulat din sa libro kung ano ang pangalan ng akin silid. Mabuti na lang dahil magkaklase kami ni Aviva.
"May ibibigay kami sa inyo, itong pormula ay makakatulong sa pag-aaral niyo. Inumin niyo ito gabi-gabi bago matulog," sabi ng guro namin.
Nang makabalik na kami ni Aviva sa silid amin, hinarap ko siya, "Huwag mong iinumin iyan."
"Paano kung nalaman nila na hindi natin ito ininom?" noted Aviva.
May punto rin ang sinabi niya pero hindi ko iyon iinumin dahil alam kong makakaaepekto iyon sa akin. Wala naman siguro silang magagawa kung hindi ko iyon ininom.
___________________
Gumising ako ng maaga dahil ngayon ang unang araw ng pasukan namin. Pagkagising ni Aviva, mukhang nahihilo at namumutla siya Dahil siguro iyon sa pormulang ininom niya kahapon.
Mula sa pagkakatayo, napaupo siya dahil hindi na niya kaya ang sarili niya. Nakayuko siya at mukhang pagod na agad kahit na kagigising niya pa lang.
"Aviva, anong nararamdaman mo?" I proded.
Hindi niya ako sinagot pero nang tumingin siya sa akin, napansin ko na iba ang kulay ng mata niya. Pagtapos ng ilang minuto, tumayo na siya at naglakad na parang walang nangyari.
Iyon ba ang epekto ng pormulang iyon?
Pagtapos maligo at magbihis, lumabas na ako at naglakad papunta sa silid aralan. Napansin ko rin na hindi normal ang paglalakad ng mga tao sa mahabang pasilyo. Iba ang kulay ng kanilang mga mata at mukhang kinokontrol sila. Their eyes were black.
Nang makapasok na ako na silid aralan, nahagip ng mata ko si Aviva. Hindi ko napansin na nauna na pala siya sa akin. Tinignan ko ang iba kong kaklase, lahat sila ay maayos na nakaupo.
Anong gagawin ko?
Umupo rin ako ng maayos at ginaya ang kanilang mga galaw para hindi ako mapansin na hindi ko ininom ang pormulang binigay sa amin kahapon. Ang problema ko lang ay hindi ko matatago ang aking mata dahil iba ang mata ko sa mata nila.
Hindi pa naman pumapasok ang guro na magtuturo sa amin kaya lumabas ako. Bumalik ako sa silid namin ni Aviva dahil baka mapansin na hindi iba ang kulay ng akin mata. Sana lang ay hindi nila mapansin na hindi ako dumalo sa unang araw ng klase.
Pagtapos ng ilang oras. Narinig ko na ang yapak ng mga tao sa labas na ibig sabihin ay tapos na ang unang klase. Bumukas ang pinto at iniluwal niyon si Aviva.
"Hindi ka pala sumama kanina? Hindi ko iyon napansin," she bizarrely said.
Mukhang bumalik na ang kulay niya at hindi na siya namumutla tulad ng kanina. Mabuti na lang dahil hindi tumagal ang epekto na iyon. Siguro nga sinubukan lang nila iyon sa amin.
Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil ayos na si Aviva kaya lumabas muna ako dahil gusto rin makalanghap ng sariwang hangin.
"Ms. Vermont," tawag sa akin ng guro ko, "Pwede ba tayong mag-usap?"
Alam kong kakausapin niya lang ako tungkol sa hindi ko pag-inom ng pormula kahapon. Hindi naman ako natatakot dahil wala naman siyang magagawa kung ayaw kong inumin iyon.
"I think that you already know why I called you," she started, "Bakit hindi mo ininom ang pormula na binigay namin sa inyo kahapon?"
"Sorry I forgot ma'am."
"Since you already knew something about it, follow me."
Parang medyo kinabahan ako roon dahil hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa akin kaya sumama na lang ako dahil baka kung ano pa ang mangyari kapag sinubukan kong tumakas ngayon. Kailangan ko lang maging mukhang inosente.
Umupo siya sa kaniyang upuan kaya umupo rin ako sa harapan niyon.
"401834150002," huli niyang sinabi bago ko malimutan lahat ng nangyari kanina.
"That's all I want to tell you. You may go."
Ningitian ko siya at umalis na. Hindi ko masabi ang nararamdaman ko ngayon dahil parang may nangyari kanina at kahapon pero hindi ko man lang matandaan.
"Gwyneth, saan ka nagpunta? Kanina pa kita hinahanap," tawag sa akin ni Aviva nang makapasok na ako sa silid namin.
"Tinawag ako ni ma'am. May pinag-usapan kami pero hindi ko matandaan."
"Ang weird niyon ah. Actually, ako rin eh. Parang naranasan ko na rin iyan kais hindi ko matandaan yung nangyari kanina," paliwanag niya sa akin.
Dahil wala kaming gagawin, nagsuklay ako ng buhok ko gamit ang aking kamay dahil binigay ko kay Skye ang akin suklay. Habang sinusuklay ko ang buhok ko, napansin ko na mayroon akong sugat sa leeg. Mukhang bagong sugat lang iyon pero hindi ko matandaan kung saan ko iyon nakuha.
"Oh saan mo naman nakuha iyang sugat na iyan? May pasa ka rin sa braso mo," Aviva asked me.
"Hindi ko nga rin alam eh. Hindi naman siya masakit pero no'ng hinawakan ko, naramdaman ko yung sakit at parang bigla kong natandaan kung saan ko iyon nakuha pero hindi ko masabi."
Ang bilis ng oras dahil nakikita ko na ang paglubog ng araw. Tuwing nakikita ko iyon, natatandaan ko lagi si Skye.
Maaga akong natulog dahil maaga rin kami papasok bukas. Nang makahiga na ako sa kama ko, hindi agad ako dinalaw ng antok. Ilang minuto akong nakatingin sa taas. Ang daming mga konklusyon na pumapasok sa isipan ko.
"Bakit kaya may naalala pa ako noong nakaraang buwan o araw pero hindi ko man lang maalala yung nangyari kanina?" tanong ko sa sarili ko.
Tinignan ko si Aviva na mahimbing na ang tulog. Natatandaan ko pa kung paano ko siya nakilala. Nagulat pa siya noon dahil akala niya na wala siyang kasama sa silid na ito. Nagkwentuhan pa kami noon pero hindi ko matandaan ang usapan namin...
Napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil parang may napagtanto ako. Naalala ko na ang usapan namin kanina ay tungkol sa nabasa kong libro na sinulat ni Diana Fernsby.
"Naalala ko na ngayon kung ano ang plano ko rito," bulong ko sa sarili ko, "I am going to observe their actions."
________________
Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mata ko. Nagligo at nagbihis na ako tulad ng dati kong ginagawa. Ilang araw na ang lumipas simula noong nag-aral ako rito. Sa bawat araw o oras na lumipas, padagdag nang padagdag ang sugat ko. Hindi ko pa rin alam kung bakit at paano ko iyon nakuha.
"Gwyneth, ayos ka pa ba? Kaya mo bang pumasok ngayon?" mausisang tanong ni Aviva. Pagtapos niyang itanong sa akin iyon, dumiretso siya sa banyo at nagsuka.
"Ikaw ang dapat kong itanong. Kaya mo bang pumasok sa klase?"
Habang lumilipas ang panahon, napapansin ko rin na palala nang palala ang situasyon ni Aviva. Siguro dahil iyon sa binibigay na pormula araw-araw. Ewan ko kung bakit kailangan pa nila iyon gawin, pwede naman nila iyon hindi gawin tulad ko.
Tuwing gabi, lagi akong napapaisip kung anong nangyayari ngayon at kung bakit iba ang inaasta ng mga tao sa paligid ko. Lagi rin akong may nalilimutan na pangyayari sa buhay ko pero hindi ko malilimutan kailangan kong gawin sa paaralan na ito.
Kinabukasan, wala kaming klase ngayon at natapos ko na nag lahat ng dapat tapusin kaya naisipan ko na maglakad muna dahil kanina pa ako nakaupo habang ginagawa ko ang mga dapat ipagawa kanina.
Nang makababa na ako, may bigla akong nakita na pamilyar sa akin. Skye? Bakit at paano siya nakapunta rito?
"Excuse me, can I meet Gwyneth Vermont please?" rinig kong sabi ni Skye mula sa malayo. May kausap siyang babae na nakausap ko rin noong una kong punta rito.
"Yes, what is your name and your code?" tanong naman ng babae.
Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kaniya o hindi. Huwag niya dapat sabihin ang kaniyang pangalan lalo na ang kaniyang apilyedo dahil baka malaman na umalis siya nang walang paalam. Kilala ko iyan si Skye, mahilig siyang maggaligad ng mga bagay.
"Skye- oh hey!" Sigaw ko sa kaniya at lumapit, "Hey, it's been a while! Can we talk?"
Mukhang sinusuri niya at ako base sa galaw niya, "Are you okay?" she curiously asked me. Napansin niya ang mga sugat at pasa sa katawan ko.
"Of course! Yes I am. So, how's it going?" I said as we walked down the aisle through the lounge to the other room for privacy.
"Well, nothing special happened," she simply stated.
We sat down on the chair with my right leg on top of the other and my both arms on top of my legs, "Really? What about your grades?" I asked while smiling widely.
Nanginginig ang mga kamay ko dahil natatakot na ba may nanonood o nakikinig sa usapan namin ngayon.
"It's okay. I guess?" sagot niya sa tanong ko.
Sana mapansin niya na kailangan ko ng tulong. Tinapik ko siya gamit ang aking mga daliri. Ibig sabihin niyon ay SOS.
"You know what? We're having so much fun here. We learned so many things here than there and I really am enjoying it here," actually, I lied.
"Uh yeah, I started to love reading books ever since Tita Meng said that I am actually smart and an explorer since I was born," masayang kwento niya sa akin.
"Gwyneth Santiago! It's time," the girl that I have met before said.
Ningitian ko siya at niyakap pero bago kami maghiwalay, may binulong ako sa kaniya at sana lang ay hindi iyon mapansin ng kung sino man, "Third row, fifth column"
Mukhang nagtaka naman siya sa sinabi ko pero hindi na ako pwedeng bumulong ulit dahil baka may makahalata na may sinabi ako sa kaniya bago siya umalis. Alam ko na malalaman niya rin ang ibig kong sabihin dahil matalino siya. I believe in you, Skye.
##########