Layna's point of view "BORING!" sigaw ko. Nasa living area ako ngayon, at nanunuod ng balita, pero wala naman akong hilig sa balita. Tapos na kaming mag-lunch ni Uzi. Hindi ko na alam kung saan ko isusuot ang sarili ko. Ang hirap talaga pag wala kang trabahong ginagawa, lalo na pag twenty plus na. Boring na sa 'yo ang humilata maghapon, at hindi gumagawa ng pera. Pinatay ko na ang T.V. Aayain ko na lang si Uzi na mag-grocery kami. Trip ko lang na kasama s'ya. Sa mga ganitong tao, halatang hindi nakakaranas ng mga normal na gawain ng tao. Mabilis magtampo, pero walang galit sa puso. Umakyat ako sa taas at binuksan ang kwarto ni Uzi. Hindi ko kailangan kumatok, kung mayroon s'yang itatago sa akin sa katawan n'ya, baka laman loob na lang n'ya dahil lahat nakita ko na. Nabilang ko na l

