Layna's point of view ANG tagal ko ng hindi nakita ang bahay ng Montelle. Walang nagbago, pero ang mga halamam sa paligid lang ang naiba. Bumaba ako sa kotse ko dala si Uris at ang gamit n'ya. Kakausapin ko 'yung engineer na hahawak sa bahay ni Lolo Ramon. Wala rin si Rifle dahil bawal daw s'yang pagpakita kahit kanino. Napag-usapan na namin ang lahat kaya ako na ang bahala, kay Snipe rin na ka pangalan. Kumatok ako sa pinto. Maaga akong pumunta dito para hindi ako ma-late sa ka-meeting ko. Natutulog pa si Uris kaya hindi ito nag-iingay. Mayroong nagbukas ng pinto. "Ate!" masiglang bati ni Eula sa akin. Napatingin ako kay Uris ng biglang nagising. "Gosh! Sorry!" gulat na sabi ni Eula ng biglang umiyak si Uris. Bakit kasi kailangan sumigaw? Lalong gumanda si Eula, at dalagan

