Uzi's point of view "LAYNA, alagaan mong mabuti si Uris," saad n'ya kay Layna. "Oo, para hindi maging gaya mo," bara ni Layna kay Rifle. Nagtawanan kami dahil sa sagot ni Layna. I missed this kind of her. Si Layna lang talaga ang nakakatiis at nakakabawi kay Rifle sa mga trip na ito. Hindi naman ako nagtaka kung bakit sila nagkasundo agad. Tumahimik na naman ang paligid namin ng dahil nawala si Rifle, s'ya lang ang nag-iingay dito. "Ate, pumunta ka pala sa Mexico. Maganda ba doon?" tanong ni Eula. Tinignan ako ni Eula sabay kindat sa akin. They making a way para lalong tumagal sila Layna dito. Tinignan ko si Layna na abala kay Uris, at sa pag-ubos sa pagkain n'ya. "Mexico, Pampanga? Yep, same lang sa ibang province na mayroong magagandang lugar, at mayroon din hindi," seryos

