Uzi's point of view "SIGURADO ka bang sa 'yo 'yung bata?" tanong ni Papa sa akin. Nasa dining table kami habang pinag-uusapan ang nangyari kanina. Hindi maalis sa isip ko ang itsura ng bata na dala ni Layna. "Hindi ako sigurado," seryoso kong sagot. Ang tagal kong hindi nakita si Layna, pero mayroon akong kutob na akin 'yung bata. "Wala tayong laban kung hindi ka sigurado," saad pa ni Papa. "Pero p'wede naman natin ipa-DNA if kay Kuya talaga iyon, right?" tanong ni Eula. Sumandal ako sa upuan. "Papayag ba ang Cuevas? Alam naman natin na umalis ang Cuevas sa atin dahil sa nangyari," saad naman ni Mama. "Problema ko ito kaya ako na lang ang gagawa ng paraan," seryoso kong sabi sa kanila. Tumayo ako, para umalis. Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Hindi ko

