Layna's point of view "URIS! (Yu-ris), aalis muna si Mama, okay? Mayroon akong client na ime-meet, pero don't worry uuwi ng maaga si Mama, tapos bibili tayo ng gatas mo," nakangiti kong sabi sa cute kong anak na si Uris. Seven months old s'ya, at kaya ko naman na mag-isa lang na palakihin si Uris. "Dito na lang kayo sa Manila, para naman naaalagaan ko ang apo ko," sabi ni Mama sa akin. Nandito kami sa living area ng bahay namin. Bumalik ako sa Manila ngayon after ilang buwan. Sobrang kong bumalik dito dahil busy sa trabaho ko kaya siguro nami-miss ni Mama ang apo n'ya. Ang gwapo at cute kasi ng anak ko, mana sa akin. Ngumiti ako kay Mama. "Nasa Mexico ang trabaho ko, Mama," sagot ko kay Mama. Gusto ko rin naman tumira dito, pero masaya na ako sa trabaho ko doon. "P'wede ka n

