AMANDA SA MGA sandaling ito ay para akong walang kakampi. Umalis si Emmanuel sa gitna ng gabi at hindi ko man lang alam kung paano ako susunod sa kanya o kung paano ako makakaalis sa poder ni mommy, o kung dapat ko pa ba siyang tawaging mommy. Pagod na ang utak kong mag-isip ng kung ano ba dapat ang nararapat kong gawin sa ngayon at kung ano ba ang dapat kong gawin. Nangingibabaw kasi sa akin ang lungkot at ang awa ko sa aking sarili. Para akong pinagkaitan ng lahat ng bagay sa mundo at dahil iyon sa hindi ko nalalamang tunay kong pagkatao. Sino ang tunay kong ina? Wala na ang ama ko, at ngayong hindi ko sigurado kung sino ang aking ina ay nakararamdam na ako ng pag-iisa. Masakit isiping nangyayari sa akin ang mga bagay na ito. Bakit hindi ko nalaman ang tungkol sa bagay na ito noon

