AMANDA NIYAKAP niya ako na parang mayroong kakaiba sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero sa tingin ko ay mayroong bagong pakiramdam. "Okay ka lang ba, daddy?" I asked. "Yeah. I am okay," he answered. "How about you? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya bago siya umupo sa tabi ko at inipit ang hibla ng buhok ko sa aking tenga. "I'm feeling better now, daddy." "Gusto mo na bang umuwi?" "Pwede na ba? Hindi mo ba ako pagagalitan kapag umuwi na ako?" Para akong maamong tupa ngayon kay Emmanuel. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa tuwing kasama ko na siya ay nag-iiba ang aking nararamdaman. "Your health matters, babe. So, better to get rest at home." "Pero sinong mag-aalaga sa akin sa bahay?" "I'll be preparing your lunch pag hinatid na kita, or better yet, let's have

