JANA's POV ISANG linggo. Wala akong Rafael na nakita, narinig o kahit naramdaman kaya kahit paano natahimik ako. Naging mas lalo akong naging busy sa trabaho at para makalimutan ko ang sakit dulot niya ay nagpaka-busy ako, iyong tipo na pagdating ko sa tinutuluyan ko ay tulog 'agad para walang oras na naiisip ko si Rafael kasi iiyak lang din naman ako at magmukmok kapag naiisip siya. "Guys, tayo nga pala ang napili ni Mr. Franco sa wedding proposal niya," balita sa amin ni Namica. Hindi lang ako nagpahalata pero s'yempre nasaktan ako. "Puwede pass na muna ako kasi, I really need rest na talaga," paalam ko. "Oo, naman. Halos tatlong-araw ka nang walang tulog kaya itong kay Mr. Franco ay kami na ang bahala," payag naman ni Namica. "Thanks, Namica." Napangiti ako. Ayoko masaksih

