RAFAEL's POV NAPANGITI ako nang marinig ko ang pagsabi ng yes ni Jana. Masayang-masaya ang pakiramdam ko ngayon dahil sa wakas ay napa-OO ko na rin ang mahal ko at ikakasal na kami ngayon. "I want to marry you. Being with you forever because I love you so much, Jared Rafael Franco," sabi ni Jana sa akin. Napatayo ako at hinalikan si Jana sa labi na ginantihan naman niya nang maalab din ng halik. Nagtilian naman sina Mariz, Rain at Thea. Idinikit ko ang noo ko kay Jana at ang saya-saya ko dahil sa wakas ay akin na ulit si Jana at hinding-hindi ko na siya pakakawalan. Tapos na rin ang pagtitiis ko sa pagkakalayo ko sa kanya. "I love so much, Jana." "I love you too, Raffy." Nakangiti na kaming humarap sa mga kaibigan namin at niyakap na nila kami. "Wait lang, Raf, nasaan ang mga

