RAFAEL's POV Nang sumapit ang gabi AY lumabas muli si Camille para bigyan ako ng pagkain. "Rafael, oh," inabot sa kanya ang tray na may lamang pagkain, "hindi ka ba talaga papasok? Sa loob ka na kumain," aya sa akin ni Camille. "Salamat. Hindi na at dito na lang ako," tanggi ko sa alok ni Camille. "Sige na. Nakakahiya rin sa mga makakakita sa'yo diyan at mamaya isipin nila inaapi kita. Kahit dito ka na lang sa sala, okay lang." "Salamat" Pumasok na rin ako dahil baka nga kasi isipin ng kapit-bahay ni Camille inaapi niya ako. Nakita ko na nasa lamesa si Jana at kumakain at nang makita niya ako ay kaaagad niyang tinapos ang pagkain at lumakad papunta sa kwarto niya. "Jana, makipag-usap ka naman sa akin," pakiusap ko muli pero hindi ako pinansin nito at sinara na nito ang pinto. "

