JANA's POV MATAPOS ang dalawang-araw ay saka pa ako muling pumasok sa trabaho at pagdating ko pa lang ay kaagad na akong nilapitan nina Brix, Jay, Luane at Belle. "Ano balita sa'yo? Tagal mong nawala?" tanong ni Belle kaagad sa akin. "Busy, eh, may inasikaso," nakangiting tugon ko. "Sus! Baka palaging pinapagod ni Sir kaya hindi nakakapasok," nakangising pang-aasar ni Luane. "Sira-ulo! Pinapagod ka diyan! May inaasikaso lang talaga ako kaya busy ako," kaagad kong tugon. "Hmm. Pero, beshong, alam mo ba na may kumakalat na balita rito sa atin. Kaya kung ako sa'yo bakuran mo na iyang si sir Jared!" sabat naman ni Jay. "Ano naman 'yon ,Jay?" nagtatakang tanong niya kay Jay. "Ikakasal na raw si Sir." Napangiti si Jana. "Ang bilis naman ng balita. Gugulatin ko pa nga sana sila k

