RAFAEL's POV Nasa pwesto na kami ni Jana nila Ivan at kasama namin ang mga girlfriends nila sa puwestong iyon. " 'Tol, siya pala talaga iyon? Paano naging kayo ngayon? Akala ko ba walang pag-asa at pupunta na siya ng America?" usisa sa akin ni Rocky. "Para-paraan lang, 'tol," nakangisi kong tugon. "Naku! Sa ngisi mong 'yan ay mukhang santong-paspasan ang ginawa mo," nakangising bulalas ni Lucas. "Sira-ulo! Mabait 'to 'no! Kami lang talaga para sa isa't-isa," tugon ko kay Lucas. "Oh, wadapak!" nakangising bulalas naman ni Rocky. Natawa naman kami sa naibulalas ni Rocky na sinabayan pa ng action ng mga kamay. " "Tol magpe-perform tayo ngayon," untag ni Ivan at sa akin na ikinagulat ko. "Tayo? Teka, kasama ako?' hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo naman, gago ka ba! Kaya nga tay

