RAFAEL's POV NAPATITIG ako kay Jana at inaarok ko kung seryoso siya sa sinabi niya pero seryoso ang mukha ngayon ni Jana kaya lang ayoko namang paasahin ang sarili ko at baka mamaya ay nagbibiro lang pala siya at masaktan na naman ako. "Huwag kang magbiro, Jana, I'm serious" inis kong sita sa kanya. Napanguso si Jana at humiwalay sa pagyakap sa akin. "Ewan ko sa'yo! Kinukulit mo ako na magpakasal tapos ngayong pumapayag ako, ay naiinis ka! Bahala ka na nga!" tugon ni Jana sa akin. Inis na akong tinalikuran ni Jana. "s**t! Is she serious?" hindi makapaniwalag tanong ko sa sarili. Hindi na umimik pa si Jana at nakatalikod na lang siya sa akin kaya hinawakan ko siya sa dalawang balikat at pinaharap ko na siya sa akin. "Are you serious?" seryoso kong tanong. "Oo nga. Pumapayag na

