JANA'S POV Napahanga ako sa magandang boses na iyon ni Ivan at kinanta lang naman niya ang I wanna grow old ng Westlife. Lahat talaga sila ay ang gaganda ng boses at habang kumakanta siya ay nakatitig siya kay Thea nang punong-puno ng pagmamahal. I wanna grow old with you I wanna die lying in your arms Matapos kantahin ni Ivan ang chorus at sinalo na ni Rafael ang pagkanta dahil lumapit na si Ivan kay Thea at lumuhod sa babae. May kinuha si Ivan sa bulsa at nang makuha niya iyon ay ipinakita iyon kay Thea at gulat at saya naman ang naging emosyon ng mukha ni Thea/ "Will you grow old with me, Thea? Mahal, will you marry me?" Binuksan ang inilabas na box ng singsing at napatakip sa bibig si Thea saka tumulo ang mga luha habang patuloy naman sa pag kanta si Rafael. "Yes, mahal ko,

