Pareho kaming napatingin sa b****a ng bahay namin nang makitang pumasok si Arman at ang ama niyang si Mang Lando. Kumunot ang noo ko nang makitang may hawak pang punpun ng rosas si Arman at malapad ang ngiti sa akin. Napatingin ako kay Mama at Papa. “Ano ang ginagawa niyo rito?” matigas na tanong ni Papa at napatayo. Nilapitan niya ang mga ito kaya sumunod na rin kami ni Mama. Saglit ay nakalimutan kong naririto pa pala si Infernu. Dumoble yata ang sakit ng ulo ko. “Baka naman ay puwede mo kaming paupuin, pare?” ani Mang Lando at tiningnan ang anak. Huminga nang malalim si Papa at sinagot sila. “Umupo kayo,” aniya. “Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Itong anak ko ay matgaal ng may gusto kay, Sarissa. Kung papayag ka na maikasal silang dalawa hindi lamang ang lupa na binibenta ko a

