Hindi ako mapakali dahil kanina pa hindi umiimik si Gideon. Nilingon ko siya at seryoso lamang siyang nagmamaneho. Nababahala ako at hindi ko mahanap ang tamang salitang sasabihin. Pagdating naming sa bahay ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto subalit nauna na siya sa akin. Nakasunod lamang ang tingin ko sa kaniya nang pumanhik siya sa itaas. “Oh, Ana,” ani Lola. Nginitian ko naman siya. “Bakit parang balisa ka?” tanong niya. Ngumiti lamang ako nang tipid. “La, mukhang galit si, Gideon,” mahina kong wika. “Ano kaya ang gagawin ko, La?” tanong ko. hindi ko mapigilan ang sariling makagat ang aking labi. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Ngumiti naman si Lola sa akin. “Relax, kailangan lang nang masinsinang pag-uusap iyan. Sundan mo, hindi ka matitiis nu’n,” nakangiti niyan

