“Ahm, Kuya puwede ko bang dalhin si, Alice rito? Mag-sleep over sana siya para sa finals sa susunod na araw,” kinakabahan kong saad habang kumakain kami. Tiningnan niya lang ako. “Kung ayaw mo okay lang din. Ako na lang ang pupunta sa---” “Dito ka lang. Dalhin mo siya rito. It’s fine with me,” aniya. Napakurap-kurap naman ako at nginitian siya. “Thank you,” saad ko. Tumango lamang siya. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Matapos gawin lahat ay nagpaalam na rin ako dahil maaga pa ako bukas. Hindi ko namalayan ang oras at sobrang bilis talaga. ------------------------------------------------------------------------ “Ano? Pumayag ba si, Gideon?” tanong niya. Tinanguhan ko naman siya. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha niya. “Alalahanin mo ha, wala tayo roon para titigan mo siya. Mag-a

