Napahawak ako sa ulo ko at parang binibiyak iyon sa sakit. Pinilit ko ang aking sarili na bumangon. Iminulat ko ang aking mata at napakurap. Pumikit ako ulit at kumurap. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kuya Gideon. “You’re awake,” aniya. Nanlaki ang mata ko at malakas na napasigaw sa sobrang gulat. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Bela. “Anong nangyari?” aniya at halata ang pagkataranta sa mukha. Natigilan naman ako at nakagat ang aking labi. Nagulat lang ako nang makita si Kuya Gideon. Inis na tiningnan naman ni Bela ang Kuya niya at tinampal ang balikat nito. “Kuya! Ano ka ba? Ginulat mo si, Ana. Bakit ka ba kasi nandito sa kuwarto namin?” saad ni Bela at halata ang galit-galitan sa boses nito. Tinitigan lamang siya ni kuya nnag seryoso. Kaagad na umiling

