Napapiksi ako nang maramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. He folded his arms and stared at me. Lalo ko namang natitigan ang guwapo niyang mukha. Napakaganda ng mga mata niya. Pumeke ako ng ubo at itinuon na ang tingin sa harap. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Kuya,” mahina kong saad. Ngumiti lamang siya nang tipid sa akin. Maging ako ay napangiti na rin sa kaniya. Kaagad na umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil naliliyo ako. Hinayaan ko na lang siyang nakasandal sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating naman na kami. “K-kuya,” mahina kong saad at tinapik ang mukha niya. Nagmulat naman siya ng mata niya at nginitian ulit ako. “Ano na? Tara na? Mamaya na kayo maglampungan may araw pa,” wika ni Bela. Kaagad na namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. “Bela,

