“Apo, ano ang plano mo bukas?” tanong ni Lola sa akin. Gabi na ngayon ng biyernes. Umuwi na ako kanina at wala na akong klase bukas. Napaisip naman ako at natigilan. Birthday ko na pala. Ang bilis ng panahon. “Hindi ko po alam La,” sagot ko. Nginitian naman niya ako. “Maghahanda tayo kahit kaunti lang ha,” aniya. Alam niya kasi na hindi ako mahilig mag-celebrate ng birthday ko. Hindi naman ako makahindi lalo pa at mukhang desidido na siya. “Sige po,” sagot ko. “Tayo na sa hapag,” aya niya sa akin. Tumayo na ako at sumunod sa kaniya. Umupo na ako sa usual seat ko at pilit na iniiwasan ang mapanuring tingin ni Kuya Gideon. Napapansin ko pa ang pasimpleng tingin ni Bela sa akin. Mukhang naghihinala eh. Bagay na bagay silang magsama ni Alice mga marites masiyado. Umupo na rin si Ma’am

