Chapter 9

1188 Words
ENJOY NA ENJOY ANG LAHAT... LAHAT ng manginginom sa street nila imbitado sa birthday ni Tito Matt, panay sayaw na sila ng budots sa gitna ng daan. Habang sa kabilang side ng lamesa ay mga bisita naman ni Frank. Mga tropa nito sa basketball. Si Kuya Patrick lang ang missing in action, busy kakapag-ibig kay Ate Tony. Matapos ang makulit na sayawan ng mga tanders. Kantahan naman ang sumunod, deadma sa mga ibang kapitbahay na basher na galit na galit sa maingay. Walang magagawa ang mga basher na kapitbahay dahil imbitado rin si Kapitan. "Happy Birthday, Matteo!" hiyawan ng lahat ng mga tanders. Napangiti siya, kahit si Papa nakikihiyaw rin habang si Mama at Tita Fely kasama ang ibang marites member ay abalang abala sa kwentuhan. "Doon ka na lang sa loob kumain–" ani ni Frank sa kaniya. Tumango lang siya. Wala rin naman siya sa mood sumali sa inuman ng mga 'to. Pumasok siya sa loob at naupo sa salas. Siya mismo nagbukas ng malaking flat screen TV at nanuod ng kung ano ano, dahil 'di naman niya marinig dahil sa lakas ng tugtugan sa labas. Tahimik siyang kumakain ng carbonara with matching potato salad pa. Enjoy naman siya. Pinapanuod niya 'When Harry Met Sally'. Maganda ang movie, enemy to lovers ang atake. Nasa kalagitnaan na siya ng magandang part ng movie nang makarinig ng tuksuhan sa labas. Kahit maingay, malakas pa rin ang radar ng tenga niya lalo na ng marinig ang pangalan ni Frank. Kumunot ang noo niya, hinawi niya ang kurtina ng bintana at sumilip roon. Nalaman niya agad. May bagong dating. Tatlong mga babae at 'yon isa nakilala niya. Iyon ang babaeng nagbigay ng pink band aid at nanghihingi ng number ni Frank. Umingos siya. Hmm, sino kaya nag invite sa mga ito? Gusto niyang lumabas pero pinigilan niya ang sarili. Ba't siya lalabas? "Bagay na bagay kayo Frank ni KC–" tukso ni Apreng sa nang tumabi ang babaeng 'KC' daw ang pangalan kay Frank. Pangiti-ngiti naman si Frank na parang sirauló. Tumaas ang sulok ng labi niya sabay tikwas ng kilay. Ang haharót ! Umalis na siya sa may bintana, pinagpatuloy na lamang niya ang panunuod at pag ubos sa pagkain niya. Mayamaya pa ay narinig niyang may kumakanta, boses ng isang babae. Sumilip siya muli sa bintana. Si KC ang may hawak ng mikropono, katabi pa rin ito ni Frank na tahimik lang nag-sa-shot. Mahal na mahal.... 'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman Kung 'di mo alam.... Infairness, may tono ang boses ng babae. Patuloy lang ito sa pagkanta habang patingin-tingin pa kay Frank. Like duh? Tuksuhan malala ang nasa paligid, nakangiti naman sina Tita Fely at Tito Matt. Hmp! Bakit naiinis siya?! Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan O, bakit ganyan... At maging sa 'king pagtulog Laging ala-ala ka Nais makapiling, nais makayakap sa t'wina Tumayo siya. Dinala niya sa lababo ang pinagkainan niya, sakto naman pumasok si Mama kasama si Tita Fely. "Mukhang may magkaka-girlfriend na ang unico iho mo, Felicia–" nakangising sabi ni Mama. Natatawang naiiling si Tita Fely. "Naku, 'hindi na natin mapipigilan ang ganyan kasama na 'yan sa buhay lalo na't lalaki ang mga anak natin. Si Patrick pala, ba't wala pa?" "Ay totoo ang sinabi mo. Ayon palagi kasama ang nobya. Lagi ko na lang pinagsasabihan na mag-graduate muna bago magseryoso sa pag ibig." "Tama, magtapos muna sa pag aaral–" Napasulyap si Tita Fely sa kaniya. "Oh, Rainzelle, ayaw mo sa labas?" Umiling siya. "Magdala ka na ng pagkain, dalhin mo sainyo–" Tumango siya. Si Mama naman dumiretso sa lababo upang maghugas ng mga plato. Pero pinipigilan ito ni Tita Fely. "Hoy, 'wag ka na maghugas. Ako na bahala diyan–" "Naku, konti lang 'to hugasan ko na para 'di nakakahiya. Mamaya lasing na mga asawa natin, para wala ka na masyadong gagawin," humarap naman si Mama sa kaniya. "Kuhaan mo na ng pagkain si Kuya Patrick mo at dalhin mo sa bahay, para may makain 'yon mamaya." Tumango siya saka nagsandok ng spagethi, carbonara at kumuha ng cake. Nilagay niya lahat sa tig-iisa tupperware. Paglabas niya ng bahay, hindi na siya lumingon sa gawi kung nasaan nakaupo sila Frank at ang tropa nito. Dire-diresto lang siya hanggang makauwi sa kanila. Nilagay niya agad ang dala sa dining table nila saka pabagsak na umakyat sa kwarto niya. Ilan segundo pa. Tumunog ang cellphone niya. Isang chat galing kay Frank. [ Saan ka ? Umuwi ka na ? ] Nalukot ang buong mukha niya. Ba't nagtatanong ang ungas na ito kung umuwi na siya? Hindi siya nag abalang replyan ito, naiinis siya. Inabala na lang siya ang sarili sa pag-scroll sa social media. Lumipas ang isang oras mahigit wala pa rin sila Mama at Papa, alas-onse na ng gabi, mukhang nagkakasiyahan pa ang mga ito dahil may naririnig pa siyang ingay sa labas. Naisipan na lang niya magbasa ng mga e-book sa internet, pag patak ng alas dose ng gabi nakarinig siya ng mahinang katok sa pinto ng kwarto niya. Nakauwi na kaya sila Mama at Papa? Medyo tumahimik na nga sa labas, wala ng kumakanta subalit may soundtrip pa rin maririnig. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Subalit, imbes si Mama ang mabungaran niya... Si Frank ang nakatayo sa labas ng kwarto niya. Namumula ang leeg at tenga nito, mapungay na ang mga mata nito. Nagpameywang siya. "Anong trip mo ba't nandito ka?" Nasaan kaya sina Mama? "T-Tinulungan ko lang si Tita, alalayan si Tito... lasing na," mahinang paliwanag nito. Kumunot ang noo niya. "O...Okay? Nasa baba ang pinto palabas... wala rito," mataray niyang sabi. Napansin niyang bumuga ito ng hangin parang may nais sabihin. "May sasabihin ka?" Matiim itong tumitig sa kaniya. "G-Galit ka ba?" Huh? Pinagsasabi nito? "Bakit ako magagalit? Anong meron? Hindi ko gets, Frank–" Napalunok ito ng laway. "M-May itatanong ako sayo... S-Sana ayosin mo ang sagot mo, Rainzelle." Tumaas ang isang kilay niya. Sumeryoso kasi ito bigla. Ano bang nangyayari kay Frank? "G-Gusto mo ba ako?" Namilog ang mga mata niya. Tama ba ang dinig niya? Tinatanong siya nito kung may gusto siya rito? What the heck ! Pagak siyang natawa. "A-Ako may gusto sayo? Joke 'yan?" "Sagot, Rainzelle." "Freaking, No ! Ba't naman ako magkakagusto sa'yo? Nagpapatawa ka–" Tumango tango ito at nagpamulsa. Nakatitig pa rin sa kaniya. Nang aarok ang tingin nito hanggang sa bumuntong hininga ito. "Alright. Good." "Umakyat ka rito para itanong lang sa'kin 'yan?" Parang napaisip ito. "Gusto ko lang makasiguro–" "Makasiguro na?" Umiling ito. "Nothing. By the way, I have girlfriend na. Kami na ni KC...." Kumurap-kurap siya. Ang tagal niyang inabsorb ang sinabi ni Frank hanggang sa nakababa na ito. Naiwan siyang tulala. May girlfriend na ito? Umakyat ba ito para sabihin lang sa kaniya iyon? Anong gusto nito palabasin? Nang aasar ba 'to? Iniisip ba nito na may gusto siya rito at baka masaktan siya oras na malaman niya may girlfriend na to? How dare he ?! Pabalibag niyang sinarado ang pinto ng kwarto. s**t ka ! s**t kayo !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD