Chapter 10

1383 Words
KC PRINCESS SORIANO IS IN RELATIOSHIP WITH FRANK MATTREX DELA..... Dahil friend niya sa social media si Frank kitang kita niya ang tagged notification ni KC. Ang aga-aga ang sama agad ng timplada ng mukha niya. Mabilis siyang naligo at nagbihis para pumasok sa school. Wala na si Mama tanging si Papa lang ang nasa salas, nagkakape. "Pasok na ako, Pa." Tumango lang ito sa kanya. 5:30 pa lang ng umaga. Pagkalabas niya nakatayo sa may katapat na tindahan si Frank na parang may inaabangan. Nang mapansin siya nito, lumapit ito agad sa kanya. "Ang sabi ko gumising ka ng–" Walang sabi-sabing inabutan niya ito ng 120 pesos. "Bayad ko. Keep the change," pataray na sikmat niya. Kumunot ang noo nito pero tinanggap naman nito ang pera. Matiim siya nito tinignan, tila may balak na sabihin o ano, basta bahala ito sa buhay nito. Wala na siyang utang rito. "Wala na akong utang sayo." May narinig silang na busina. Si Apreng na nakasakay sa Aerox na motor nito. "Pst, loverboy– kayo na pala ni KC. Bilis mo, ssob !" nakangising sabi nito kay Frank. Umasim ang mukha niya dahil sa narinig. Kaagad siyang lumapit kay Apreng. "Pakihatid ako sa school." Hindi ako nakikisuyo, inuutusan ko ito. Napatanga naman nakatitig si Apreng sa kanya. Nakaawang pa ang bibig, halatang di nito inaasahan ang sinabi niya. Tumaas ang kilay niya. "Baby, sabi ko ihatid mo ako." Napailing na lang si Apreng. "Sakay." Kaagad naman siyang umangkas sa motor nito. Tinanguan na lang nito si Frank saka sila sumibat ng alis. Dahil di naman kalayuan ang school niya, saglit lang ay nasa harapan na sila ng gate. Walang kahirap-hirap siyang bumaba sa motor. "Thank you so much," matamis siyang nagpasalamat kay Apreng. "Awit sayo, Rainzelle." Hindi niya pinansin ang sarkastikong tono nito. Akma sana siyang papasok na sa gate nang mapansin palapit na sa kanila si Frank. Bat parang ang bilis naman nito maglakad? May naisip siyang kalokohan. Humarap siya uli kay Apreng. Inilahad niya ang isang kamay rito, takang napatingin ito sa kamay niya at nakataas pa ang kilay. Kinuha nito sa bulsa ang vape nito sabay higóp. "Penge ako 50, baby. Wala akong baon. Nagbayad kasi ako ng utang–" Abot tenga ang ngiti niya, pinalambing pa niya ang boses niya. Napaubo ito. As in napaubo talaga ito ng bongga. "Bilisan mo na, ma-late na ako, baby–" Sinadya niya pang lakasan para umabot sa pandinig ng lahat. Naiiling na kumuha ng pera sa bulsa si Apreng sabay abot sa kanya. "Tsk. Pambihira ka talaga oh ! Kaya nga ako panay gamit ng tissué para wala akong responsibilidad tapos gagawin mo lang ako Sugar Daddy mo," nakangising maktol nito. Natawa na lang siya at mabilis na pumasok sa loob ng school. Mabuti na lang marunong makisakay sa joke ang gagóng 'yon. Sa buong maghapon na klase ay nag exam lang sila. Wala siyang kamalay-malay na exam pala. Bahala na nga, ang mahalaga nag effort siyang manghula kung ano ang tamang sagot. Pagsapit ng uwian. Nakatanggap siya ng chat mula sa pinsan nya. Real cousin. [ My pretty couzin, sama ka samin ni AJ. Mag date kami sa SM Fairview. ] Nalukot ang mukha niya. At sino na naman 'yon AJ na tinutukoy nito? Tinawagan na lang niya ito. Naka-unli call to all network naman siya. "Ano, G ka ?" Bungad agad ni Kristine sa tawag nya. "Sino munang AJ 'yan?" Malakas na natawa ito. Mukhang tangang tawa nito. "Si Alvin James, Inday !" Napa 'AH' akala naman niya kung sino na. Gusto sana niya kaso wala siyang pera. Ubos na ang kinurakot niyang 50 pesos kay Apreng. "Ekis. Wala akong moneyy–" nagpaawa effect pa ang boses nya. "Baliwag ! Libre ko. Tara na." "Hindi libre ni Alvin James?" tanong lang naman niya. Kinikilig na tumatawa si Kristine. "Nope. Wala daw siyang pera at saka ako naman ang nag aya sa kanya, couple goals kami." Napangiwi siya na napapailing. May saltik na talaga ang pinsan niya ito pa ang nag aya at manglilibre sa lalaki. Pambihira ! "Okay bakla ka ng taon, kita tayo sa bayan, sa may sakayan. Wala akong pamasahe." "Sige, gow ! See yah !" ***** SM FAIRVIEW .... SIYA ang pambansang third wheel ngayon, kasama niya ang mag MU na si Alvin James at ang pinsan niyang si Kristine. Balak ng dalawa ang manuod ng sine. Ready or Not ang title ng movie. Mukhang may binabalak ang dalawang 'to kaya gusto manuod ng sine. Maharot ! Hindi niya alam kung sasama pa ba siya sa loob o maglalaro na lang siya sa Tom's World? Napabuntong hininga na lamang siya nang binilhan na rin siya ni Kristine ng ticket. So, wala ng atrasan 'to? "Hahabol ang tropa ko–" wika ni AJ sa kanila. Nagtatakang nagkatinginan kami ni Kristine. "Don't worry, may sariling pera 'yon. Siya magbabayad ng ticket niya." Tumango tango naman si Kristine parang nakahinga ng maluwag. Napangisi siya. Hanggang saan ang aabot ang pagkabakla mo ng taon? Nag antay lang sila ng ilan minuto saka sumulpot si Gerry. Nanlaki ang mga mata niya. Nakangising lumapit sa kanila ang lalaki. "Hello, Rain–" Ba't parang gusto na niyang tumakbo ng mga oras na yon? Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Gangster na gangster ang atake nito. Napabuga siya ng hininga. "Yes, double date ito !" palatak ni Kristine habang abot tenga naman ang ngiti ni AJ. "Tara na pasok na tayo sa loob." Pag aaya ni AJ matapos makabili si Gerry ng ticket. Sa taas ng sinehan sila nag pwesto. Si AJ at Kristine pumuwesto sa may dulong bahagi. Doon sa parte ng wala ka talaga maaaninag. Samantalang naupo siya sa may bungad, sa gitnang part ng raw, kung saan marami ng nakaupo. "Doon tayo malapit kina AJ–" hinawakan siya ni Gerry sa may pulsuhan niya. Hinablot niya agad ang kamay. "Ayoko. Doon ka kung gusto mo. Dito lang ako." Matigas niyang tanggi. Bat naman siya tatabi sa jejemón na to sa madilim na part ng sinehan? Feeling ! Wala naman itong nagawa sa katigasan ng ulo niya. Basta naupo na lang ito sa tabi niya kahit labag sa loob nito, wala siyang paki. Tahimik lang siya habang nanunuod. Wala siyang imik hanggang sa naramdaman niyang inilagay ni gerry ang braso nito sa likuran ng upuan niya, parang nakaakbay pero sa headboard ng upuan nakapatong ang braso nito. Hindi niya pinansin. Medyo nalilibang na rin naman siya sa palabas, habulan at patayán ang tema ng pelikula kaya curious siya kung mahuhuli ba ang bidang babae. Napaigtad siya nang maramdamang dumikit ang daliri ni Gerry sa braso niya kasabay ang pag amoy nito sa buhok nya. Tumaas ang balahibo niya. Aba't ang hinayupák ! Matalim ang mga matang sinulyapan niya ang manyakis nyang katabi. Nakangisi ito. Binigwasan niya ito sa sikmura. Napaigik naman ito sapo ang tiyan. Mabilis siyang tumayo at malalaki ang hakbang na lumabas ng sinehan. Napahinto siya sabay lingon. Ang pinsan nya? Napailing siya. Malaki na to kayang kaya nito ang sarili, laking bonakid yon. Lumakad siya ng mabilis upang hindi siya masundan ni Gerry, baka bigla itong sumunod at habulin siya, maghuhurumentado talaga siya rito sa SM. Instant viral talaga ! Nasa exit na siya ng SM nang maalalang wala nga pala siyang pamasahe. Natuptop niya ang makinis noo. Tsk ! Anak ng tokwá ka, Rainzelle ! Huminga siya nang malalim. Sa ganda niya, walang makakapag isip na wala syang pambayad. Mag 123 na lang siya sa jeep pauwi papunta Novaliches Bayan. Pagsakay niya ng jeep, may iilan ng pasahero sa loob. Need pang mapuno ang jeep bago ito lumarga. Patay malisya lang siya naupo sa may dulo bahagi ng jeep, sa entrada banda. Ito ang unang beses na 123 na. Nakakakaba. Nakakapawis ng kamay pero kailangan chill lang siya. Mahalaga makauwi siya. Nang malapit ng mapuno, nagulat pa siya ng may sumakay na dalawang naka-school uniform. Si Frank at Si KC ! At naupo pa ang mga ito sa harapan nya. Nag SM din ang dalawang to? Tsk ! Mayamaya may lalaking tumayo sa may entrada ng jeep. Binibilang ang mga pasahero sa loob. "Pasuyo po ng mga bayad –" Paktay na ! Parang gusto niyang bumaba na lang. Paano ang gagawin nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD