PASUYO PO NG MGA BAYAD...
NAPALUNOK siya ng laway. Nag aabot na ng bayad ang iba, kinakabahan na siya. Eh, kung bumaba na lang kaya siya tapos mag antay ng ibang jeep?
"Ikaw, Miss. Bayad mo?"
Napahawak siya sa buhok niya. Pinagpapawisan na siya ng malagkit pati ang singit niya, pawis na rin. Anong gagawin nya? Sumulyap siya kay Frank, nakatingin pa rin ito sa kanya.
Aha ! Fine ! Kakain muna siya ng PRIDE !
Matamis siyang ngumiti kay Frank.
"F-Frank..." mahinang tawag nya rito.
Tumaas ang kilay nito, bahagyang tumaas din ang sulok ng labi nito. Tila nahuhulaan na yata nito kung ano ang pakay niya. Kumunot naman ang noo ni KC, nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanya at kay Frank.
"Magkakilala kayo?" tanong ni KC kay Frank.
"Pinsan ko." Nakangising tugon nito kay KC.
"Oh." mahinang sambit ni KC
Tsk ! Pinsan? Ligalig talaga ng taong 'to !
Ayoko ngang maging pinsan to.
Napangisi sya ng may maisip na kamalditahan. Mukha mo pinsan !
Umakto siyang nagulat. Napaawang ang labi niya at umakto siyang nasaktan.
"W-What? Pinsan? Babe, wala tayong closure basta ka na lang di nagparamdam. Tapos – makikita kitang may ibang kasama na babae?! Sino siya? Babe, how could you do this to me!" malakas na singhal niya kay Frank, dahilan upang mapatingin sa kanya ang mga pasahero sa jeep.
Sulit talaga ang panunuod nila ng teleserye sa gabi. Pang best supporting actress ang acting nya.
Bakas ang gulat sa mukha ni Frank, halatang di makapaniwala sa pinagsasabi niya habang nanlalaki ang mga mata ni KC na parang naiiyak na napahiya na ewan. Ah basta, wala siyang pakialam sa reaksyon nito!
"T-Totoo ba ang sinasabi nya, Frank?" nanginginig ang boses ni KC.
"I remember her, sya yon kasama mo nun naglaro kayo ng basketball, right? Siya yon di ba?"
Malungkot na humarap si KC kay Frank habang si Frank, tigalgal pa rin. Nalunok yata ang dila, hindi makapagsalita. In shock pa rin.
Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Frank at sa reaksyon din ni KC, subalit nagpigil siya.
Tumaas ang sulok ng labi niya. Dinuro nya si Frank.
"You, cheater ! Paano mo nagawang i-ghost ako ng gano'n gano'n na lang? Matapos ang lahat ng pinagsamahan natin? Itatapon mo lang ako na parang basahan, dahil may nakilala ka ng iba?"
May konti luhang pumatak sa gilid ng mata niya. Very light nga lang.
"Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako," maiyak-iyak na singhal niya kay Frank.
Napasinghap ang ilang pasahero sa jeep pati si Kuya barker boy, natuptop nito ang bibig.
Well, pang Liza Soberano lang naman ang atake niya sa actingan. Panggap na panggap ang datingan niya ngayon.
Biglang nagdilim ang anyo ni Frank, parang napipikon na. Matalim siyang tinignan bago tinapunan ng tingin si KC.
"I'm sorry, KC–" paanas nito sabi sa babae, saka hinatak naman siya ni Frank sa braso pababa ng jeep.
Nagpaubaya naman siya. Hindi siya pumalag. Naging mabilis ang paglalakad ni Frank, palayo sa jeep. Pumasok sila uli sa loob ng Mall, hatak hatak pa rin siya nito. Medyo nagtataka na siya dahil di niya alam kung saan ba siya nito dadalhin.
Hanggang sa lumabas sila sa kabilang exit ng Mall, sa dulo kung saan may mga terminal ng jeep na pa-tungko ang byahe.
Binitawan siya ni Frank. Humarap ito bigla sa kanya. Akala niya sisigawan sya nito o bubulyawan subalit mas nagulat sya ng nakangisi ito sa kanya na may kakaibang kislap ang mga mata.
Nabahala siya.
"Anong trip mo, Rainzelle Floralde?" nagpamulsa ito at matiim siyang tinitigan.
Kumunot ang noo nya.
"Ha? Anong trip pinagsasabi mo?"
"Eksena kang babae ka kanina sa jeep! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"
Hindi naman galit ang tono ni Frank.
Nagkibit balikat lang siya.
"Wala, uutang lang sana ako pamasahe sayo kasi wala akong kapera-pera tapos tinawag mo akong pinsan kaya na bwiset ako sayo."
Mahinahon na paliwanag nya na may diin. Totoo naman na nainis sya.
Napapailing iling na lang si Frank. Huminga muna ito ng malalim saka siya hinawakan uli sa kamay, papasok sa Mall. Nagtatakang napasulyap siya kay Frank. Papasok sila uli ng Mall?
"Buti na lang matagal ko ng tanggap ang kabaliwan mo," pabulong nito sabi.
Tumikwas ang kilay niya. Narinig nya 'yon. Akmang hihilahin nya ang kamay rito ngunit mas lalo pa nitong hinawakan ang kamay niya. Mukha na silang mag-syota na naka-holding hands while walking sa Mall.
"H-Hindi pa tayo uuwi?" kapagkuwa'y tanong niya. Naiilang na siya sa magkasiklop nilang kamay habang patuloy pa rin sila sa walang direksyon nilang lakad sa Mall.
"Nagugutom ka ba, babe?"
Pakiramdam nya sumabog ang dibdib nya, napaubo siya ng malakas. Mabilis naman hinimas ni Frank ang likod nya, tinabig nya ito.
"Pinagsasabi mo?!"
Mahinang natawa ito, ipinatong nito ang braso sa ulo niya.
"You called me, BABE earlier 'di ba? Might as well, bumawi ako sa BABE ko. Sorry naman kung na-ghost kita, di ko sadya 'yon. Akala ko kasi hindi mo ako mahal, para sabihin ko sayo, YOU ARE MORE THAN ENOUGH to me. Hindi ka pangit, sobrang ganda mo nga e. Sa sobrang ganda mo baka ako pa ang matakot na palitan mo oras na maraming ng magkagusto sayo."
Out of nowhere, lumakas bigla ang kabog ng dibdib nya. Nag-stop yata ang pag circulate ng dugo niya sa katawan pati sa utak. Nag-replapse siya. Hindi siya makahinga, lalo pa't sobrang lagkit ang tingin sa kanya ni Frank na para bang uma-acting din ito.
Tang'ína ! Gumaganti yata to sa kanya? Pambihira, ginamitan din siya ng pang best actor na actingan ! Ang kupál !
Umasim ang mukha niya at tinulak ito palayo sa kanya.
"Ano, Enrique Gil ang atake mo ngayon?!"
gigil na singhal nya.
Bumunghalit ng tawa si Frank. May iilan na taong napapasulyap sa kanila.
"Tawang tawa ka, BABE?" sarkastikong sikmat nya. Naasar na sya, kahit sino maasar sa tawa nito e.
Sinapo nito ang mukha nya at pinanggigilan ang magkabilang pisngi niya.
"Ang cute mo sobra. Sarap mong ibulsa."
Tinabig niya ang mga kamay nito na nasa mukha nya.
"Ayoko na ! Mas mabuti pang mag hiwalay na tayo ng tuluyan bago ka pa mabaliw sa'kin," mataray na angil nya.
Naiinis na inismiran nya ito at naglakad na palayo. Subalit, inakbayan siya nito at idinikit siya lalo sa katawan nito.
"Alright, bago tayo maghiwalay. Kain muna tayo, Babe. Halatang nalipasan ka na ng gutom e," nakangising sambit nito.
Hindi na siya umiwas rito. Hinayaan na lang niya magkadikit ang katawan nilang dalawa. Infairness, masarap sa pakiramdam madikit sa katawan nito. Ang warm sa pakiramdam.
Umismid siya. "Libre mo ko sa Chowking para matuwa ako sayo, Babe."
Malakas na natawa na lamang si Frank habang naiiling ang ulo.