Chapter 24

1296 Words
PAALIS NA SI MAMA .... MABILIS lumipas ang dalawang buwan na pag aantay ni Mama. Kumpleto na ang mga papeles nito pati plane ticket meron na rin. Bukas na ng gabi ang alis nito. Kanina pa siya iyak ng iyak habang yakap siya ni Kuya Patrick. "Patrick Damian, ikaw na bahala sa kapatid mo ha," pang 100 times na yatang paalala ni Mama kay Kuya. "Wag nyo papabayaan ang pag aaral nyo.. Ikaw, Patrick, next year graduating ka na, Nak. Sisikapin kong makauwi sa araw ng graduation mo." Naluluhang wika ni Mama kay Kuya Patrick. Tumango tango naman si Kuya Patrick habang siya patuloy pa rin ang pag iyak. Yumakap siya kay Mama, lungkot na lungkot talaga siya. At dahil may pasok sila ni Kuya Patrick, hindi sila makakasama sa paghatid sa airport kay Mama kaya si Papa na lang ang sasama. Kinabukasan, bago pumasok, buhos talaga ang iyakan sa loob ng kwarto nila. Walang humpay din si Mama sa pag papaalala sa kanila ni Kuya Patrick hanggang sa nauna nang umalis sila Mama at Papa. Sa airport na raw mag aantay si Mama kaysa maipit pa sa trapik kung hapon pa aalis. Hinatid muna siya ni Kuya Patrick sa school nya bago ito dumiretso pasok. Di sya makapag-focus sa klase pero pinilit pa rin niyang makinig sa mga lessons. After ng klase nya, naisipan niyang magpunta kina Frank. Alam ni Frank ang pag alis ni Mama papuntang Australia subalit hindi nito alam na ngayon araw ang alis ni Mama. Malungkot sya. Gusto niyang makasama si Frank para kahit papaano mawala ang lungkot nya. Naabutan niya lang si Tita Fely ang naroon. Parehas daw gagabihin sina Tito Matt at Frank. Hindi rin naman kasi siya nag-chat kay Frank na pupunta siya. "Kumain ka na ba, Rainzelle? Lika, nagluto ako meryendang pancit bihon," alok ni Tita Fely sa kanya. Hindi na siya tumanggi pa dahil na miss nya rin ang luto ni Tita Fely. "Sige po, Tita." Habang nagme-meryenda na ikwento na nya kay Tita Fely ang pag alis ni Mama. Bagama't nagulat at nalungkot din ito, pinaalalahan din siya na ni Tita Fely na huwag masyado mag alala kay Mama. "Kayang kaya ni Mama nyo ang trabaho sa malayo. Sikapin nyo mag aral ng mabuti para di masayang ang sakripisyo ng Mama nyo," nakangiting wika ni Tita Fely sa kanya. Tumango tango naman siya. Alas-sais na ng gabi nang dumating si Tito Matt. Wala pa rin si Frank. Naghintay pa rin siya hanggang yayain sya nila Tita Fely at Tito Matt na mag hapunan. Hindi sya tumanggi tutal gutom na rin naman sya. Alas-otso pasado na nang maisipan niyang tawagan na si Frank. Sinabihan nya kasi sina Tita Fely na wag i-chat ang binata na naroon siya, gusto nya kasi sopresahin ito. Hindi niya lang akalain na gagabihin pala ito ng sobra. "Ikaw na tumawag kay Frank, tanungin mo kung nasaan na kamo siya–" ani ni Tito Matt. Tumango siya at lumabas saglit ng bahay para tawagan si Frank. Isang ring. Pangalawang ring hanggang pang apat na ring saka lang nito sinagot ang call niya. "Babe? napatawag ka?" bungad agad nito sa kabilang linya. "Bawal bang tawagan ka?" pataray na tanong nya. Nakaramdam sya ng inis. Saan lupalop na naman kaya ang lalaking 'to? Pagak na natawa si Frank. "Of course not. Ayos ka lang ba? Nakauwi ka na ba?" "Oo. Nakauwi na ako sa bahay," pag sisinungaling nya. Ayaw niyang sabihin na nandito sya sa bahay nito. "Ikaw ba, babe? Nakauwi ka na?" Matagal bago ito nakasagot. "Yup. Sa bahay na ako. Bukas sunduin kita sa school mo–" Nalukot ang buong noo niya dahil sa pagsisinungaling nito. Anong nasa bahay na ito, pinagsasabi nito?! Bakit kailangan magsinungaling ito? Nalulungkot na nga siya dahil umalis si Mama tapos magsisinungaling pa ito sa kanya. Nakaramdam siya ng kung anong bigat sa dibdib. "Huwag na !" gigil na singhal niya. "Anong 'wag na?" "Huwag ka na mag abala sunduin ako...tapos 'wag mo na rin ipapakita sa'kin pagmumukha mo!" galit na sabi niya saka inoff ang tawag. Naiinis siya. Hindi niya matanggap na nagsisinungaling ito. Bwíset ! Maayos siyang nagpaalam kina Tita Fely at Tito Matt para umuwi na. "Oh, uuwi ka na, Rainzelle? Nasaan daw si Frank, ano sabi?" tanong ni Tita Fely na nakatayo sa may komedor. "Opo uuwi na po ako gabi na po kasi," sagot niya. "E, nasaan daw si Frank?" si Tito Matt naman ang nagtanong. Nakaupo ito sa salas. "Ang sabi niya po sakin. Nakauwi na raw po sya. Pasabi na lang po sa kanya...Very good po sya. Sige po, mauna na po ako," mahinahon na sabi niya saka umalis na sya. Nakasakay na siya ng mini bus pauwi nang mag-vibrate ang cellphone niya. Thirty minutes na ang lumipas, mula nang makasakay siya. Alam niyang tatawag si Frank sa kanya, oras na makauwi ito at malamang galing siya roon. Talinpandás ! Why on earth did he lied on her? Pinagloloko na ba sya nito? Tiim ang bagang na pinagmamasdan niya ang cellphone. Naka ilang misscall na sa kanya si Frank. "Hmp. Fake Frank !" inis na sambit niya. Hindi niya talaga sinagot ang tawag nito hanggang sa makauwi siya sa kanila. Naabutan niyang kumakain si Uncle Mando at ang asawa nito. "Kain na–" alok ng mga ito. "Sige po, tapos na po. Kumain na po ako sa bahay ng boyfriend ko po," magalang na tanggi. Dumiretso sya agad sa kwarto. Nag-chat si Kuya Patrick na pauwi na ito. Napatingin siya sa oras. Alas-diyes na ng gabi. Nakasakay na si Mama sa eroplano. Napabuntong hininga sya. Tatawagan na lang niya si Mama bukas na bukas upang alamin ang lagay nito. Binasa niya rin ang chat ni Frank. [ Babe, I'm sorry... please sagutin mo tawag ko. ;( ] [ Hindi ko alam na nandito ka pala kanina sa bahay. Nagpunta kasi ako ng SM San Lazaro ] Tumaas ang kilay niya. SM ? Anong meron at nag SM ito? Sinong kasama nito sa SM ?! Argh ! Naiinis siya lalo pero gayunpaman, hinayaan lang niya si Frank. Hindi rin siya nag-reply sa mga chat nito. Magpapalit na siya ng damit, nakakalas na ang mga butones sa suot niyang uniform nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Mabilis siyang napatakip sa dibdib niya. Nahihindik siya sa gulat lalo na nang mapag sino ang nagbukas ng pinto. Si Uncle Mando. "Hindi marunong kumatok?" pabalang na sabi niya, dala na rin marahil sa inis na nararamdaman niya. Napakamot sa ulo si Uncle Mando sabay ngisi. "Ay, pasensya na. Hindi kasi naka-lock–" Matalim ang mga tingin niya rito. "Nagbibihis ako. Pakisarado ang pinto." "Ah .. eh, may sasabihin sana ako," sabi nito habang malagkit ang mga tingin sa kanya. Nabahala siya pero naisip niya pwede naman siya sumigaw oras na may gawin ito hindi kanais-nais. At saka, kasama rin nila sa bahay ang asawa nito. Hindi siya kumibo, hinintay niyang magsalita ito. "Tutal ... Wala ang Mama nyo. Huwag kang mahiyang magsabi sakin kung may kailangan ka sa school. Mag aabot ako ng pera kahit magkano basta ba–" "Hindi po. Salamat po. Okay lang po ako. Pakisara na po ang pinto," putol niya sa iba pang sinasabi ni Uncle Mando. Pangisi-ngisi lang ito sabay kibit balikat at sinarado na ang pinto. Mabilis siyang napalapit sa pinto at ini-lock yon. Napatitig siya sa pintuan. Hindi sapat ang lock lang sa doorknob, mas okay kung may double lock pa sa pinto. Napahugot sya ng malalim saka pinagpatuloy ang pagbibihis. Nagtitimpi lang sya dahil kapatid ito ni Papa subalit hindi siya ang tipo ng babaeng damsel in distress. Oras na may gawin talaga ito. Papalagan niya talaga ito. May lugar ang kabaitan niya pero walang pinipiling tao ang kamalditahan niya !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD