Chapter 4

1052 Words
PINSAN ? ANO RAW ? Sambakol ang mukha niya dahil sa sinabi ni Frank kay Gerry. Feeling kapamilya! "Sinong ginagagó mo ha? Paano ka naging pinsan ni Rainzelle, 'di naman kayo pareho ng apelyido!" bulyaw ni Gerry kay Frank. Tumalsik pa ang laway nito. Napangiwi siya. Umiling si Frank. "Bobo ampotá." "Anong sabi mo?!" "Sabi ko, nakakabobó makipag usap sayo! Tara na, Rain–" hinagis muna ni Frank ang plastik na hawak, ubos na ang softdrink nito saka siya hinila na palayo kay Gerry. Akma susunod si Gerry ng dinuro ito ni Frank nang lumingon. "Sige, sumunod ka para manghiram ka ng mukha sa aso." Matalim na tingin at sabi ni Frank na ikinatameme naman ni Gerry. Thank God. Hindi na sumunod si Gerry. Napatingala siya kay Frank na hawak hawak pa rin ang kamay niya habang kinakaladkad siya. 'Yon lakad niya parang takbo na para sa kaniya. Ang bilis maglakad ang hinayupák! Hanggang sa makarating sila sa tapat ng munting bahay nila saka lang siya nito binitawan. 'Yon pag bitaw nito parang hinagis ang kamay niya sa ere e' Naniningkit ang mga matang tinapunan niya ito ng tingin subalit tinalikuran lang siya ni Frank at naglakad na rin ito pauwi. Tsk ! "Salamat ha ! Sana huwag ka muna kunin ni Lord, bait mo e' !" sarkastikong sigaw niya. Kahit hindi na ito lumingon, siniguro niyang maririnig nito ang sigaw niya. Hmmp! **** BALIK TELESERYE Literal na lulóng na lulóng ang Mama at Papa niya sa kakanuod ng Probinsyano. Kahit medyo ang creépy na ng tinatakbo ng istorya, halatang pinapahaba na lang para sa views. Anyway, papunta siya ngayon sa covered court ng baranggay. Nandoon kasi si Kuya Patrick naglalaro ng basketball, mga dayo raw ang kalaban ng mga ito. Taga LLano, Caloocan pa yata. Syempre, titignan niya kung may mga pang 'Face card' siyang makikita. Pagdating niya sa covered court, ang dami ng taong nanunuod. Nakita niya agad si Kuya Patrick. Matangkad kasi ito, siguro mga 6 feet din. Brusko pa ang katawan kaya malabong hindi ito mapansin. Kakampi nito sina Randall, Timber, Apreng at Frank. Napako ang tingin niya sa pawisan itsura ni Frank. Basang basa na ang suot nito jersey sando dahil sa pawis pati ang buhok nito pero bakit parang ang fresh pa rin nito kung titignan? Umingos siya. Iniwas niya ang mga mata rito, luminga linga siya baka may ma-tyempuhan siyang maganda sa mata. Tinignan rin niya ang mga kalaban ng mga ito. Napailing siyang. Halatang mga patpatin. Hindi na siya nagtaka kung lamang sila Kuya Patrick sa score ng bente puntos. Naupo siya sa isang bench, saktong natatanaw lang niya ang mga naglalaro. Kaya naman sa tuwing nakaka-three-points shot si Frank halos dumadagundóng ang buong covered court dahil sa mga nagsisigawan at nagtitílian. Magaling din ang Kuya Patrick niya ito ang point guard. Si Apreng ang small forward, si Randall naman yata ang power forward, si Timber ang center at si Frank ang shooting guard. Sa madaling sabi, lahat naman sila magagaling maglaro walang halong biro. Patapos na ang second quarter ng laro ng may magsigawan. Napasinghap siya sabay tayo sa kinauupuan. Tinamaan ng bola sa mukha si Frank, naging sanhi ng pagputok ng gilid ng kilay nito. Napatakbo siya palapit sa mga ito nang makitang nilapitan din ito nila Kuya Patrick. "K-Kuya–" Tawag atensiyon niya sa kapatid. Lumingon naman ito, napansin din niyang dumako ang tingin ni Frank sa kaniya. Dumudugo ang gilid ng kilay nito. Bahagya siya lumapit sa mga ito. "Gumagala ka na naman, Rainzelle–" sita ni Kuya Patrick. "Oy! Nagpaalam ako kina Mama na manunuod ng laro niyo." Nakasimangot na turan niya. Hinubad ni Frank ang suot na jersey sando at pinangtapal sa gilid ng kilay nito na dumudugo. Hindi niya tuloy maiwasan mapatingin sa flat na tiyan nito. Wala naman abs. Saktong flat lang na mukhang matigas. Tsk ! "Eyes up here, babe–" Para siyang naparilasa dahil hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Frank sa kaniya at bumulong malapit sa tenga niya. Nang makalagpas na ito sa kaniya, tila doon lang siya natauhan sa kung anong nangyari. Tikom ang bibig at matalim na tinanaw lang niya si Frank na naglalakad na patungo sa gilid ng court at naupo. Putangína ! Tama ba siya ng dinig? Tinawag siya nito BABE?! Napakislot siya ng may umakbay sa kaniya. "Doon ka maupo. Manuod ka lang. Huwag kang palakad lakad ha. Antayin mo na lang matapos ang laro, sabay na tayo umuwi," bilin ni Kuya Patrick na simpleng tango lang ang sinagot niya. Iginiya siya nito sa gilid ng court, paupo sa kung saan nakapuwesto ang mga ito, sa tabi mismo ni Frank. Naririnig niyang nagsasalita ang basketball coach ng mga ito, nadinig pa niya na tinatanong si Frank sa lagay nito at kung kaya pa nito maglaro. "Yes, coach. Malayo sa bituka." Mayabang na sagot ni Frank. Umingos siya. Hambóg talaga. "Good. Lagyan na lang ng band aid, after this game, ipatingin natin 'yan sugat mo." "Huwag na coach. 'Di naman malala." "Alright. Ikaw bahala. Oh, tapusin na natin 'to. Lamang na lamang na tayo–" Marami pang sinabi ang matandang basketball coach ng mga ito. Habang siya patay malisya lang siya nakaupo. Tumingin siya sa cellphone niya. 8:30 na ng gabi. Naramdaman niyang umusod ng upo si Frank sa kaniya. Nakadikit tuloy ang mga balikat nila, sisitahin niya sana ito ng mapansin may naupo pala sa tabi nito kaya ito umurong. "A-Ayos ka lang?" Tumikwas yata ang kilay niya ng may babaeng lumapit kay Frank. Nakatayo ito sa harapan nila mismo. Hindi niya knows ang babae, siguro dayo rin ito na nakinuod lang. Mukhang mahinhin ang babae. Mahaba ang buhok. Nakasuot na pink cardigan, white crop top, black skirt at white sandals. May itsura. Hmm, pwede na.. pero mas lamang pa rin siya ng dalawang paligo. "Yeah. Bakit?" May inabot ang babae kay Frank. Pink na band aid. Bakit parang umaakyat ang presyon niya? Kumukulo ang dugo niya sa utak? Kinuha naman ni Frank ang band aid. "Thanks." Halatang halata sa babae na natuwa ito dahil sa pagtanggap ni Frank, namula kasi ang pisngi nito. Nainis na siya. Mabilis niyang inagaw ang band aid na hawak ni Frank. Nagulat ang babae samantalang si Frank, blanko ang mukha. "Ako na maglalagay, BABE !"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD