Chapter 5

1215 Words
"AKO NA MAGLALAGAY, BABE !" Kitang kita ang pagbahid ng hiya, kirot at pighati sa mukha ng babae nasa harapan nila. Tumaas ang kilay niya. So, what? "Excuse me–" Umalis na lang ito bigla sa harap nila. Buti naman. "Tagal mo naman ilagay, babe..." paanas na wika ni Frank sa gilid niya. Matalim ang mga matang tumingin siya kay Frank. Nakauklo ang mukha nito sa mukha niya, kumunot ang noo niya. Aba't kinakarir ang pagtawag na BABE sa kaniya. Tinampal niya ang hawak na pink band aid sa noo nito. "Gusto mo madagdagan ang bangás mo sa mukha? Ikaw maglagay niyan! Bwiset ka!" singhal niya saka inirapan ito. Umusog siya konti para 'di sila magdikit. Narinig na lang niya ang mahinang pagtawa nito. "Selosa." Nag zigzag talaga ang kilay niya. Literal. Kahit pabulong ito nagsalita, narinig pa rin niya ang sinabi nito. "Excuse you?! FYI lang ha– hindi kita crush mas lalong hindi kita type. Period !" Nagkibit balikat lamang ito. Hindi na ito nagsalita pa, kaya tumahimik na rin siya. Hanggang sa tumunog na uli ang bell para sa susunod na round. Tumayo na si Frank at ang iba pa para maglaro uli. Napansin niya na hindi nilagay ni Frank ang pink band aid na bigay ng babae. Iniwan lang nito iyon sa kinaupuan nito. Kinuha naman niya iyon at nilamukos. Panget ng pink. Hmp! **** NATAPOS ang basketball game na panalo sina Kuya Patrick, kaya may inuman session ang mga ito. Hinatid na muna siya ni Kuya Patrick pauwi ng bahay saka umalis ito agad. "Lock mo na 'yon pinto, Bunso. May susi ako rito." Bilin ni Kuya saka ito umalis para sumunod sa mga tropa nito. Nakasimangot na sinarado niya ang pinto. Gusto niya sumama kaso ayaw ni Kuya, puro lalaki raw kasi ang nandon kaya ayaw nito. Wala naman siya nagawa kun'di tumango kahit labag sa loob niya. Tulog na sila Mama at Papa. At dahil hindi pa siya inaantok, kumain muna siya uli. Kinain na niya ang ulam na prito tilapia para kay Kuya, tutal mabubusog naman na ito sa alak. Kanya na lang. Naghiwa pa siya ng kamatis, naglagay ng toyomansi saka siya sumalampak sa salas nila at binuksan ang TV. Nanunuod siya ng Shake Rattle and Roll. Habang sarap na sarap siya sa paglamon habang nanunuod. May kumatok sa pinto. Kumunot ang noo niya. Hindi si Kuya iyon kasi hindi marunong kumatok 'yon. Mag 10:30 na ng gabi. Wala pang isang oras mula ng hinatid siya ni Kuya. Sinetch itey? Syempre, sumilip muna siya. Nakita niya si Ate Tony. Kumunot ang noo niya. Hinahanap ba nito si Kuya Patrick? Mabilis niyang pinagbuksan ito ng pinto. Agad na bumungad ang namumula nitong mga mata. Siguro instinct na rin kaya niyakap niya ito. Pumalahaw ito ng iyak at gumanti ng yakap sa kaniya. Hindi man ito magsalita alam niyang mabigat ang dala-dala nito sa loob. Hinimas niya ito sa likod. "Ssh, tahan na, Ate," pang aalo niya. Lumipas pa ang ilan minuto saka ito kumalma at marahan lumayo sa kaniya. Nagpunas pa ito ng basang pisngi, gamit ang dalawang kamay nito. "S-Sorry if you seeing me like this–" "Okay lang, Ate." "Si Pat Dam?" Si Kuya Patrick ang tinutukoy nito. "W-Wala, Ate e' nasa inuman. Nanalo kasi sila sa basketball kaya–" "Hindi siya nagrereply sakin mula kanina. Nasaan siya? Gusto ko siya makausap, kung okay lang samahan mo ako kung saan siya umiinom?" Napakamot siya sa ulo. Tsk! Alangan naman hindi niya samahan ito, kawawa naman. No choice siyang tumango. Pinatáy na muna niya ang TV saka ni-lock ang pinto. Naka-cycling short lang siya na black at oversize na black tshirt na may peppa pig na design sa harap. Sa sobrang haba ng damit niya para siyang walang suot na short. Anyway, ganito kasi ang pantulog niya, tinatamad na siyang umakyat para magbihis pa. "Tara, Ate–" Iginiya niya ito palakad na. Wala na masyadong tao sa daan. Sarado na rin ang ibang mga tindahan. Ang alam niya sa bahay nila Aren a.k.a Apreng nag iinuman ang mga ito. Alam naman niya kung nasaan ito nakatira, malapit lang din 'yon sa may covered court ng baranggay. Tahimik lang sila naglalakad ni Ate Tony. Ayaw niyang magtanong dahil mahirap na makialam. Kung may LQ man ito at ang Kuya Patrick niya, bahala na ang mga ito mag usap. Nakarinig sila ng malalakas na kantahan at tawanan, halatang may inuman. Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin 'Di ko man maisip Sa pagtulog ikaw ang panaginip... Kilala niya ang maaligasgas na boses na 'yon. Naghahasik na naman ng lagím ang ungas. "Kuya Pat–" Lumingon si Kuya Pat kaagad, kunot noo itong napatingin sa kaniya pero mas nalukot ang noo nito nang makita kung sino ang kasama niya. Tumayo ito agad. "Tonyang–" sambit nito saka nilapitan si Ate Tony. Bahagya lumayo ang mga ito habang siya hinila paupo ni Apreng. "Upo ka, Rain– baka tumangkad ka pag nakatayo ka diyan. Iinom ka?" "Hindi ako iinom." Hindi sa hindi siya umiinom. Ayaw lang talaga niya. Nandito lang naman siya para samahan si Ate Tony. Sumulyap naman si Frank sa kaniya habang patuloy ito kumakanta. At kung di ka makita, makikiusap ka'y bathala Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo Ang nakalimutang sumpaan Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang... Tahimik lang siya nakikinig hanggang sa matapos ang kanta ni Frank. Napalinga siya sa paligid, mayamaya bumalik si Kuya Patrick. Lumapit ito kay Frank at may ibinulong saka umalis uli kasama si Ate Tony. Napanguso siya. Hindi man lang siya sinabihan ni Kuya kung ano ba talaga ang nangyayari. Ano uuwi siyang mag isa? o mag aantay lang siya rito? Napakislot siya ng may humawak sa braso niya. Napatingala siya. Si Frank pala. "Come on, sinabihan ako ni Pat na ihatid ka pauwi," wika nito. Ah so, hinabilin siya ni Kuya. Fine. Akala niya uuwi siyang mag isa e. Tumayo na siya. Nag ba-bye pa sa kaniya ang mga tropa ni Kuya, saka tuluyan umalis na rin siya. Hawak hawak pa rin ni Frank ang braso niya habang hila-hila siya nito. Tahimik lang sila naglalakad. Napansin niyang medyo mapungay na ang mga mata ni Frank at namumula na ang tenga at leeg nito. "L-Lasing ka na?" Out of nowhere na tanong niya. Wala siyang maisip na itanong e. Tumingin ito sa kaniya saglit. "Hindi. Bakit?" "Wala lang. Namumula ka na kasi." "Redhorsé lang 'yon. 'Di ako malalasing sa beer." "Uhmm, okay." "Ikaw, umiinom ka ba?" Umiling siya. "Hindi. Baka next year pwede na ako uminom, pagka-graduate ng grade 12." Hindi naman umimik si Frank. Kaya tahimik na lang din siya hanggang makarating sila sa tapat ng kanilang bahay, saka binitawan ni Frank ang braso niya. "Sige na, matulog ka na. Lock mo ang pinto niyo. Huwag na huwag kang iinom ng hindi kasama si Patrick at ako, maliwanag?" Napaisip siya at nalukot ang noo. Ano raw? Ngunit bago pa siya makapagsalita, tumalikod na si Frank at iniwan na siya. Tinanaw na lamang niya ito na naglalakad pauwi sa bahay nito. Hindi niya ma-gets ba't ganon ang sinabi ng binata sa kaniya. Huwag siya iinom ng 'di ito at si Kuya Pat ang kasama niya? E 'di wow !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD