Chapter 8: Family Levaste

1607 Words
Ashine POV Pagkatapos kong magmiryenda ay inaya na ako ni Ari na pumunta sa office ng dad niya. Oh diba parang walang nangyari, parang hindi kami nagrambol kanina. Ako nga lang ang lugi kasi ang sakit ng katawan ko samantalang tong dragon ay parang normal na wala lang. "Prepare yourself, wag kang magkakamaling sabihin sa kanila kung anong nangyari satin kanina." Nangyari? "Hoy walang nangyari satin!!" "Shhhh... Ang ingay mo, wala kong sinabing nagsex tayo ang ibig kong sabihin ay yung nangyari kanina na nagkasakitan tayo." Ayy yun ba? Pahiya ako dun ahh, aray nga dyan. "A-ahh okay." "And one more thing, wag kang mabibigla sa ugali ng mommy ko." Shocks baka lait laitin ako men, baka sabihing slap soil ako. Huminga muna ako ng malalim bago sumunod kay Ari papasok sa isang kwarto. "So, where is she?" Cold na tanong ng isang magandang babae na asawa ata ni tito Xandrius. Nakakatakot, mukhang masungit siya, ang ganda ng suot, sosyalin, at naghuhumiyaw ang kayamanan sa tindig niya. "My husband told me that you're name is Ashine Haterya Valdero, am I right?" Okay, wag kabahan Shin, maging maangas ka, kumbaga confindent na haharap sa kaniya dapat. "Yes, and your husband Tito Xandrius also told me that you're his wife Mrs. Arianne Faye Levaste, am I right ma'am?" Naksss formal "Yes' you're right, so tell me, are you the girlfriend of my son?" "Sorry to tell you ma'am but I'm not." "Ayy sayang naman." Nagulat ako ng ngumuso ito na para bang bigong bigo "Oh my god!!!!! Finally!!! Nag-uwi na ng babae si Alex my dear!!" Malakas na sigaw niya What the hell "H-ha?" "Ano ka ba Ashine wag kang matakot sakin hihihi, I'm a cool mom you know." "M-mukha nga po hehe." Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng napakahigpit. Aray "You are so adorable anak." Sabi pa nito sakin "Mom!!" "What? I didn't say anything bad." "Don't call her anak, she's not your daughter." "She will be my daughter soon, when you two get married hihihi." "Not gonna happen." Sungit talaga neto, ang cool cool ng parents ni Ari sana ganyan nalang din sakin. Bigla akong hinila ng mommy ni Ari, at inalalayan pang umupo sa couch. "Uhmm Ashine, ash, shin, shi-shi, ash ash, haterya, alin ka ba don? Hahaha" "Ako po yun lahat mrs. Levaste." "Ohh please don't call me Mrs. Levaste, mommy nalang hihihi." "Mom!!" "Itu talaga si Alex mainit na naman ang ulo. Galit na naman sa mommy niya." "I'm not, just don't let her call you mommy, because she's not my sister nor wife!!" "Okay okay, tita nalang, tita na mommy HAHAHAHA." "sige ho, tita." "Sure ka ayaw mo ng mommy?" "Gusto kitang maging mommy." Sagot ko na ikinalaki ng mata ni Tita Arianne at Ari. "Talaga?" Tanong pa ni tita "Ofcourse, everybody wants a mom like you. Kaya gusto kitang maging mommy, kaso hindi ko gusto ang anak niyo." Nagulat kami ng may humalakhak sa likuran, si tito Xandrius pala. "This is the first time na narinig kong may hindi nabiktima ng charms ng aking anak. Tsk. Tsk. Tsk., Pano ba yan nak, daig ka ng daddy mo." "Tss. I'm handsome than you dad." "Totoo ba iyon Ashine?" "Magsisinungaling ho ako kung sasabihin kong oo." Proud na sabi ko habang nakatingin mismo kay Ari Bumakas ang inis at pagkapikon sa mukha ng mokong. Ano ka ngayon? "Whatever, wag kayong maniwala sa babaeng yan, alam niyo namang sinungaling ang mga pangit." Wow ha "Kaya pala nagsisinungaling ka ngayon." Taas kilay na sagot ko, kaya pinandilatan niya ako. "Uhmm ashine dito kana mag dinner ha, nagluto ako ng masarap na masarap na food." "Hindi na ho, siguradong naghihintay na po si manang sakin sa bahay. Salamat nalang ho." "Ayy sayang naman, kahit konti bawal ba?" Nginitian ko nalang siya para iparating na okay lang ako't wag na "Mom wag niyong pilitin ang ayaw, baka pumayag." Sabat naman ni Ari "Hindi na ho talaga, uuwi na ako." "Sige ganito nalang, ilalagay ko nalang sa tupperware tapos iuuwi mo nalang." "A-ahh sige ho." Napapalakpak si tita sa tuwa, para siyang bata ang cute cute niya Hahahah "Wait lang Ashine ha, ihahanda lang namin yung pagkain, dito muna kayo ni alex ko." "Sige lang ho." Tuluyan nang lumabas sina tito xandrius at tita Arianne, at syempre naiwan na naman kami ng Dragon "Pagkabigay nina mommy ng pagkain ay umuwi kana,ayokong nandito ka sa bahay namin." "Tss. As if naman gusto kong mapalapit sayo no. "Bakit? Hindi ba?" "Hinde, talagang hinde." "Ahh talaga? Kaya pala nandito ka sa bahay ko." "Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagsabing pumunta ako dito dahil may sasabihin ka sakin. Kung alam ko lang sana na ang pagpunta ko dito ang magpapahamak sakin, sana hindi na ako pumunta." "Ba't parang nagsisisi ka pa, ayaw mo nun, may mairereport kana sa amo mo tungkol sa pamilya ko." "Kung spy spy na naman yan ay wala na naman akong pakialam, malinis ang kunsensya ko at hindi ko yon dudumihan nang dahil lang sa dragon na tulad mo." "Ako pa ang dragon ha." "Oo baket, may angal?" "Kung ako dragon, ikaw naman unggoy." "Ang ganda ko namang unggoy." "Ang gwapo ko namang dragon." "Tumigil ka nga, hindi ka gwapo." "Mas lalong di ka maganda" "Aba tarantado ka ahh." "Gago ka ba?!!" "Sapakan nalang ohh." "Isubsob kita jan eh." "Gusto mo dagukan pa kita eh." "As if naman kaya mo." "Sarap mong ibalibag." "Sarap mong batukan." "Ang sarap mong--" "Ang sarap ko?" Nakakalokong ngiti ang namalatay sa mukha niya "Yocc kadiri." "Di mo pa kasi ako natitikman kaya wala kang alam." "Wala akong balak tikman ka gago." "Ngayon lang yan." "Ano ka gold?!" Natigil kami sa pagbabangayan nang may kumatok sa pintuan. "Ma'am sir, kakain na daw po." Nauna na akong naglakad at iniwan na si Ari sa silid. Bahala siya, nakakainis ang ugali niya bwiset, baklang dragon na yon. Ari POV Nakasunod lang ako kay Shin habang naglalakad siya papuntang kusina Bakit ba siya ang mas nauuna pa sakin eh bahay ko to Pinagmasdan ko ang buhok niya pababa sa likod, at sa maumbok din pala ang p***t nehto. Inaamin kong maganda si Shin at kahit naman sino ay mamamangha sa kagandahan niya, pero hindi ako pwedeng basta basta nalang magtiwala sa kaniya dahil hindi ko alam ang pakay niya. Baka magulat nalang ako isang araw ay nasa peligro na ang buhay ng pamilya ko. Kung siya man ang spy ay mahirap kilatisin ang bawat galaw niya, masyado itong natural at tila inosente ang mga flows niya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa may bandang pwetan niya, ang sarap pisilin Fvck ano ba tong pinagsasabi ko. Binilisan ko nalang ang paglalakad para maunahan siya papuntang kusina. "Ashine anak, hehe, dito kana lang pala kumain please, nagbago na isip ko. Gusto pa kitang makasama. Kung gusto mo matulog ka pa dito eh, may guest room naman kami, or pwede din naman kayong magtabi sa room bi Alex---" "Mom!!!" Ano ba tong nanay ko, ipinapahamak mo ako eh "Hindi na ho, pwede ho akong kumain dito ng dinner pero sa bahay nalang ho ako matutulog." Umalis kana lang kasi, hindi ako kumportable gumalaw eh, ang mas nakakainis pa ay parang wala lang sa kaniya. Ang ending ay parang ako ang lugi. Todo asikaso sina mommy sa kaniya at kung anu-ano pang pagkain ang iniaalok sa kaniya. Nakalimutan na ata nila na ako ang anak nila at hindi ang unggoy na babaeng yan. Habang kumakain ay binasag ni daddy ang katahimikan. "Ashine ijha, wag mo sanang mamasamain pero anong tunay na pangalan ng mommy't daddy mo?" "Silvester Valdero ang pangalan ng daddy ko, Arisha Kim Valdero naman ang pangalan ng mommy ko. They are both famous when it comes to business, nasa states sila ngayon dahil may kasosyo sila sa bagong factory na itatayo nila daddy." "Kailan kayo last nagkita?" Tanong ni mommy "Nung last last year pa ho, paminsan minsan lang silang umuuwi pero hindi sila nagtatagal dahil may mas importante daw silang aasikasuhin kaysa sakin." "Hindi ka ba nagtatampo sa kanila kapag nawawalan sila ng oras sayo?" "Tss. Kahit magtampo man ako at magalit sa kanila, ay wala silang pakialam, basta maprovide lang daw nila ang financial needs ko, ay okay na daw yon." "Pero as a parent binibigyan nila dapat ng oras ang mga anak nila." "Wala yan sa bokabularyo nila, matuto daw akong maging independent dahil hindi daw nakasalalay ang buhay ko sa mga kamay nila." "I'm so sorry ijha, natanong ko pa." "Its okay tito, wala na din naman sakin yon, siguro nung bata ako hindi ko pa naiintindihan kaya iyak ako ng iyak. Pero natuto na ako, hindi ko dapat ipinagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang tanggapin. I've been in so much pain, and now I'm numb, but that doesn't mean na kinalimutan ko ng magulang ko sila." Bigla nalang tumayo si mommy at mahigpit na niyakap si Shin "Don't worry, pwede mo akong maging mommy at ipaparamdam ko sayo kung paano magmahal ang isang ina." "T-thank you ho." Ipinagpatuloy namin ang pagkain. Medyo nakakaramdam naman ako ng awa sa kaniya, konti lang naman. "Uhm Shin, bakit mo pala suot ang damit ni Alex hihi, may ginawa ba kayo?" "s**t, what the hell mom, wala ahh." "A-ahh Nadumihan ho kasi yung damit ko kanina kaya humiram muna ako ng damit sa kaniya, wala ho kaming ginawa" "Akala ko magkaka-apo na ako HIHI." Napatawa nalang si dad sa kakulitan ni mom. Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko na si Shin sa bahay niya. At ang bastos na yon ay hindi man lang nagpasalamat sakin, kay mommy't daddy lang. Kainis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD