Ashine pov
Dalawang linggo na ang nakalipas, naging masaya naman ako sa tatlong linggong iyon. Mas lalo kaming naging close ng mga kaklase ko.
Ngayon ko lang sila nakilala ang husto, at sa dalawang linggong iyon ay puro kakulitan at kalokohan ang naganap
May mga pagkakataon kasi na inaatake sila ng kabaliwan nila, well isali mo na ako, dahil pinagtritripan namin ang classroom president namin.
Pero ngayon, mukhang hindi ko bet ang plano nila. Literal na hinde
Kahit sa isang pagkakataon lang, or kahit isang beses lang, baka pwedeng sapakin ang mga kaklase.
Isa isa ha, para walang mintis.
Sino ba naman kase ang abnormal na pipilitin akong ligawan ang presidente ng classroom namin, for april fools day lang daw.
Luging lugi ako dahil sila magtatawanan tapos ako damdambahin ng kaba at hiya.
"Sine na Shin, kahit ngayon lang, titignan lang natin ang magiging reaction niya." Pagpipilit ni Nyles sa akin.
"Oo nga, malay mo sagutin ka pa niya tapos maging kayo diba?HAHAHAHA" gatong pa ni Xyrel na siyang numero unong nagplano ng lahat.
"Ayoko nga, pinagtritripan niyo lang ako eh."
"Gwapo naman si Ari, hindi ka mapapahiya."
Bulong sakin ni Shannah
"Its for today lang naman, it is not palagi, tsaka don't mahiya, we are here naman ohh."
Sabi ni Davon na may nakakalokong ngite
"Eh kung pagsasapakin ko kayo isa isa, baka sakaling maalog yang mga ulo niyo at maintindihan ang point ko na ayaw ko nga kay Ari. Iba nalang, kahit yung pinakapangit pa sa school, wag lang yung mokong na yon. Psycho ang isang yon, baka tuhugin lang ako, oh di kaya naman ay dagukan, hahagis ako pre. Bawal humagis ang maganda remember."
"Kakornihan lang yan teh." Singit ni Vin
"Kulang ka sa tulog." jayvinn
"Hinga ng malalim, malakas hangin baka matangay ka." Nyles
"Oh sige ganito nalang, kapag pumayag ka at kumagat si Ari plano, kahit anong iutos mo samin gagawin namin." Sabi naman ni Clyde
Light bulb
HAHAHAHA tama, hindi na ako lugi don, may plano na ako.
"Anong plano mo?" Tanong ni Nyles
Nakakabasa pala ng utak to
"Sige, payag ako sa kondisyon, at meron na akong plano kung paano ligawan si Ari."
"Yown!!!"
"Dapat magawa mo na agad, dahil bukas na ang April Fools Day."
"Goodluck."
Mamatay na kayo hayop
"What happening here?!" Ayan na ang dragon
Awtomatiko kaming nagsibalikan sa kaniya-kaniya naming mga upuan, dahul malilintikan kami sa presidente kapag nagkataon.
"Nothing" sagot naman ni Xyrel at inakbayan ang kaibigan.
Pagpasok ng teacher namin ay kung anu-ano na naman ang itinuro nito sa amin, at syemore kailangan kong makinig kung gugustuhing ko pang mabuhay hanggang final exam.
Mahigit dalawang oras din ang pagtuturo ng teacher sa amin.
And recess na!!!
Nauna ng lumabas ang presidente namin at alam ko ng sa may kubo siya dadaretso.
Walang gumalaw sa kanilang lahat para magrecess. Alam ko na ang ibig sabihin nito, simula na ng plano.
Tinanguan ako ni Shannah, habang may ngiting nakakaloko naman sa mukha ni Nyles
Kung hinahanap niyo si Travis ay absent ang ugok na yon, ang rason niya ay masakit daw ang ulo niya.
Tahimik kong sinundan si Ari, hanggang sa marating namin ang kubo na tambayan niya.
"Why are you following me?"
"Ayy poknat, aray!!"
"What do you need."
Nakatalikod pa rin ito sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya.
Nakakakaba naman toh, hanep
"Ahem." Panimula ko
"Uhm Hoy Levaste may itatanong ako sayo pero wag kang mabibigla dahil pagkatapos nito at may kondisyon ako."
"Tss. I don't care about your conditions."
Tumuloy na ito sa paglalakad kaya agad akong tumakbo at hinila ang kamay niya para pigilan siya. Awtomatiko siyang napaharap sa akin.
"T-teka lang, kailangan talaga eh."
"Psh.. sabihin mo na, sayang ang oras ko."
"E-eh kasi... Ahem.. eto na nga. Kung liligawan ba kita eh papayag ka?"
Agad na nanlaki ang mata niya, siguro nabigla rin at hindi inaasahan ang tanong ko.
I feel you
Ayusin mo, matinding lakas ng loob ang ipinuhunan ko para lang matanong sayo yan.
"Pinagtritripan mo ba ako ha?" Naniningkit matang tanong niya
"H-hindi ahh, seryoso ako dun. Ano ngang sagot mo, kung liligawan ba kita papayag ka?"
"Hinde."
Good
Ngiti ang bumalatay sa mukha ko imbes na simangot
"Berigud, mabuti nalang hindi ka pumayag. Eh kasi ganito yon, april fools day bukas diba?"
"I know, and I don't care."
Sarap mo hambalusin pre
"Makinig ka kasi muna."
"Tsh. Get out of my way."
"May plano nga kasi sila sayo."
"Plan? What plan?"
"April fools day kasi bukas, kaya naisip nilang pagtripan ka. Sabi nila, sasabihin ko daw sayo bukas na plano kong ligawan ka, pero syempre hindi ako sumang-ayon kasi ayaw ko talaga sayo, ayokong ayoko, dahil hindi kita type. Kaya binago ko ang plano, dapat bukas eh papayag kang ligawan kita kunware, kasi sabi nila kapag kumagat ka daw eh lahat ng iuutos ko sa kanila eh susundin nila. Yun lang, ano? Payag ka ba?"
"Hindi pa rin, wala naman akong benefits na makukuha kung papayag ako."
Aba talagang--
"Oh sige na nga, kahit anong gawin at iuutos mo sakin, gagawin ko, pumayag ka lang pleasseeeeeee"
"Pag-iisipan ko, magkita tayo mamayang gabi, pumunta ka sa bahay, mag-uusap tayo."
"Yun lang ba? Basic HAHAHAHA"
"Hmm lets see"
Tumalikod na ako sa kaniya at bumalik sa classroom. Humanda kayo sakin mga ugok, pahihirapan ko kayo ng husto HAHAHAHA
"Anong nangyari?" Tanong ni Nyles
"Effective" sagot ko naman.
Inisip ko talagang parang effective talaga ang ginawa ko dahil nakakabasa si Nyles ng isip, mahirap na.
Pagkatapos ng klase namin ay ngiting tagumpay talaga ang nakabalatay sa pagmumukha ng mga kaklase ko dahil ang alam nila ay mapagtritripan na naman nila ang dragon naming presidente
Nagmotor na ako pabalik ng bahay dahil tinamad na akong maglakad, from school to our house.
Oh pak english yon, bumilib kayo nag effort ako dzai.
Broom broom broom
Tunog ng "isa pang motor?"
Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang lalaking naka uniform din pero hindi ko kita ang mukha dahil naka helmet.
Binilisan nito ang pagpapatakbo hanggang sa tuluyan na nga kaming magkatabi.
Makiki-runner siguro to, napangisi ako sa ideyang yon at inihanda na ang aking sarili. Binarurot ko ang aking motor at tuluyan na ngang nauwi sa karera.
Naway hindi ako ipahiya ng aking motorsiklo, dahil magwawala talaga ako kapag tinalo ako ng mokong na to
Ang akala ko ay hanggang dun nalang ang karera namin dahil papasok na ako sa village namin, pero mali pala ako.
Pumasok din siya sa village na pinasukan ko, at ang ipinagtataka ko ay bakit hindi siya pinara ng guard. Ako naiintindihan ko talaga na pinapasok na ako dahil kilala naman na ako. Pero tong mokong na toh? Bakit?"
Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo hanggang sa marating ko na ang tapat ng bahay namin.
Nilingon ko ang mokong at kataka takang huminto din siya sa tapat ng katabing bahay.
What the hell, don't tell me
"Ari?!!" Nanlalaking matang sigaw ko
Pero nginisian lang ako ng gago
"Yung kasunduan natin, nagbago na isip ko, ngayon kana pumunta.
"Naka uniform pa ako no."
"Whats the problem, mag-uusap lang naman tayo hindi ka naman rarampa."
"Sungit"
Ipinasok ko muna saglit ang motor ko sa garahe at iniwan na rin ang bag ko sa ibabaw nito.
Nadatnan ko pa rin siya sa labas at talagang hinihintay ako.
Ano kayang sasabihin nito, bakit kailangang sa loob pa ng bahay nila kami mag-uusap eh pwede naman ng sabihin ngayon dito.
Sinenyasan niya akong sumunod, ako naman si tanga na sumunod sa kaniya.
Pinagbuksan kami ng katulong nila ng gate, nanlaki ang mata nito at tila ba gulat gulat na makita ako.
Ano meron?
Nginitian ko nalang siya, pero nanatili paring gulat ang ekspresyon niya
Pinagbuksan din kami ng pintuan papasok sa loob ng bahay, katulad ng ekspresyon ng naunang katulong ay ganun din ang ekspresyon ng iba pa.
Ano bang meron sakin at gulat na gulat sila
"Prepare a mirienda, ihatid sa kwarto ko."
Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at hilahin paakyat ng hagdan.
Shett anong trip toh kumag, hindi tayo magshota
Pagdating sa taas ay sumalubong sa amin ang isang lalaki na medyo may katandaan na pero pogi. Magkamukha sila ni Ari, hindi kaya kapatid niya toh?
"Ohh, nabuntis mo?" Agad na nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"H-hindi ho."
"Tss. Shut up dad."
"Dad?" Pareho silang napatingin sakin dahil sa tanong ko.
"Hindi ba halata?" Nakangiting tanong sakin ng daddy ni Ari
"A-uhh akala ko ho kasi kapatid ka niya."
"HAHAHAHA kita mo na Alex, I look so young even if I'm 38 years old na."
"True.." mismong ako ay nagulat din sa salitang lumabas sa bibig ko, na lalong nakapagpatawa sa daddy niya.
"So, is she your girlfriend? I like her for you, she's cool." Sabi ng Daddy ni Ari ng mahimasmasan na siya sa kakatawa.
"No I'm not."
"No she's not."
Sabay naming sagot, nagkatinginan pa kami at nagsamaan ng tingin
"Tara na nga, kinakausap mo pa yan eh, walang kwentang kausap yan. Mang-aasar lang yan." Sabi ni Ari.
"Allow me to introduce my self young lady, I'm Alexandrius Levaste father of Alexander Ari Laveste and husband of Arianne Faye Levaste. You can call me Tito Xandrius pero mas mabuti kung daddy nalang hehe." Pataas taas pa ang kilay nito habang binabanggit ang daddy.
Ang cool niya, gusto ko siya maging daddy, I mean tito. Chour, ayoko maging asawa si Ari
"Now its my turn tito Xandrius, I am Ashine Haterya Valdero, daughter of Mr. And Mrs. Valdero, actually we are neighbors and I'm thankful to Ari for bringing me here cause I met a cool person like you." Nakangiting pagpapakilala ko.
"I like your personality dear, pwede mo naman akong maging daddy kung papayag kang pakasalan si ARI HAHAHAHA"
"Tss.. tell the maids to bring our mirienda."
Tulyan na akong hinila ni Ari papasok sa isang silid. Isinarado muna nito ang pinto bago ako hinarap.
"I thought your last name was haterya."
"No its not, my last name is Valdero."
"Then what is haterya?"
"Second name ko, pake mo ba."
"What?!!"
"Joke lang tol, kalmahan mo."
Bigla nalang may kumatok sa pintuan, yung maid pala.
"Ahh sir, eto na po yung mirienda niyo. Pakitawag daw po mamaya si Ma'am Haterya sa office daw si Sir, gusto daw siyang makilala ni ma'am Arianne."
Arianne? Yung mommy ni Ari
"Okay, no problem."
Tuluyan ng lumabas ang maid, ikinataka ko ang paglock ni Ari ng pinto. Anong trip neto?
"Ano bang sasabihin mo?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"I want you to tell me the truth." Biglang seryosong sabi niya.
"Anong truth naman, truth or dare ganon?"
"I'm not joking, so stop messing around. Do you think I'm a fool, I know your plans. Now tell me who the hell are you?"
"Anong plano na naman ba? Na spy na naman ako? Ano bang trip mo? Nagkandaloko loko na ba ang sistema mo't pinagkakamalan mo akong spy? Alam mo wala akong hilig sa ganyan"
Bigla nalang itong lumapit sakin marahas akong itinulak sa kama. Pumatong siya sakin at hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya.
Sinakal niya ako ng pagkahigpit higpit, jusko mamamatay na ata ako.
Tinapik tapik ko ang kamay niya dahil hindi na ako makahinga pero ayaw talaga niya papigil.
Ginawa ko na nga ang pinaka i***********l na paraan, sinipa ko ang ari niya kaya namilipit siya sa sakit, pero nakapaibabaw pa rin siya sakin.
Pwersahan ko siyang itinulak para makabangon. Hindi pa ako nakakatayo ng muli niya akong hilain, ako naman ngayon ang nakapaibabaw sa kaniya.
Umikot ako't nagpagulong sa kama pero nahila niya ang skirt ko. Hinatak niya kaya nabaklas, buti nalang naka cycling ako.
Hinila niya ang kamay ko at pinadapa ako sa kama. Shett mahuhulog ako, kumapit ako sa polo niya, sa sobrang pagkahatak ay nagkanda sira sira ang butones niya.
Siniko ko ang mukha niya at pinagpalit ang pwesto namin, siya naman ngayon ang kumapit sa damit ko, sa sobrang higpit ay nabaklas din ang mga butones.
Itinulak niya ako kaya napahiga ako sa kama at muli siyang pumatong sa ibabaw ko.
Hingal na hingal kami, lumantad sa kaniya ang b*a ko, halos pareho kaming h***d.
"Pwede bang tigilan mo na ako, sinasabi ko sayo hindi ako spy, at bakit ko naman susubaybayan ang bawat galaw mo? Ano ka gold?!!!" Inis na talagang sigaw ko sa kaniya.
"Stop lying!!"
"Hindi ako nagsisinungaling, umalis ka nga dyan, kasalanan mo lahat toh, sira sira na ang uniform ko, baka pagkauwi ako sa bahay mapagkamalan pa akong ginahasa mo!!"
"Why would I r**e you?!! What the fvck."
"Pagkamalan nga lang diba, hindi mo ba nakikita ang ayos natin."
Natahimik siya saglit bago umayos ng higa katabi ko.
"Kung meron mang nag-ispy sayo at naprapraning kana, ay wala akong pakealam. Basta hindi ko binabantayan ang mga kilos mo, siguro nagkataon lang na kung nasaan ka ay nandun din ako. Anong magagawa ko? Magkapit bahay tayo, magkaschoolmate, at magclassmate pa. Hindi ko inaakalang pag-iisipan mo ako ng ganyan, to the point na sinasaktan mo na ako ng pisikalan nang dahil lang sa akala mong hindi naman totoo."
Mangiyak ngiyak na pagpapaliwanag ko dahil masakit talaga ang katawan ko dahil sa bugbugan namin kanina.
"Look at me."
Ginawa ko naman ang sinabi niya
"Are you sure, you're telling me the truth."
"Oo naman, bakit naman ako magsisinungaling eh wala naman akong itinatago."
"Fine, I believe you, but I still don't trust you.'
" Eh di wag ka magtiwala sakin, ano namang pakialam ko." Hinimas ko ang balakang at braso ko dahil masakit talaga
"Cover you self, nakikita na ang cleavage mo."
Humablot ako ng unan at itinakip sa sarili ko.
"Pahiram ako ng damit, sinira mo ang damit ko, alangan naman umuwi ako ng bahay ng nakahubad."
"Tss." Bumangon siya at pumasok sa kaniyang closet, paglabas niya ay may hawak na siyang t-shirt.
Kinuha ko naman to at isinuot.
"Magmiryenda ka muna, pupunta tayo sa office ni dad, gusto ka daw makilala ni mom."
Tinanguan ko nalang siya at pinilit kumain, pero sumasakit talaga ang lalamunan ko dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sakin kanina.
"K-kapag ako, hindi nakakain ng maayos bukas, asahan mong dadagukan kita." Inis na sabi ko sa kaniya pero tinawanan lang ako nito
Bwiset kang itim na dugo ka, babalatan talaga kita ng buhay kapag nagkataon.