Chapter 6: TRAVIS WHO?

1622 Words
Ashine's POV "Very Good section thunder, kayo ang kauna-unahang section na nakahanap ng pusa." nakangiting sabi ng aming guro. Takang taka akong nakatingin sa kaniya at hindi lang pala ako kundi kaming lahat. "Ibig mo po bang sabihin ma'am ay lahat po ng pitong sections ay pinahanap din ng pusa?" Tanong ni Nyles "Yes Nyles, lahat ng sections ay pinaghanap ng pusa." "Eh ma'am kung hindi niyo lang po sana mamasamain, gusto ko po sanang malaman kung ano po yung purpose ng pusa na yan?" Tanong ko naman "Nice question Miss Ashine, ano kaya ang dahilan kung bakit namin kayo pinaghanap ng pusa?" Balik tanong nito sa amin Aba malay namin ma'am, hindi naman kami kayo char "what do you think class?" "Para pahirapan kami ma'am?" "Para parusahan kami ma'am?" "Para maging bayani at makaligtas ng pusa. PEACE" "Any other answers?" Tanong ng guro. "Para matutunan namin kung ano ang ibig sabihin at kahalagahan ng unity miss." Buntong hiningang sagot ko "PERFECT, VERY GOOD Miss Valdero" See? Matalino to no, char makayabang lang HAHAHA "Miss Valdero is correct, the purpose of this is for you to understand the true meaning of the word unity. Tandaan niyo, nasa iisang section kayong lahat, every activities na ipapagawa ng teacher ay dapat kayo ay nagkakaisa dahil mas mapapadali ang gawain kapag meron kayong UNITY." Tuloy tuloy lang sa pagdiscuss ang teacher namin. Siya si Miss Cassandra Montero, she is our adviser, ang sabi niya ay siya nalang daw ang magtuturo samin hanggang final examination dahil bawat teacher daw ay may hawak ng section. Madami pa siya itinuro sa amin about sa unity, cooperation,how to be a good leader and follower, at marami pang iba. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa dumating na nga ang favorite time ko. Recess Mwehehehehehe dog "Nyles tara kain, ayain natin si Shannah" "Ayaw niya daw, wala siyang baon." "Eh di bigyan natin basic." Sama sama kaming lumabas at naghanap ng pwedeng tambayan. Napili namin tumambay at kumain sa ilalim ing isang puno. Wala kaming imik habang kumakain dahil mga gutuman nga kami. Pagkatapos naming kumain ay nag-aya na silang bumalik na sa room pero sabi ko mauna na sila, susunod nalang ako. Nag-isip muna ako ng kung anu-ano hanggang sa mapagpasyahan ko ng bumalik sa room Wala ehh boring dito Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may mapansin akong tao sa gilid ng abandunadong classroom. Dahil inatake na naman ako ng pagkacurious ko ay lumapit ako. "What are you doing?" "Ayy poknat.. " gulat na gulat ako ng may lalaking nagsalita Ayun pala si Travis nakalambitin sa itaas ng puno habang nay hawak hawak na kwago. Oww big eyes "Anong ginagawa mo dyan, tinakot mo ako hayup ka" sabi ko sa kaniya "HAHAHA I always stay here when its recess time." Ingglisero din pre, mapapasabak na naman tuloy ako sa inglisan neto You down go go, you might falling bridge down HAHAHAHA joke "Bumaba ka nga, ang sakit mo sa batok." Aba syempre kanina pa ako nakatingala sa kaniya Tumambling siya sa puno pababa sa lupa at hinarap ako Sa totoo lang pogi din si Travis, medyo singkit ang mata niya, mahaba ang pilit mata, matangos ren, pinkish ang labi, umiigting ang panga, kulot ang buhok, maganda ang katawan. Shett komplet pakej "Staring is rude you know." "Tss. Napansin ko lang na gwapo ka rin pala." "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hinde." "Dadagukan din kita kung di mo aamining totoo" " HAHAHA you're cool, I like you." Walang prenong sabi nito "Like your face HAHAHAHA" Sandali kaming natahimik bago ako magtanong para may mapag-usapan "Yung kwago, kaanu-ano mo yon?" "He's my friend, he's with me all the time." "He?paano mo nalaman na lalake siya?" "A-uhh b-because I'm an a-animal expert." "Ahh okay" Medyo napansin ko ang pagkabahala at pagka-utal niya, para bang may nasabi siyang hindi niya dapat nasabi. Hayy nababaliw na ako, wala lang siguro yon. "Ikaw?" "Huh? Anong ako?" "I saw you and Ari, in the dark tunnel. Kaanu-ano mo siya?" Seryosong tanong niya sakin Nako lagot, ibig sabihin narinig niya din yung mga pinag-usapan namin? Yawa nakakahiya "Ha? A-ahh wala, hindi naman kami related sa isa't isa, bukod sa pagiging magclassmate at pagiging enemies ay wala na." "Ahh okay, I thought you're in a relationship with him?" "Relationship? With him? Yakkk kaderder no way, hindi nalang ako magbo-boyfriend kung siya lang din naman. Neber, ikamamatay ng maganda kong lahi, kabang naging shota ko ang mokong na yon." Para akong diring diri kay Ari dahil sa ekspresyon at pinagsasabi ko ngayon pero totoo naman. "Masama ang ugali niya, itim ang dugo't budhi niya, wala siyang puso kung meron man ay bato, gwapo nga siya pero hindi ko type, manyak atsaka higit sa lahat abnormal. Ayoko ng ganon, in short ayoko kay Alexander Ari Laveste!.Hinding hindi ko siya magugustuhan promise mamatay man cross my heart peksman." Tuloy tuloy na sabi ko't hingal na hingal na. "HAHAHAHA ang sama ng loob mo sa kaniya ahh." "Talaga, sino ba namang matinong tao ang bigla bigla kang sasakalin nang dahil lang sa nagkataong magkapitbahay kayo. Ohh diba siya lang? Siya lang! Animal siyang hayup siya, takas mental ang gago." "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH." makatawa naman to akala mo wala ng bukas "Ang ligaya mo dyan, tara na pasok na nga tayo ang dami dami ko na tuloy nasabi. Kainis" "Ang saya mo kausap, bukas ulet." "Wala ng bukas, dahil mamamatay ka na mamayang gabi dahil sa kadahilanang wagas mong pagtawa. HAHAHA." "Brutal ka shin" Nauna na akong maglakad, bahala siya kung hindi siya susunod basta ako papasok na sa classroom baka andun na pala ang teacher namin eh malintikan pa ako dahil you know late Bigla nalang akong inakbayan ni Travis pero agaran kong tinanggal ito at umarteng nandidiri. "yuckk germssss! HAHAHAHA" "Arte neto HAHAHA" Sabay kaming pumasok ng classroom, and guess what, isang tapak ko palang papasok ay nagsitinginan na silang lahat sa amin. Yung iba mapanuksong tumingin, yung iba naman nagtataka, at yung iba eh walang pakialam. "I'm the center of attraction" mahinang bulong ko at dinaramdam ang bawat sandali. "Mamaya mo na purihin ang sarili mo, hindi ka VIP Shin. Alalahanin mong may teacher sa harap at sa tingin ko malilintikan tayo." bulong ni Travis Ibinaling ko naman ang aking paningin sa harapan. Ano pa nga ba ang aasahan Eh di adviser naming galet. "Miss Valdero and Mister Smith, ako na ang humihingi ng tawad dahil nalate kayo sa klase ko. Ako na rin ang magsasabi ng excuse me dahil dadaan kayo habang nagkaklase ako. At higit sa lahat ako na rin ang mahihiya dahil nakaabala ang pagkaklase ko sa napakasayang kwentuhan ninyo." sarkastikong sabi ng teacher And I thank you "S-sorry po ma'am, excuse me po." Hiyang hiya akong tumuloy sa paglalakad upang marating ang upuan ko. Eh di lagot nga Kasalanan mo to Sanchez, malilintikan ka sakin. Itaga mo sa bato, babalatan ng buhay. bwisit ka.. Tuloy tuloy lang ang pagtuturo ng teacher, auto listen naman ako. Syempre mabait akonh estudyante kahit nalate, tsaka nakakarelate na rin ako sa magic magic lesson nila Pagkatapos ng klase ay ayon, uwian na nga. Inaayos ko na lahat ng gamit ko at saglit na nagpaalam kay Nyles tsaka Shannah, magkakahiwalay kasi kami ng subdivision, paglabas mo kasi sa school ay may tatlong daanan. Si Nyles sa kanan, si shannah sa kaliwa tapos yung sakin naman ay diretso. Gets? Tahimik lang akong naglalakad dahil lumilipad na naman ang utak ko. "Ash!! Hoy Ashine! Asin ano ba!" Si Travis yan, hindi ko siya pinapansin dahil siya ang sinisisi ko kung bakit nalate kami kanina. Actually may kasalanan din naman ako pero gusto ko lang magpaka immature, trip trip lang bat ba. "Ash galit ka ba?" Tanong nito sakin ng makalapit na siya at sinasabayan na ako sa paglalakad "Hulaan mo." Pang iinis ko pa "Base sa ikinikilos mo ay yes galit ka pero kung gusto mong isipin kong hinde eh di sige hinde." "Lamunin ka sana ng ligaw na ahas, oh di kaya naman ipalapa nalang kita sa aso." "Hindi uubra yan, dahil kaya ko silang kausapin." "Oh eh di ikaw na magaling." Binilisan ko pa lalo ang paglalakad pero ang hahaba ng binti niya, ang bilis niya tuloy akong naabutan. "Tapatin mo nga ako, bakit ba galit ka sakin?" Puno ng kuryosidad na tanong niya sakin "Eh kasi, yung hindi lumambitin sa puno kanina, hindi ako maku-curious, hindi ako lalapit dun sa puno, hindi sana mapapahaba yung kwentuhan natin at hindi sana tayo napagalitan. Kaya kasalanan mo, palambi-lambitin ka pa sa puno, feeling mo talaga unggoy ka." Seryosong sagot ko pero tinawanan lang ako ng ugok "HAHAHAHAHAHA ang babaw mo naman, naghahanap ka lang ata ng masisisi eh." "Bahala ka nga, umalis kana, wag mo kong sundan." "Tss. Nasa iisang subdivision lang tayo no." "Paano mo nalaman na dito rin ang subdivision ko?" "A-ahh k-kase, k-kase nakita na kita d-dati, hahaha." "Bat parang hindi ka sigurado sa sagot mo? Hahaha utal utal ka pa ahh." "Pshh nasamid ang dila ko." "Pfttt, anong klaseng rason yan? Effective ahh" "Talaga ako pa" tuloy tuloy lang kami sa pagku-kwentuhan hanggang sa marating na namin ang bahay ko. Sa pangatlong bahay pa daw ang kaniya. Inaamin kong ang saya niya kausap, madali siyang maka close pero weird siya minsan. Para siyang may masasabi tapos kapag kinilatis ko yon ay mauutal siya kung sumagot, parang something na ganon. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang mga ikinikilos niya, oo ipinagsawalang bahala ko at hindi ko pinahalatang nagdududa na ako sa mga kinikilos niya kanina. Malakas ang pakiramdam kong mayroon siyang ibang intensyon bukod sa pakikipagkaibigan sakin, kung ano man iyon ay aalamin ko. Sino ka nga ba talaga Travis Smith anong pakay mo't ako ang target mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD