Ashine POV
"Asan na ba yon?"
"Magboses pusa kase kayo"
"Arf arf"
"Gago aso yon."
"Dapat meow"
"Sabay sabay kasi tayo, 1 2 3 Go!!"
"MEOW!!!!!!"
"shh keep quite."
Oh diba, mukha kaming tanga ano?
Inutusan lang naman kami ng guro namin na maghanap ng pusang ligaw dito sa likuran ng classroom namin.
Sinong abnormal na pusa naman ang gustong manirahan dito sa masukal na parte, mas maiintindihan ko pa kung ahas ang pinapahanap sa amin.
"The- there's a buntot, But I'm not sigurado kung it as cat talaga. Pero I think meron itong tail and its black." Sabi ng kaklase kong Conyo, Davon ata pangalan niya.
"Hindi yun pusa, konsensya mo yon, nagpaparamdam lang."
sabat ni Nyles
HAHAHAHAHAHA
"shh, keep your mouth shut, it's not helping." Ohh bumanat na señorito Ari niyo
"Maingay kasi kayo, ayan tuloy tinoyo lolo niyo hihihi." bulong ko, pero tengang aso si Ari, kaagad ako nitong sinamaan ng tingin. Auto peace sign ang lola niyo.
Ilang minuto na kaming naghahanap pero wala talaga.
Pagod na pagod na ako.
"Wala pa ba? Pagod na ako parang gusto ko ng, alam mo yon lumayo" Inis na usal ko habang nagpapadyak padyak pa.
"Huwag kang mag-inarte tutuktukan kita." sabat ni Ari, kita ko sa gilid ng paningin ko ang tahimik na pagpipigil ni Xyrel ng tawa.
"Akala mo kase madale!! sinong bobong pusa naman ang mag-eenjoy na tumira sa pangit at masukal na gubat na ito."
Ang bilang ng salitang binaggit ko ay sya ring bilang ng padyak k-----"AHHHHHH!!!!!!!"
"aray." Napahawak ako sa pwet nang maramdaman ko ang sakit nito dahil sa pagbagsak ko sa "WHAT THE FVCK IS THIS PLACE!???"
"Shin okay ka lang ba?"
"Ha? o-oo medyo, bumaba kayo ang astig dito."
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Pagkapadyak ko kasi kanina ay bigla nalang akong nahulog sa isang basta underground house kung house pa ba to. pero ang ganda men... ang ganda!!!
May mga lamesa din, kabinet, blackboard, lababo, lutuan, tangina para akong nasa secret underground fairy land.
May hagdang gawa sa bakal paakyat sa taas at may mga halamang umiilaw na nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Malawak at may malaking espasyo ang lugar, kakasya kaming lahat.
Bumaba silang lahat at katulad ko ay namangha din sila sa ganda ng paligid.
"Ang ganda"
"Dito nalang ako"
"Tara higa"
"Baliw madumi"
"Wag ka maarte pare pareho lang tayong slap soil dito no."
Sinilip silip ko pa ang ibang mga bagay na nakalagay hanggang sa may naisip akong gawin.
"Ano kaya kung ayusin at linisin natin to, gawin nating tambayan o di kaya naman ay hideout. Kunwari action stars tayo tapos may kalaban beng beng beng."
Kunwari pa akong nagputok putok sabay hipan sa daliri.
"Sana okay ka pa" asar ni Xyrel sakin
"Wag kang epal supot" bawi ko naman.
"Hoy tuli na ako, matagal na, gusto mo patunayan ko pa eh."
"Kaderder, mandiri ka nga sa sinasabi mo."
"Talaga!"
"Tss. Ano payag ba kayo sa suggestion ko?" Muli kong baling sa kanila pero lahat sila ay nakatingin na kay Ari na parang humihingi ng permiso.
"Tch. Whatever."
"Yehey!!!!" Sigaw naming lahat.
"Bukas tayo maglilinis ha." Muling suhestiyon ko.
"Why not ngayon, if pwede naman." Sabi naman ni Davon.
"Pwede naman basta payag kang mukha mo ang gagawin naming pangwalis."
"You're so brutal shin ha"
"Use your utak naman kasi minsan conyo, do you see any pangwalis at pamunas here? Ofcourse wala, what I'm pointing out is that wala tayong things for paglilinis here. Gets?"
"I got it na babe, hindi mo ini-tell sakin agad eh."
Hindi ko na ito sinagot, sa halip ay pinagtuunan ko nalang ng pansin si Ari na tila ba may kinukutkot sa gilid. Linapitan ko siya at nakita kong parang may binubuksan siya gamit ang pin.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko
Inirapan lang ako nito at nagpatuloy lang siya sa pagkutkot ng kung ano.
Kainis, magpakatanga ka sana ulet para masugatan ka tapos ako ang gagamot at dahil may lihim akong sama ng loob sayo ay isang baldeng alcohol na ang ibubuhos ko para sulit na sulit ang galit ko.
Sumandal ako sa may gilid ng pader at hinarap pa siya lalo, busy naman ang iba naming kasama kaya walang makakapansin samin.
"Ari aware ka bang mabaho ka?"
Inosenteng tanong ko pero sa kaloob looban ay pakiramdam ko nagwawagi ako
"May problema ang pang-amoy mo."
"Psh hindi ahh, eh aware ka ba ulet na parang may kulubot ang ilong mo?"
"May problema ang paningin mo."
"Ha.. lalong hindi, aware ka din bang boses kargador ka? ?"
"May problema ang pandinig mo."
"Tsk. Tsk. Tsk. Gwapo ka sana eh kung di ka lang panget HAHAHAHAHAHAHA."
"Normal ka din sana eh kung di ka lang baliw"
"Oh eto last nalang."
"Tigilan mo ko" inis ng baling niya sakin habang patuloy pa rin sa pagkutkot
"Last na nga eh. hmmm aware ka ba na parang lubak lubak yang labi mo? Dry Hahahahahahaha."
"Halikan mo ako."
Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What the hell"
"Tch. Sabi mo lubak lubak diba kasi dry eh di halikan mo para maging wet." Ibinaling niya sakin ang paningin nya na seryosong seryoso. "Pero oras na halikan mo ako, magsisisi ka dahil hindi lang halik ang gusto ko, higit pa don" sabay ngisi nito ng nakakaloko
Sunud sunod ang paglunok ko dahil sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.
Kasabay ng kabang nararamdaman ko ay ang kalokohan na pumasok sa isip ko. Tignan natin kung sinong matatalo't kakagat sa plano ko HAHAHAHA
Lalo pa akong lumapit sa kaniya as in sobrang lapit talaga.
"Huwag kang magsalita ng tapos Alexander dahil hindi mo pa lubusang kilala ang babaeng nasa harap mo ngayon."
Hinawakan ko ang kaniyang leeg pababa sa kaniyang collar bone hanggang sa maabot ko ang kaniyang abs. Kitang kita ko ang pag-lunok niya at pagbilis ng kaniyang paghinga kaya naman tuwang tuwa ang kalooban ko dahil kumakagat siya HAHAHAHA
"Stop--" (ari)
"I'm a psycho, hot, and wild in bed, I'm also good in any kind of position so don't mess with me. Baka makalimutan mo pa ang pangalan mo sa sobrang sarap ng ipinaparamdam ko."
"Enough with your dirty thoughts, dahil alam kong hindi mo iyon kayang panindigan yan."
"Pwes mali ang inaakala mo mister."
"Kaya mo bang patunayan misis?"
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.
"Kiss me." Gulat na gulat ako ng sabihin niya ang mga salitang yon.
"What?!"
"I said kiss me."
Siya naman ang paunti-unting lumalapit sakin kaya nagwala ang sistema ko sa kaba. Wala na ayoko ng ituloy, ayoko siyang halikan.
"G-gago ka ah, sinong gugustuhing halikan ka." Nag-iwas ako ng tingin dahil shetttt di ko kinaya, ang hardcore pala ng isang to.
"Ayaw mo pala eh, kung ganon tigilan mo ang pang-aasar at pagbibiro sakin dahil kaya kong seryosohin ang sinabi ko. Baka magulat kana lang nakasandal kana sa pader habang inaangkin kita kahit maraming nakakaki-----" agad kong tinakpan ang bunganga niya dahil tiyak na maririnig kami, baka kung anu pang sabihin nila.
"Pasmado yang bibig mo."
Agad niyang kinagat ang kamay ko kaya mabilis pa sa alas kwatro ang paghila ko.
"Aso ka ba? ang diin ng kagat mo."
Itinuloy niya ulit ang pagkutkot hanggang sa may marinig na akong pag-igik ng bakal.
Pwersahan niya itong itinulak, tumambad sa amin ang isang tunnel, o mas tamang sabihing abandoned tunnel.
Pumasok siya kaya sumunod ako, hindi kami nakikita ng ibang kasama namin dahil medyo malayo ang lugar namin kanina sa kanila.
Para kaming mga magnanakaw na nagdahan dahan sa paglalakad, madilim ang parteng ito kaya kapa kapa kami.
"Bumalik kana don." sabi nito sakin
"ayoko nga, hindi ako duwag no."
"meow"
"POKNAT!!!!AHHHHHHHHH!!!!! MULTO!!!!" lumipat ako sa likod niya at siya ang ginawa kong panangga.
"Di pala duwag ahh." nakatawang pang-aasar niya sakin
"Hindi ako duwag sa dilim pero kapag dilim na may multo, ibang usapan na yon."
Diniinan ko pa lalo ang kapit ko sa kaniya dahil baka takbuhan ako ng mokong na to. May kasalanan pa naman ako sa kaniya, eh di nalintikan na.
"Hold still, I think its a cat."
"No I think its a ghost, na nag-anyong cat. Aswang, you know aswang."
"No I don't."
"Basta kamukha mo yon."
"Shut up"
"meow" muli naming narinig ang boses sa dilim.
"BOOGSHHHHHHH"
"AHHH!!!!!!!, ayoko na! bumalik na tayo! dale!!!"
Dahil sa takot ay isinubsob ko na ang aking mukha sa likuran niya habang pilit siyang hinahatak paatras.
"Stop stop don't freak out woman!"
Buti sa kaniya dahil may magic powers siya, eh ako? paano ako? boses pansigaw lang ang baon ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at idinikit pa ako lalo sa kaniya. Palapit ng palapit kami sa pinakamadilim, may hawak siya flashlight. Pigil hininga ako't iniisip na ang magiging design ng kabaong ko.
"Meow"
"see? its a cat"
Kulay lila ang balahibo ng pusa at lila din ang mata nito. Ngayon lang ako nakakita ng pusa na ganito ang kulay. Unti-unti ko itong nilapitan, katulad ko ay titig na titig rin siya sakin. Hinimas himas ko ang ulo nito at dahan dahan siyang binuhat.
"Akin nalang to, wala namang may-ari eh." wala sa sariling usal ko.
"We'll show it to the teacher first, and then ako na bahalang magsabi na iuuwi mo." wala sa sariling usal din ng mokong
"Tara balik na tayo."
Nauna na akong naglakad pabalik, hindi ko na hinintay si Ari, di naman na ako takot eh HAHAHAHA
Pagbalik ko ay gulat na gulat ang ibang mga kasama ko, hindi dahil sa kagandahan ko dahil sanay na silang makita yan kundi dahil sa pusang buhat buhat ko. AKIN TO NO
"yeyy may ipapakita na tayo!"
"violet yung mata"
"halla pusa"
"cuteeeee akin nalang"
"Nauna ako eh, hanap ka sa dilim HAHAHA"
"Wala na tayong ibang pwedeng maayos dito, bukas maglinis tayo ha. Magdala kayo ng walis tsaka basahan." sabi ni Xyrel habang may paturo turo pa, akala mo naman boss.
"Ano kayang ipapangalan natin dito?" tanong ni Jayvinn
"Eh kung Section Thunder kaya?"
suhestion ni Shannah
"Slap soil nalang HAHAHA"
"Lando"
"Natoy"
"Hideout"
"Hidein"
"Xyrel Pogs"
"Davon the cute"
"Nylestine ganda"
"Clark harot"
Mananahimik nalang ako, kakahiya sa ganda ng mga suggestions nila.
"I'll choose." singit ni Ari ---Arigato HAHAHAHA
Lahat kami ay naghintay sa sasabihin niya.
"I'll name it underground Poknat."
awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kahit hindi ko nakikita ng buo ng mukha niya dahil nakatagilid ito ay alam kong ngising aso na siya. Kinuha niya sakin ang salitang poknat dahil yun ang laging isinisigaw ko kapag nagugulat ako.
"Anong poknat?"
"Poknat p****k nat nat... nat nat pok pok."
"Poknat? baka yung tawag sa pagkaka arrange ng isang bagay."
"baliw format yon."
Umiwas nalang ako ng tingin dahil mismong ako ay hindi ko din alam yon. Basta lumabas nalang sa bibig ko.
"Ari ano bang ibig sabihin ng poknat, nasa dictionary ba yan?"
"Ask her" sabay turo nito sakin.
"Ahem... anong malay ko diyan" pagkukunwari ko.
"Tss neverymind I'll name this Underground. Do you guys agree? yes or yes?"
Or po or
to be continued