Ari POV
Pagkagaling ko sa Veranda ni Ashine ay bumalik ako agad sa bahay at dumaretso sa office ni daddy.
"Ari anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba? May nangyari ba?" sunud sunod ang tanong ni dad dahil mukhang nakita niya sa ekspresyon ko na may nangyari nga.
"Dad, I think they are spying on me again. May inutusan na naman ata sila para bantayan ang bawat galaw ko"
"May ideya ka ba kung sino?"
"Meron pero ayokong magpadalos dalos at gumawa ng hakbang na maaari nating ikapahamak lahat."
"Do what you can, I can be a back up incase everything fvcks up, woah that one rhymes hehe"
"There's no time for jokes dad, I'm dead serious"
"ow sorry"
"May alam na ba kayo yung nasaan ang babaeng yon?"
"Sa ngayon ay wala pa, pero nagpadala na kami ng iba't ibang tauhan sa bawat sulok ng bansa para malaman kung nandoon nga ba siya."
"At kapag wala?"
"Eh di sa ibang bansa"
"I know that it's not easy dad but we really have to find her as soon as possible, dahil konting panahon nalang ang natitira sa atin. Kapag nagkataon ay pwede ng mangyari ang madugong labanan. And we need her to stop this bullshits!!"
"shh I know son, I know. Pero wala tayong kaide ideya, kung may alam lang sana ako ay matagal ng natapos itong problema nating toh. Be patient anak, makikita rin natin siya"
"Tss. I hope so, How can I protect her if I don't have any clue where she is, dammit"
"Take a rest son, rest your mind."
Lumabas na ako ng office niya at dumaretso sa kwarto. Humiga ako sa kama at pilit na nag-isip ng paraan kung paano mahahanap ang babaeng yon. Hanggang sa bigla nalang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.
"Ang lambot ng dibdib niya, s**t what the hell am I saying."
Muli akong tumayo at dumaretso sa Cr para magshower.
Kailangan kong bantayan si Ashine dahil nakakapagtaka ang bigla niyang pagsulpot sa school at sa mga pagkakataon na nagkikita kami. Kung nasaan ako ay nandun din siya kaya malakas ang kutob kong binabantayan niya ang mga galaw ko.
Good thing, magkapitbahay kami kaya mas mararamdaman ko ang kilos niya.
Mag-uutos nalang kayo, yung tatanga tanga pa tss.
Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ako at lumabas sa veranda. Sinilip silip ko muna kung may taong nakatingin, bago ako bumaba sa veranda, tumawid sa pader, at inakyat ko ang kwarto niya.
Sinubukan kong buksan pero nakasarado, gamit ang akong isip ay minanipula ko ang lock ng pintuan niya.
"And fix"
Tagumpay kong nabuksan ang lock at pinasok ang kwarto niya. Maayos ang lahat ng gamit, inaamin kong maganda ang design ng kaniyang silid at maganda din ang pagkaka organize ng mga gamit niya.
Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, yakap yakap pa ang isang manika. Nakadanatay ang isa niyang paa sa unan at tiyan niya lang ang natatakpan ng kumot. Naka nighties lang siya at napapalibutan ng unan ang kaniyang kama.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang lapitan siya at ayusin ang kaniyang kumot.
Balak ko sana siyang sakalin ngunit baka sumigaw siya at marining ng iba pa niyang kasama. Mabibisto ako at isa pa, wala akong ebidensya na minaman manan nga niya ang kilos ko.
Tahimik kong nilisan ang kaniyang silid at bumalik na sa aking kwarto.
Sinigurado ko munang naka lock ang lahat ng pintuan at bintana bago ako natulog
Ashine POV
kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda dahil alam mo na, may pasok na naman. Papasok na naman ako sa Montemayor Kinder Garten Academy. Mehehehehe
Isinuot ko na ang uniform namin, inilugay ko ang aking mahabang buhok.
oh yeah, nagrejoice ako girl charr
Kinuha ko ang aking bag at bumaba na para mag almusal tapos toothbrush and its time to go!!!
"Manang aalis na ako ha, bye bye"
Motor ang gamit ko dahil hindi ako mahilig sa kotse. Actually minsan lang pero motor talaga ang peborit ko.
Pagkarating ko sa school ay naabutan ko ang ibang estudyante na nakalambitin sa puno, ang iba naman ay nagbabasa, ang iba kinakausap mga hayop, at karamihan ay wala lang.
Dumaretso ako sa classroom at nadatnan ko ang mga kaklase kong nagkukumpulan sa isang sulok.
Lumapit na rin ako at nakisilip kung anong meron don.
"Ano yan?" tanong ko sa kanila pero walang pumansin dahil busy sila kakatingin sa ewan ko kung ano.
"Halla malake, hindi ko kaya, nakakatakot"
"Paano na yan?"
"Aba malay ko, wala naman akong alam sa ganyan ano"
"Tulungan niyo dale!!!"
"Sorry pre, di ako marunong"
Pinilit kong sumingit para makita kung ano yun. At si lalaking dugong itim, nagkasugat na naman, sa may bandang tiyan.
yummy charsss maharot
"Hindi ba kayo marunong manggamot ng ganyan?" tanong ni Nyles
"Anong alam ko diyan? sa hayop ako marunong, tao si Ari no."
"Wala ba tayong school nurse dito?" tanong ko naman.
"Wala tsaka hindi pa namin napag-aaralan ang panggagamot sa sugat."
"Eh kung tumawag kaya tayo ng teaher para dalhin siya sa Hospital"
suhestiyon ko
"Bakit tayo hihingi ng tulong sa kanila, eh sila nga ang may gawa niyan kay Ari. Bawal din lumabas dito kapag hindi pa tapos ang klase. Naparusahan na naman siya dahil hindi niya na naman nagawa ang task niya."
"Task? Anong task?"
"Tsk. Wag mo na nga alamin." inis na singit ni Xyrel.
aba talagang naghahanap na naman ng away toh.
"Tumabi nga kayo diyan, dadaan ako!"
lahat sila ay napatingin sakin ng isigaw ko yon.
"Ahh ehh ang ibig kong sabihin eh excuse me, ako gagamot."
"Sigurado ka bang kaya mo?" nag-aalalang tanong ni Nyles.
"Oo nga, baka mamaya mas lumala pa." singit nq naman ni Xyrel.
"Oo marunong ako, tsaka nagamot ko na siya dati."
Takang taka silang nakatingin sakin pero hindi ko na sila pinansin.
kinuha ko ang first aid kit sa bag ko bago lumapit sa kaniya. Titig na titig sa akin si Ari, na para bang nagtataka kung bat ko siya tinutulungan.
Oo pre, tutulungan kita kahit sinakal sakal mo ako kagabe at pinagbintangan akong spy mo. tch.
Daplis lang ang sugat niya pero maraming dugo. Nagtataka ako kung bakit hindi sila marunong nito, at kung bakit tinitigan lang nila ang animal na toh kahit hirap na hirap na dahil sa sakit.
Pinaayos ko siya ng upo bago ko kinuha ang isang bote ng alcohol.
"Mahapdi to kaya tiisin mo."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin kaya inirapan ko lang ito.
Walang takot kong itinaas ang damit niya kaya lumantad ang abs, sugat pala sugat. oo tama sugat.
Lumunok ako't huminga ng malalim bago buksan ang alcohol.
Ibinuhos ko ito sa sugat niya
"AHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!"
"Winarningan kita ha, wag mo akong aawayin pagkatapos nito, dadagukan kita!!!"
Sa sobrang hapdi ata nito ay hindi na niya nakontrol ang sarili niyang mapayakap sa bewang ko at dun sumigaw sigaw ng masaket
What the hell
Bigla rin siyang bumitaw at umtras ng mahimas masan siya.
Itinuloy ko lang ang ginagawa kong paggamot sa sugat niya. Nang matapos ako sa tiyan ay sa kamay naman. Binalutan ko ito ng panyo pagkatapos, para matigil ang pag-agos ng dugo niya.
"Okay na, sa susunod wag kang tatanga tanga para hindi kana naman masugatan. Acido na ang ibubuhos ko sa susunod para magtanda ka, batang makulet."
Nagtawanan ang mga kaklase kong kanina pa pala nakatitig sa amin.
Pati ang Xyrel na kanina lang inis na inis sakin ay ayun na sa sahig, siya pa ang pinakamalakas ang tawa sa lahat.
Inayos ko na ang mga gamit ko at bumalik na sa upuan. Sakto namang pasok ng teacher namin, pagkatapos ng ilang oras ay natapos na siya.
Hinarap ko si Nyles at nagtanong,
"Nyles bakit absent ka kahapon?" tanong ko
"Eh kasi nagkasakit ang lola ko, kaya kailangan ko siyang alagaan. Wala na kasi akong tatay namatay na siya, ang nanay ko naman ay kailangang magtrabaho ng araw na yun."
"Ahh naiintindihan ko, alam mo bang animal sounds ang lesson namin kahapon. Lesson kinder Hahahaha"
"Hindi lang basta basta pag identify ng sounds ang dahilan kung bakit natin inaaral yun Shin."
"Huh? anong ibig mong sabihin?"
"Kailangan nating magaya ang tunog ng mga hayo Shin, yung gayang gaya talaga. Sabi nila magagamit natin yun balang araw, kaya kailangan nating matutunan ito. Kapag 1st examination na ay ipapakita ng lahat ang kanilang karunungan. 2nd examination ay may ipapagawang task ang teachers. At sa Finals ay maglalaban laban ang bawat sections, matira matibay."
"P-paano kung may mamatay?"
"Kapag mamamatay tayo ay mamamatay lang tayo, ang matitirang buhay ay sasailalim sa ibang exam. Kaya dapat nating seryosohin ang lahat ng ituturo sa atin, dahil buhay ang kapalit kapag hindi ka pumasa."
Nagtindigan ang balahibo ko dahil sa narining mula kay Nyles.
"Hindi ba pwede magtransfer?"
"Hinde, wala tayong takas dahil oras na ma-enroll ka dito ay mababasa't makikita ng dean kung may karunungan ka ba o wala."
"Paano naman niya magagawa yon?"
"Ang dean ay may dugong dilaw, may kakayahan siyang maramdaman kung may karunungan ba ang taong kaharap niya o wala."
"Eh papaano kung walang karunungan ang nag-enroll?"
"Eh di hindi tatanggapin, kahit mayaman pa ang taong yon, kung wala siyang karunungan ay hindi siya makakapasok dito sa Montemayor Academy."
"I-ibig mo bang sabihin, nakapasok ako dito dahil may karunungan din ako?"
"Oo naman."
"Bat kaya hindi ko alam."
"Malalaman mo din sa tamang panahon."
"Eh ikaw? Ilang taon ka nung madiskubre mong may karunungan ka?"
"Nung 6 years old ako, naglalaro kami ng mga kaibigan ko tapos napatid ako sa isang bato, lumagapak ako sa lupa. Hanggang sa naramdaman kong masakit ang kanang tuhod ko, tinignan ko yon tapos nasugatan pero hindi kulay pulang dugo ang umaagos kundi berde. Tumakbo ako pabalik ng bahay namin at pinakita ko sa lola ko ang tuhod ko, patuloy parin sa pag-agos ang berdeng dugo. Sa puntong yon, tinawag niya si nanay at ipinaliwanag nila sa akin ang lahat. May ginawa ang nanay ko para masarado ang aking isip para daw hindi mabasa ng mga ibang berdeng dugo ang laman ng isip ko. Tapos nung 17 years old na ako ay ini-enroll na ako dito."
"Bakit kaya hindi ako nagkaganyan, parang normal naman akong tao."
Biglang dumating ang sumunod na guro namin kaya napaayos kami ng upo. Sinusubukan kong intindihin ang bawat salitang binibitawan ng guro dahil ayaw kong bumagsak.
May nadagdag na naman sa kaalaman ko, kailangan ko lang talagang magpursigi pa.