Chapter 3: Meet Alexander Ari Levaste

1241 Words
Ashine POV "What is the sound of a bird?" tanong ng teacher namin. "tweet tweet tweet" sagot naman ng mga uto-uto kong kaklase. Ma'am anong trip yan? "next is the sound of a snake" "ssssssssss" 17 years old na ho ako Lord, hindi ho ako kinder. Kung ano mang panaginip toh, please gisingen niyo na ako, maloloka ako sa topic namen. "Ngayon ay tunog naman ng unggoy." "Mehehehehehe" sagot ng kaklase ko. "Tanga kambing yon.!" Nagsihagalpakan ng tawa ang buong klase dahil sa katangahan ng isa. "Its u-u a-a not mehehehehe", sagot naman ng lolo nyong jinyos HAHAHA. Iba't ibang uri pa ng tunog ang tinanong ng teacher namin, at kami naman si tanga, sunud sunuran niya. Ano bang eskwelahan toh, mga takas mental ata tao dito eh. "okay class, thats all for today. Kailangan niyong mamaster ang proper sounds ng lahat ng animals, dahil bukas isa-isa ko kayong tatawagin sa harapan. Ang hindi makagawa ay bagsak sa klase ko at hindi ko ipapasa hanggat di niya nagagawa ito ng tama." Lumabas na ang teacher, at siya namang sulpot ng ngiti ngiting lalake sa tabi ko. "Hi I'm Xyrel Valdez, you're Ashine Haterya right?" Pagtango lang ang naging sagot ko dito "Gusto sana kita maging kaibigan, okay lang ba?" Tinanguan ko lang ulit "Alam mo cute ka, tsaka ang astig ng dating mo. Siya nga pala, kapag may kailangan ka eh andito lang ako ha." Nakangiting ani parin niya Pero tumango lang ulit ako. "Baka gusto mong magsalita hehe" Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tumingin na lang ako sa labas ng classroom. inip na inip na ako gusto ko ng umuwe, ayoko ng mag-aral ng pang kinder. "Dibale nalang, uhmm Ang ganda ng pangalan mo ashine. Pwede bang ash nalang ang itawag ko sayo, hehe Kamukha mo pala si pokemon." Sinamaan ko siya ng tingin na ikinalaki ng mata niya. "Wag mo akong tawaging Ash dahil hindi ako abo" Agad akong tumayo akmang lalabas na ng classroom pero hinawakan ng asungot ang kamay ko. "Pwede bang bitiwan mo ako" singhal ko sa kaniya, sabay hila ng kamay ko. "Ang sungit mo naman?!" Kunot noo niyang sigaw sa mukha ko. "Atleast hindi kasing feeling close mo." "Sira-ulo ka ahh" "Nasisira talaga ang ulo ko lalo na kapag panget ang kausap ko!." "Owww!!!!!!" "yare" "Pare nalaban" "Gago iba!!" Lumapit ang isang lalake at inakbayan ang Xyrel na asungot. "Alam mo tol normal lang talaga sa buhay ng tao ang mapahiya paminsan minsan." Asar nito kay Xyrel. "Pwede ba Jayvinn, umalis ka dyan. I can handle this." Muli itong bumaling sa akin pero binirahan ko lang ng alis Dare daretso akong naglakad papunta sa may kubo, dito nalang ako tatambay tsaka kakain na rin. Kainis absent kasi si Nyles eh di sana hindi ako mukhang tanga dito kumakain mag-isa. "Are you stalking me?" "ayy poknat!!" sa sobrang gulat ay naihagis ko ang kutsara. "Anak ka ng! Ano bang problema mo!" inis na sigaw ko sa lalake may dugong itim at kinu kwelyuhan na siya. Walang gana niyang inalis ang kamay ko sa kwelyo niya at tinulak ako palayo. "Sira- ulo ka ahh!!" Muli ko siyang sinugod pero walang awa niya akong tinulak. Sa sobrang lakas ay humagis ako palayo. "aray ahh!! Gago ka ba?!" inis na inisa na talagang sigaw ko. "Next time na pumasok ka school mag cycling ka para hindi kita panty mo" Agad kong isinarado ang nakabukaka kong paa. Tumalikod ang weirdo at nagsimulang maglakad palayo. Sa sobrang inis ko ay dinampot ko ang maliit na bato sabay hagis sa kaniya "sapu------- What the!!" mabilis pa sa alas kwatro ang pagharap niya't sinalo ang bato. Tao pa ba to? Nginisian muna ako nito bago tuluyang umalis at hanggang ngayon ay tulala parin ako. Tumayo ako pinagpag ang aking damit, hinanap ko muna yung kutsarang nahagis bago ako bumalik ng classroom. And guess what men, mukha niyang nakangisi talaga ang unang bumungad sakin, kasunod ng kaibigan niyang asungot na masamang masama ang tingin sa akin at yung isang mapang-asar na hanggang ngayon ay mapang-asar na nakatingin sa kaibigan. Magsama sama kayo pare pareho kayong unggoy mehehehehe. Matapos magklase ang guro namin ay sumunod naman ang isa tapos isa pa may sunod pa tapos iba na naman at sa wakas---"UWIAN NA!!!" Sigaw ng mga kaklase kong akala mo kalayaan ang ipinagsisigawan. "Hep hep hep!!" Malakas na sigaw ni Xyrel taas noong humarang sa upuan. "Everyone go back to your sit." Utos nito samin. "Ano?!!!" "Uwing uwi na ako eh" "ano ba yan!" "Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?" "Aba talagang hindi pwede ipagpabukas!" sigaw naman niya "Shut up, I'm going home." Malamig na sabi ni Lalakeng dugong itim Tuloy tuloy siyang naglakad kaya sumunod na rin ako dahil gusto ko na ring umuwi. "No!!!!" Malakas na sigaw ni Xyrel "Walang uuwi, lalo na ikaw!" sabay turo sa akin. "Anong ako, pake ko sa sasabihin mo" "What the--- talagang matapang ka ahh" "Kung kayo ang may problema, kayo ang mag-away, huwag niyo kami idamay." singit ni lalaking dugong itim "Tama!!" sang-ayon ng buong klase. "No way Ari" ayy Ari pala nickname niya "Alam mo bang ipinahiya ako niyan nung umaga, kaya kailangan niyang magsorry sa akin ngayon sa harap ninyong lahat." Abah tarantado pala to eh, ako sinabihan niya ng kamukha ni pokemon tapos ako pa magsosorry. MATINDE!! "Ari diba dapat magsorry siya sakin. Diba? diba? diba?" pangungumbinsi pa nito sa kaibigan habang inilalapit ang mukha. "The hell I care" bira ng isa sabay walk out. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA, kaibigan ka ba talaga non? Tsk. tsk. tsk. walang kwentang friendship, pinapahiya ka" asar ko naman kaya mas lalong nagalit si Xyrel. "Nakakadalawa kana ahh!!" salubong na salubong ang kilay niya habang nakaturo pa sakin at namumula na sa galit. "Maswerte ka't gentlemen ako, kaya hindi kita papatulan." dugtong niya pa. "Anong swerte don, ang makakita ng panget na gaya mo ay malas, ano pa kaya yung matalsikan mo ng laway." sabay punas ko sa braso ko na nahulugan ng laway niya. "Malas na malas yon." Maangas akong naglakad palabas ng pinto sabay taas pa ng kanang kamay ko at pabaliktad na kumaway. "Crazy pathetic woman, you'll pay for this! kaines!!!!!" rinig kong sigaw niya pero wala na siyang magagawa. "Better lang next time men HAHAHA" Pagkauwi sa bahay ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Ramdam na ramdam ko ang pagod. Nasaan na kaya si Nyles, bat kaya di pumasok ang albularyong yon. Hindi kaya nasa peryahan na yon at nanghuhula ng kapalaran ng iba. tss imposible nakakabasa lang yun ng isip pero hindi naman niya nakikita ang future. Halla nababasa kaya niya ang isip ko ngayon? Tumayo ako at dumaretso sa CR para magshower. Pagkatapos magshower ay nagsuot lang ako ng sando na croptop tsaka short shorts. Hindi naman ako lalabas ng bahay kaya okay na toh. Pumunta ako sa veranda ng kwarto ko at nag-inat inat. Napapapikit pa ako at sa pagmulat ko ng mata ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. holy cow kalabaw Si Ari lalakeng dugong itim nasa veranda rin ng isang bahay at umiinom ng juice. Kapit bahay ko pala ang gunggong na to? Bigla siyang lumingon sa gawi ko kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin. Gosh I'm not stalking you, nagkataon lang na magkapit bahay tayo at wala ajong kakayahang iadjust ang location ng bahay namin. Tinignan ko siya sa gilid ng aking mata pero wala na ito. "Asan na yun?" "Are you looking for me" "ayy poknat!!!" nasa likuran ko na ang hayop! "Paano ka nakapunta dito?" "Don't ask, I won't answer anyway, its useless." "Stalker ka no?!" bintang ko "I'm not stalking you, I just caught you staring at me a while ago. I know what you're doing so stop." "Anong pinagsasabi mo? May topak ka ba?" Nagulat ako nang bigla niya akonh sakalin at isandal sa pader. "Did they send you here to spy on me?" Galit na tanong nito sakin. "A-aray... Anong s-spy gago ka ba?" "Alam kong binabantayan nila ang bawat galaw ko at alam kong inutusan ka nilang ireport ang lahat ng ginagawa ko" madiin niya sabi Pinilit kong tinanggal ang pagkakasakal niya sakin dahil hindi na ako makahinga. "Adik ka ba? Ilang taon ng nakatayo ang bahay namin dito at hindi kita kilala bakit ko naman babantayan ang kilos mo at kanino naman ako magrereport. Animal ka, wala akong pakealam sayo" "At bakit bigla bigla kana lang sumusulpot kung saan at kung nasaan ako ay nandoon ka rin" galit pa rin ang tono ng pananalita niya "malay mo nagkataon lang, sinong gugustuhing makasama ka eh may topak, bigla bigla kang nananakal eh hindi naman kita inaano. Sadyang ba-----" agad akong natigilan ng marealize ang posisyon namin. Nakasandal pa rin ako sa pader, at nakahawak naman ang isa niyang kamay sa dalawang kamay ko na pilit iginagapos paitaas. Nasa pagitan ng kita ko ang isa niya paa at nasa pagitan din ng hita niya ang isa kong paa, nakadikit na rin ang dibdib ko sa kaniya. "B-baka gusto mong umayos, ang laswa ng posisyon natin. Baka makita tayo ni daddy't mommy, malilintikan pa ako." Agad siyang napaatras at umiwas ng tingin. "Umuwi kana tresspassing ka ulol" "Tss. Stay away from me, I'm warning you!" "No need to stay away from you mister dahil hindi naman kita nilalapitan. Ang lahat ng yon ay nagkataon lang kaya please lang kalmahan mo. Huwag mong isipin na may ibang meaning yun kung ayaw mong dagukan kita." Tinalikuran ko siya, pumasok na ako sa kwarto at inilock ng maigi ang veranda Ang sakit tuloy ng leeg ko, feeling ko nagkabali baliktad ang mga buto ko sa lalamunan. Sumilip ako saglit sa veranda dahil gusto kong makasigurado na nakaalis na nga yung lalaking dugong itim. Wala ng tao sa labas kaya sigurado akong nakaalis na. May special powers nga, ang bilis ng galaw eh. Totoo pala talaga yung sinabi ni Nyles na delikado siya. Hindi naman niya nasabi sakin na baliw pala ang isang yon, bigla bigla nalang nananakal di naman inaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD