Chapter 2: Who is HALAWI?

1332 Words
Ashine POV "Sinabi mo pa. Huwag kang basta basta lalapit kay Ari, dahil hindi siya maayos makitungo, laging mainit ang ulo, at nakakatakot magalit. Wala din siyang ibang kaibigan maliban kay Xyrel at Jayvinn. Sila lang ang nakakaintindi sa kaniya. Halos lahat na kami ay hindi siya kinakausap. Delikado siya at misteryoso." Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Nyles tungkol sa lalakeng may itim na dugo. Bakit kaya ganun ang kulay ng mga dugo nila, Hindi kaya naglaklak sila ng tubig na hinaluan ng water color nung bata sila? Mabuti nalang hindi ako naglaklak non, baka naging rainbow pa ang dugo ko, mahirap na. Eh kung magtanong kaya ako kay manang, baka asul naman ang dugo non, pero mukhang malabo. Matanda na si manang para maglaklak ng tubig with watercolor. Titig na titig ako sa kisame hanggang sa napabalikwas ako ng bangon nang mayroon sumagi sa isip ko. "Tama!! Si manang may nakwento sakin tungkol sa mga dugo dugo na yan eh" Patakbo akong lumabas ng kwarto at kinatok ang kwarto ni manang. tok tok tok "Manang, manang gising ka pa ba? May itatanong lang ako, imfordant." Narining ko na ang yabag ni manang palapit sa pinto. "Jusko namang bata ka, hating gabi na. " Pagbukas ng pinto ay dali-dali akonh pumasok sa loob at humiga sa kama niya. "Ano ba iyong itatanong mong IMFORDANT?" ginaya ni manang ang pinagbigkas ko ng important kaya napahagikgik ako. "Eh kasi diba nga may naikwento ka sakin noon na patungkol sa mga taong kakaiba ang kulay ng dugo." kita ko ang pagkabigla niya, na ikinataka ko naman. "N-naaalala mo pa iyon?" nag-iwas siya ng tingin na para bang hindi inaasahan na hindi ko pa ito nakakalimutan. "Oo naman ho, ang sabi mo pa ay makapangyarihan sila at maraming kakayahan na hindi taglay ng ibang ordinaryong tao. " Wala akong balak sabihin kay manang ang tungkol sa Montemayor Academy. Gusto ko lang talaga ipa-recall yung kwento niya dahil baka makatulong oa iyon sakin upang mas mainyindihan ko yung mga ikinwento ni Nyles sa akin. "Gusto mo ba talagang marinig ang buing istorya nun? " nakangiting tanong niya sa akin. "oo naman ho. " Lumapit siya sa akin at humiga sa kama tapos tumabi naman ako. "Oh sige iku-kwento ko sayo pero mangako ka sa akin na hindi mo sasabihin sa mommy at daddy mo ha." "Pangako ho. " Ang totoo niyan ay kalahati lang ang narinig ko sa kwento niya oatungkol don kasi nakita at narinig kami ni mommy tapos bigla na lang niyang pinatigil si manang tapos pinagalitan niya ito. Baiit daw ikinu-kwento sa akin ni manang yon. Magmula noon ay hindi na niya itinuloy ang kwento niya, pero hindi na nawala yin sa isip ko. Ayaw ko naman siyang pilitin na ituloy ang kwento niya na yon dahil ayokong pagalitan na naman siya ni mommy. Flashback "Manang kwentuhan mo na po ako." Humiga si manang sa tabi ko at inayos ang aking kumot. "Ano bang gusto mong ikwento ko?" "Gusto ko po yung magic magic." "Oh sige, Iku-kwento ko sayo ang tungkol sa mga taong kakaiba ang kulay ng kanilang dugo." "Wow excited na po ako." Niyakap ko ang aking manika at nakinig sa kwento ni manang. "Noong unang panahon, sa isang malayong lugar, malayo sa kabahayan ng mga tao. May isang babae na kung tawagin ay Halawi, espesyal siyang bata dahil paiba-iba ang kulay ng kaniyang dugo. Habang siya's lumalaki ay unti unti niyang nadidiskubre ang kaniyang esoesyal na kakayahan at ang pagka-iba niya sa ibang tao. "Minsan siyang tinawag na halimaw dahil hindi daw normal ang kulay ng kaniyang dugo. Pinagtabuyan siya ng mga tao at tinapon sa kagubatan. Nasanay siyang mamuhay sa kagubatan, at nagsanay rin siya sa pakikipaglaban. Dahil sa p**********p ng mga tao sa kaniya ay namuo ang galit sa kaniyang kalooban. At ang galit na iyon ang mas lalong nagpalakas sa kaniya." "Dahil sa berde niyang dugo ay nakikita niya ang kalakasan at kahinaan ng iba at nagtataglay ng katalinuhan. Ang dilaw na dugo naman ang nagbigay sa kaniya ng kakayahan upang basahin ang isip ng tao at katalinuhan rin ang taglay nila. Ang asul na dugo ay kakayahan na kontrolin ang galaw ng mga halaman at mga nakatanim sa kagubatan. Ang dugong kahel ay nakakakontrol ng galaw ng lupa. Ang dugong puti ay nakokontrol ang mga hayop. Ang dugong itim ay nagtataglay ng bilis ng galaw ng hangin, tubig, ulan, kidlat, at panahon. Higit sa lahat ay dugong lila. " "Ano pong meron doon? " Tanong ko. Nginitian niya ako bago siya sumeryoso. "Ang dugong lila ay mga pinaghalo halong dugo, at taglay ng dugong yon ang kakayahan ng lahat ng karunungan." "Si Halawi ay napuno ng galit, at gusto niyang maghiganti sa mga tao. Kaya lumuhod siya sa kagubatan at sinimukang ikalat ang kaniyang karunungan. Ang lahat ng bata sa kanilang nayon ay nag-iba ang kulay ng dugo. May berde, dilaw, asul, kahel, puti at itim. Ginawa niya ito upang paglaban labanin sila, hanggang kamatayan." "Lumabas si Halawi sa kagubatan muling namuhay na parang normal, hanggang sa---- BLAGGGGGG!!!!!!!! "Mommy?" "What the fvck are you telling my daughter!!" "Ma'am? Ahh ahh pasensya na po" Kinaladkad niya si manang sa palabas ng kwarto ko at pinagalitan. Iyak lang ako ng iyak dahil naaawa ako kay manang, pero wala akong magawa. end of flashback "Saan ba tayo natapos non?" "Yung lumabas na ho si Halawi sa kagubatan." "Ahh okay sige...... Nung lumabas na si Halawi sa kagubatan ay namuhay siya ng normal, binago niya ang kaniyang itsura ngunit maganda parin, hanggang sa makatagpo siya ng isang gwapong binata. Nagkamabutihan sila at naging magkasintahan, nanumpa at ikinasal. Nagkaroon sila ng anak na babae, isa itong magandang bata at normal lang tulad ng iba. Maayos na sana ang kanilang pamilya ngunit nagsimula na ring kumalat ang ipinakalat ni Halawi sa mga bata sa kanilang nayon. Gusto niya itong bawiin at ibalik ang lahay sa dati ngunit wala na siyang magagawa. Natuklasan din ng mga tao ang itinatago niyang sikreto kaya naman tumakas sila ng kaniyang asawa't anak sa kalagitnaan ng gabi patungo sa kagubatan. Alam niyang hindi na mapipigilan ang sumpa kaya naman isang paraan na lang ang pwede niyang gawin." "Ibinigay niya sa kaniyang anak ang dugong lila, alam niyang magdudusa ang anak niyang makontrol ang karungang taglay ng dugong ito ngunit walang ibang paraan." "Upang maprotektahan ito ay iniwan niya ang kaniyang anak sa pintuan ng isang bahay, at ang sabi sabi ay pinatay daw siya at ang kaniyang asawa sa gubat." "Totoo ho ba ang kwentong ito?" tanong ko kay manang. "Iyon ang hindi ko alam,." "Saan mo ho ba narining ang kwentong yan?" "Sa lola ko pa, ikinuwento niya sakin nung bata ako." "May isa pa ho akong tanong manang." "Ano naman yun?" "Kasi nung unang ikinuwento mo sa akin yan, ay nagalit si mommy at pinagalitan ka niya, tila ba ayaw niyang iparinig sakin yung kwento na yon." Nag-iwas muna ng tingin si manang at ngumiti ng pilit. "E-eh kasi Shin, a-ayaw ng m-mommy mo na--- na--- makarinig ka ng mga kwentong g-ganon, kasi daw ay baka maniwala ka. Oo tama, baka daw maniwala ka. Hahaha " Nakisabay nalang ako sa tawa niya kahit na alam kong pilit lang yon dahil halata namang naghahanap lang siya ng pwedeng idahilan. Talagang maniniwala ako dahil alam kong totoo yon, kailangan ko lang talagang alamin ang lahat lahat. "Salamat sa kwento mo manang ha, matutulog na po ako goodnight." "Goodnight Shin." Tumalikod na ako sa kaniya nang may bugla siyang ibinulong. "Malalaman mo din ang lahat Shin, malapit na malapit na." "H-ho" Ngumiti siya sa akin at umiling. "Sige, matulog kana, maaga ka pa bukas papasok sa school mo." "U-una na ho ako." Lumabas na ako ng kaniyang silid at pumasok sa kwarto ko't humigq sa kama. Alam kong may tinatago kayo, at yun ang kailangan kong alamin. Sino ka ba talaga Halawi, totoo ka ba? At anong klaseng karunungan ang ipinakalat mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD