Ashine POV
"Good morning students please go back to your proper sit."
Nagsibalikan ang mga estudyante sa kanilang kaniya kaniyang upuan. Napansin kong tila walang buhay ang classroom nila at napakagulo.
Mga adik ata tao dito eh, charrr
"So class, as you can see may kasama ako dito sa harapan. Siya ang bago ninyong kaklase." Bumaling sakin ang teacher at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. "Please introduce yourself miss."
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at bumaling sa mga kaklase kong walang ekspresiyon ang mukha.
tao ba talaga sila?
Huminga ako ng malalim at taas noong tumingin sa kanilang lahat.
"I'm Ashine Haterya but you can call me shin or ashine." Maangas kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng classroom nila.
Maraming alikabok sa bintana, nagkalat na papel sa sahig, mga supot ng spider sa kisame, maduming fan, at siria-sirang upuan.
BOOGSHHHH!!!!!!! Napalingon kaming lahat sa labas nang biglang may tila sumabog.
what is that? may sunog ba?
Sobrang kapal ng usok sa labas ng pintuan, kasabay non ay ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki at kung titignan mo siya ay tila ba sumuong siya sa bagyo sa sobrang pagod at kaawa awa ang kaniya itsura.
"Where the fvck have you been Xyrel?!" Malakas na sigaw ng isa pang lalaki sa gilid.
"Mr. Jhonson! Language!" sigaw rin ng guro.
anong klaseng eskwelahan ba to? puro mga highblood ata tao rito eh.
Nagulat ako ng palutangin ng isang babae ang upuan sa tabi niya at unti unting inilapit sa lalakeng kararating lang.
Kulelat poknat anoyon??!!
"I'm sorry Miss Valdero for welcoming you sa ganitong paraan. I did not expect this I swear." Paumanhin ng guro sa akin, kaya naman nginitian ko nalang siya para iparating na okay lang.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan at nakakapagtaka lang ang titig ng mga kaklase ko sa akin.
Nagsimula ng mag lecture ang guro namin at ang ipinagtataka ko ay kung bakit puro mga magic tricts ang itinuturo niya samin at kung paano kontrolin ang mga magics daw.
Nakanganga lang ako sa kanila dahil parang seryosong seryoso silang lahat habang nakikinig.
Ilang oras din ang pagtuturo ng guro namin at wala talaga akong naintindihan LITERAL NA WALA.
Pagkatapos ng klase ay lunchbreak na kaya naman nauna na akong lumabas at tumambay sa lilim ng isang puno na medyo may kalayuan sa classroom.
"Arghhh!!!!!" Isang malakas na sigaw ang nagpatindig ng mga balahibo ko.
"Ang sakit tangina!!" mariing sigaw niya at mahihimigan mo talaga ang sakit sa dinaramdam niya base sa kaniyang tinig.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya agad ko siyang nilapitan.
"What are you doing here. Who are you?" takang tanong nito sa akin.
"Ahh I'm Ashine, I'm a new student here, may narinig kasi akong sigaw kaya hinanap ko kung saan galing yon. at nakita kita, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya pero sinamaan lang ako nito ng tingin
ayy masungit
"Magpalit tayo ng sitwasyon, tignan ko kung magiging okay ka." nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya dahil halata naman talagang hindi siya okay.
"u-uhmm do you need h-help?" Dahan dahan akong lumapit pero umatras siya kaya napatigil rin ako.
"dont... just go away, I can handle this."
ayy pasensya matigas ang ulo ko eh.
Nilapitan ko pa rin siya at inilabas ang first aid kit sa bag ko.
"I'm not leaving you here, na ganyan ang sitwasyon mo. Mas mabuti pa kung gamotin muna natin tapos ipatingin mo nalang sa doctor, sasamahan kita kung gusto mo."
"No! stop." Pigil niya pero hindi ako nagpatinag.
Naghanap ako ng pwedeng mapwestuhan.
Nakakita ako ng isang kubo kaya inakay ko siya at pinaupo roon.
Kinuha ko ang tubig ko at nilinis muna ang sugat niya.
Shocks anong klaseng tao ba to bat itim ang dugo niya.
Ginamot ko ang sugat niya gamit ang dala kong first aid kit. Hindi niya napipigilan ang pagpisil ng balikat ko kapag nakakaramdam siya ng sakit.
Pagkatapos ko itong gamutin ay naghanap ako ng tela na pwedeng ibalot sa sugat niya pero wala akong mahanap.
Pinunit ko nalang ang gilid ng tela ng skirt ko na ikinabigla niya. Ibinalot ko ito sa sugat niya na katamtaman lang ang higpit para hindi humapdi.
"Ayan okay na, sa susunod mag-ingat kana lang. Dadalhin kita sa clinic kung gusto mo."
"No need, I can handle my self."
"Okay bahala ka, tignan natin ang galing mo kung makakarating ka sa bahay mo ng mabilis. Baka abutin ka pa ng isang araw, tss."
Inayos ko na ang mga gamit ko at iniwan siya sa kubo.
Habang naglalakad ako pabalik ng classroom ay biglang lumakas ang ihip ng hangin at tila ba may dumaan na isang tao sa gilid ko, pero imposible wala pa akong nakikitang taong tumakbo na kasing bilis ni flash.
Pagkabalik ko sa classroom ay nagulat ako sa nakita.
iniwan ko lang to sa kubo kanina ahh, naunahan pa akong makabalik?
Prenteng nakaupo sa upuan sa gitna at parang walang iniindang sakit ang lalake sa kubo kanina.
Anong klaseng mga tao ba kayo?
Tinignan ako nito saglit at nag iwas rin ng tingin kalaunan.
Bumalik na ako sa aking upuan nang magsimulang magdiscuss ang guro namin.
Magic again
Kinabukasan ay sinubukan kong intindihan ang nilelecture ng guro namin dahil mukhang seryosong seryoso siya sa pagtuturo ng magic spells.
Kahapon ay naiintindihan ko pa na magic ang tinuturo nila dahil ang akala ko ay biru biruan lang nila yon. Syempre kase first day of classes, hindi pa muna seryosong lessons yon dahil pagpapakilala muna.
Pero ngayon ay ganun parin ang itinuturo nila at bakas sa kanilanh itsura ang pagiging seryoso na para bang buhay ng tao ang nakasalalay sa bawat salitang binibigkas nila.
"Kailangan niyong gamitin ang lahat ng natutunan niyo sa tama, hindi niyo pwedeng gamitin ang inyong kapangyarihan upang makapanakit ng iba."
Kapangyarihan? anong kapangyarihan naman? May magic ba ako?
"Ang lahat ng techniques na itinuturo ko ay aktwal nating gagawin sa susunod na buwan. Sa ngayon ay pisikal na kakayahan at paraan ng pakikipaglaban muna ang ituturo ko."
Makikigyera ba kami? Anong pisikal na pakikipaglaban naman ang lesson namin na toh? Hindi naman ako magsusundalo para mag-aral ng ganito.
"Okay class tomorrow proceed lahat sa gymnasium. Malinaw?"
Tumango ang lahat
"Naintindihan niyo ba ang mga itinuro ko ngayong araw?"
Tumango lang ulit silang lahat kaya nakitango narin ako para kunwari nagets ko.
Ang hirap pala nito, para akong lutang palagi.
Pagkalabas ng guro ay siya namang lapit sa akin ng babaeng morena, kulot ang buhok, katamtaman ang tangkad, nakajacket at may nakasabit na ballpen sa kaniyang damit.
"Ikaw si Ashine Haterya, tama?" Pormal na tanong nito sakin
Dapat pormal din ako
"Tama ka, ako nga iyon? May importante ka bang sasabihin?"
Nakss ang pormal ko don
Dinala ako nito sa isang lugar na napapalibutan ng puno. Ito rin yung lugar kung saan ko nakita ang lalaking may dugong itim kahapon.
"Ako si Nyles, Nylestine Romero." Pagpapakilala nito sa akin sabay abot ng kamay. Kinuha ko naman ito at nakipagkamay rin.
"I'm Ashine Haterya Valdero." Pagpapakilala ko rin sa kaniya.
"Batid kong hindi mo naiintindihan ang leksyon natin kahapon at kanina."
Prankahan ba, ano to teh insulutahan?
"Huwag mo sanang isipin na iniinsulto kita." pagpapatuloy niya
inisip ko na nga eh. tanga ka ba?
"Huwag mong isipin na tanga ako."
agad na nanlaki ang mata ko sapatkat nababasa niya ang laman ng isip ko.
manghuhula ka teh?
"Oo tama ka, nababasa ko ang isip mo, at hindi ako manghuhula. Sadyang isa lamang ito sa kakayahan ko."
tama, sa kaniya ako magtatanong, mukhang marami siyang alam. Matalino ang lola niyo.
"Kakayahan? Anong kakayahan?"
"Nakakabasa ako ng isip ng taong bukas ang isipan at hindi pa nasasarado."
"Hindi ko maintindihan."
Ngumiti ito sa akin.
"Mukhang wala ka pang alam sa eskwelahang pinasok mo. Kaya dadaretsuhin na kita. Ang Montermayor school ay hindi ordinaryong eskwela, sapagkat ito ay eskwelahan ng mga taong may karunungan."
"Karunungan? Ibig mong sabihin, may mga magic kayo?"
"Oo, at hindi lang basta basta magic katulad ng napapanood mo sa telebisyon. Espesyal kami, espesyal tayo. Hindi ba nasabi sayo ng magulang mo?"
"Wala silang nabanggit sakin dahil hindi naman nila ugaling magsabi sakin ng mga bagay bagay na dapat kong malaman. "
"Pwes uunahan ko na sila, nung una kitang makita, pinag-aralan ko ang bawat kilos mo, binabasa ko ang isip mo, at dun ko nalaman na wala kang alam sa eskwelahang pinasok mo. Bukas ang isip mo at tila hindi pa nasasarado kaya naman ang mga katulad ko na kung tawagin ay dilawan ay nababasa ang isip mong bukas."
"Sarado na ba ang sayo? "
"Oo naman, bata pa lang ako ay sinarado na ng magulang ko ang aking isip bilang proteksyon laban sa ibang dilawan na masama ang loob at hangarin. "
"Paano masasarado ang akin? "
"Tunay monh ina lang ang makakasarado niyan, pero kung patay na siya ay mayroong pang ibang paraan."
"Ano naman yun? "
"Yun ang hindi ko alam pero sabi nila delikado daw yun. Maari mo daw ikamatay, depende nalang sa lakas ng katawan mong labanan ang sakit."
"Bakit kaya hindi sinarado ni mommy ang akin, alam ba niyang ganito ako? "
"Ewan ko, siguro hindi pa sila handa kasi maari ding ikamatay ng nanay ang pagsarado ng isip ng kaniyang anak. "
"May isa pa akong tanong."
"Ano yun?"
"Pinilit akong ipasok ng magulang ko sa eskwelahang ito, ibig sabihin ba non ay may karunungan din ako gaya mo?"
"Yung ang hindi ko alam, dahil mga berde lang ang may kakayahang alamin ang karunungang taglay ng mga katulad natin. "
"Ano ba yang nga berde at dilaw na yan? "
"nakadepende ang karunungan mo sa kulay ng iyong dugo."
Bigla kong naalala ang itim na dugo nung lalake.
"Paano kapag itim ang dugo mo? "
"Malakas sila, kaya nilang kontrolin ang kidlat, tubig, at hangin. Mabilis sila kung gumalaw, kaya naman kinatatakutan din sila ng iba. Oras na mamaster nila ang kanilang karunungan ay delikado silang makabangga. "
shit...
"sila ba ang pinakamalakas sa lahat?"
"Hinde, pangalawa lang sila."
"Ano ang pinakamalakas?"
"Lila. "
"Huh?"
"Lila ang pinakamalakas, pero wala pa kaming nakikita na may dugong lila. Kapag nagkataon, ay sila ang pinakamalakas, pinakadelikado kung magalit, at higit sa lahat kontrolado nila ang lahat."
ayy ang unfair.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Dahil taglay nila ang lahat ng karunungan na mayroon ang bawat kulay ng dugo. Sabi ng nanay ko, naging lila daw kanilang dugo sapagkat napaghalo halo daw ang lahat ng kulay ng dugo sa kaniyang katawan. Mahihirapan daw silang kontrolin ang karunungan nila sa una dahil masyado daw itong malakas. Pero oras na makabisado nila ito ay titingalain sila ng lahat ng mga may karunungan. "
"Hindi mo ba ako tino talk s**t?! "
Pinagtaasan tuloy ako ng kilay?
"Joke lang. "bawi ko.
"Sabi ng nanay ko, may isang babae raw dati na lila ang dugo, nagkaroon daw siya ng anak pero dahil sa nangyaring trahedya ay nawala raw sila. Hinanap nga eh, pero hindi na natagpuan. "
"Siya nga pala may nakita akong lalake kahapon dito mismo, tapos itim ang dugong umaagos sa sugat niya. Kaklase naten yon, kasi nakita ko siya sa classroom kanina, mukhang tahimik nga lang eh."
"Itim ang dugo? Iisa lang ang lalakeng itim ang dugo sa atin. "
"Anong pangalan niya?"
Tinitigan niya muna ako sa mata bago magsalita.
Nakakatakot naman to tumingin.
"Mag-iingat ka sa kaniya, delikado ang karunungang taglay niya lalo pa't hindi pa niya ito kontrolado ng husto. "
Hinila niyang muli ang kamay ko at dinala ako sa lilim ng puno at nakita nga namin ang lalakeng tinutukoy ko.
"Siya ba? "turo niya sa lalake.
"oo siya nga, anong pangalan niya?"
"Siya si------ "
"Nyles!!!!!" isang malakas na sigaw galing sa lalake ang nagpakabog ng puso ko.
Sa sobrang taranta ni Nyles ay nahila niya ako at agad naming nilisan ang lugar.
"Muntik na tayo dun. $///Kinakabahang ani niya.
Nakakatakot pala talaga siya. Sabi ko naman.
Sinabi mo pa. Huwag kang basta basta lalapit kay----
(to be continued)