Napakunot ang noo ko ng mapansin ang ilang studyante na tumatakbo palabas ng campus. Anong mayroon? Nang bigla akong matigilan ng marinig ang sinabi ng isang lalaki sa mga kaibigan nito. "Bro, mukhang may giyerang mangyayari?" "Anong ibig mong sabihin?" "Nandoon sa labas ng gate sina Vinz at Lance. Nagtatalo! Tara!" Nagsitakbuhan naman ang mga ito. Naestatwa yata ako sa kinatatayuan ko. Nang isang kamay ang maramdaman ko. "Bes! Nagkakagulo sina Vinz at Lance!" hinihingal na sambit ni Less. Akmang ihahakbang ko ang mga paa ko ng ma-realize kong wala naman akong pakialam sa mga ito. Ano nga naman ang koneksyon ko sa pinagkakaguluhan nila. "Bes, naririnig mo ba ako?" habol nito sa paglakad ko pabalik ng classroom. "Yes. Hindi ako bingi." Sabay irap dito. Bigla naman nitong

