Episode 44

1511 Words

"Hi!" bigla naman akong napa-angat ng tingin. Isang maaliwalas na mga ngiti ang sumalubong sa akin. "What do you want?" malamig kong tanong kay Rey. Mabigat ang loob ko dahil kaibigan ito ng ex kong manluluko. Pero ewan ko ba kung bakit kinakausap ko pa ang kumag na ito. Aaminin ko naman na hindi gaanong mabigat o mas tamang hindi ako galit sa isang ito. Ewan ko ba kung bakit. Umupo naman ito sa tabi ko na parang wala lang. Wala man lang paalam. Feeling close. Nasa ilalim kami ng malaking puno kung saan madalas akong tumambay. Ang kaibigan ko naman, tumungo ng banyo. Madalas tawagin ng kalikasan. Kumunot ang noo ko ng hindi ito umiimik. Nakatingin lang ito sa harapan na akala mo malalim ang iniisip. "Patawarin mo sana ang mga kaibigan ko, Sofie." Bigla naman akong napabaling dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD