Napahinto ako sa paglalakad ng makitang nasa labas ng gate ang lalaking si Vinz. Wala naman akong choice kun'di ang dumiritso. Uwian na ng mga oras na iyon. "Nakaabang ang ex mo, bes?" bulong ni Less. Hindi naman ako umimik at dire-diretso lang ang lakad ko. Hindi ko tinatapunan ng tingin ang binata. Nang bigla itong humarang sa daraanan ko. Wala akong nagawa kun'di ang mapatingin sa mukha nito. Gusto kong mapalunok ng makita ang pagka - stress ng mukha nito na akala mo ito pa ang na-broken. "Baby.." Akmang lalagpasan ko ito ng hawakan nito ang braso ko. "Baby, hayaan mo naman akong makapagpaliwanag," pagsusumamo nito. Mabilis kong inalis ang kamay nito na nakahawak sa braso ko. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin. "Anong bang kailangan kong gawin upang pakinggan mo ako!" nahih

