Isang katok ang narinig ko sa pintuan ng kuwarto ko. "Bes, hindi ka pa ba kakain?" Hindi naman ako umimik. Hanggang sa naramdaman kong umalis na ito sa harapan ng pintuan. Nilock ko kasi iyon at ayokong makita nitong umiiyak ako dahil sa manlulukong Vinz na iyon. Napa-angat ako ng mukha ng makarinig ng mga boses sa labas. Nilapit ko naman ang tainga ko sa may pintuan ng kuwarto ko. "Please Less. Gusto ko lang naman makausap ang nobya ko," rinig kong wika ni Vinz. Anong oras na, pumunta pa talaga ito dito? "Bukas ka na lang bumalik, Vinz or kahit sa school muna lang siya kausapin. Kanina pa siya hindi lumalabas ng kuwarto. Tiyak kong hindi ka niya kakausapin sa ngayon. Hindi madali para sa kaniya na niluk--" "No! Kailanman hindi ko siya niluko. I really love her!" "Sorry, Vinz. Pe

